Pang Uri

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

Pang-uri: Ano ang Pang-uri,

Halimbawa ng Pang-uri, at
Kaantasan

ALYSSA ABENOJA
Ano ang Pang-uri?

Ang pang-uri o adjective sa wikang Ingles ang tawag


sa salita o lipon ng mga salita na naglalarawan o
nagbibigay turing sa tao, bagay, pook, hayop, o
pangyayari. Maari din itong maglarawan sa hugis,
sukat, at kulay ng pangngalan at panghalip. Kabilang
ang pang-uri sa mga Bahagi ng Pananalita o 
Parts of Speech.
Uri ng Pang-uri
Pang-uring Panlarawan

Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang


pangngalan o panghalip. Ito ay naglalarawan sa laki,
kulay, at hugis ng tao, bagay, hayop, lugar, at
marami pang iba. Inilalarawan din nito ang ang
anyo, amoy, tunog, yari, at lasa ng bagay. Bukod dito,
nailalarawan din ng ng mga pang-uring panlarawan
ang mga katangian ng ugali, asal, o pakiramdam ng
tao o hayop. Maaring gamitin sa paglalarawan ang
limang pandama o five senses.
Halimbawa:

Mainit pa ang bagong saing na kanin ni Inay.


Magdala ka ng jacket dahil malamig sa Baguio na
pupuntahan natin.
Masarap ba ang pagkaing niluto ni Tatay?
Gusto ko sanang makita ang itim na laso ni Hilda.
Si Keith ang babaeng nakasuot ng pulang bestida.
Pang-uring Pantangi

Ito ay binubuo ng isang pangngalang pambalana at


isang pangngalang pantangi. Ang pangngalang
pantangi (na nagsisimula sa malaking titik) ay
naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang
pambalana.
Halimbawa

Uwian mo ako ng puto Biñan.


Nagpabili si Jose ng pansit Malabon kay Wally.
Mahilig si Noe sa pasta at iba pang pagkaing Italyano.
Alam mo ba kung ano ang kulturang Espanyol?
Marunong ka bang magsalita sa wikang Ingles?
Sa paaralan ay pinag-aaral ang kultura ng mga katutubong
Filipino.
Maasim ba ang longganisang Lucban?
Iba pa rin ang lasa ng lutong Pinoy.
Nais kong pag-aralan ang kulturang Hapon.
Nagsaliksik si Richard tungkol sa mga katangian ng kulturang
Espanyol.
Pang-uring Pamilang

Ang pang-uring pamilang ay nagsasabi o


nagpapakita ng bilang, dami, o posisyon sa
pagkakasunod-sunod ng pangngalan o panghalip.
Mga Uri ng Pang-uring
Pamilang
Patakaran o Patakarang Pamilang

Ito ay nagsasaad ng aktuwal na bilang ng tao o


bagay. Ito ay mga basal na bilang o numeral.

Halimbawa:
Mayroong isang lalaki na kumakatok sa pinto.
 Sina Mike at Grace ay may apat na anak.
 Bumili ako ng limang itlog sa tindahan.
 Higit sa apat na libong tao ang nasa mga evacuation
center.
Panunuran o Panunurang pamilang

Ito ay nagsasaad ng posisyon ng pangngalan


sa pagkasunod-sunod ng mga tao o bagay. Isinasabi ng mga ito kung
pang-ilan ang tao o
Bagay.

Halimbawa:
Ako ang ikatlong mag-aaral na napiling lumahok sa paligsahan.
 Nakamit ni Jason ay unang gantimpala sa paligsahan sa pagguhit.
 Ito ang pangalawang pagkakataon na ibibigay sa iyo ng hukom.
 Si Rodrigo Duterte ang ika-labing anim na pangulo ng Pilipinas.
 Gawin mo ang pagsasanay sa ika-limampung pahina ng aklat
Pamahagi o Pamahaging Pamilang

Ito ay nagsasaad ng bahagi ng kabuuan ng


pangngalan. Ang unlaping tig- ay nagsasaad ng pantay
na pamamahagi (equal
distribution). Ginagamit ito kapag ang bilang ng bagay
na ibinigay o natanggap ay parepareho.
Ginagamit din ang salitang bahagdan, persentahe, o
porsiyento pagkatapos ng bilang para sa bahagi ng
isang daan.
Halimbawa

Tiglilimang kendi ang ibibigay sa mga bata.


Ang mga mag-aaral ay kumuha ng tigalawang lapis.
Kalahating mangkok ng kanin lang ang kinain ni Carlo.
Gumamit ako ng sangkapat na tasa ng mantika sa pagluto.
Lima at dalawang-katlong sako ng bigas ang natira sa
bodega.
Upang maipasa ang panukala, kailangan ang boto ng
dalawang-katlong mayorya.
Inaasahan na magkakaroon ng dalawampung bahagdang
bawas sa mga presyo sa
Linggo.
Pahalaga o Pahalagang Pamilang

Ito ay nagsasaad ng halaga (katumbas na pera)


ng bagay o anumang binili o bibilhin.

Halimbawa:
Ibinigay ng batang pulubi ang pisong kendi sa
kanyang kapatid.
Nabenta na ang tatlong milyong pisong bahay at lupa
sa Mandaluyong.
Nakatanggap ako ng sandaang pisong load kahapon.
Bibilhin mo ba ang limampung libong pisong alahas?
Palansak o Palansak na Pamilang

Ito ay nagsasaad ng pagpapang-pangkat ng mga


tao o bagay. Itinutukoy nito ang bilang na bumubuo ng
isang pangkat ng tao o bagay na
pinagsama-sama. Halimbawa, ang palansak na
pamilang na dala-dalawa ay may
kahulugan sa Ingles na “by twos”, “in pairs” o “in
groups of two.”
Halimbawa

Sampu-sampu ang tao na nagsisidagsaan sa mga


evacuation center.
Dala-dalawang pakete ng kape ang ibinebenta sa
tindahan.
Dalawahan ang mga upuan sa bus na ito.
Animan ang mga estudyante sa bawat kuwarto ng
dormitory
Patakda o Patakdang Pamilang

Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang ng pangngalan.


Ang bilang na ito ay hindi na madadagdagan o mababawasan pa.

Halimbawa:
isa ang pangarap ni Jessie at ito ay maging isang tanyag na
mang-aawit.
Dadalawang isda lamang ang nahuli ni Kuya Pedro.
 Sasampung miyembro pa lamang ang nagbabayad ng kanilang
kontribusyon.
Lilimang mag-aaral lamang ang pinayagan na pumunta sa
lakbay-a
Kaantasan ng Pang-uri
Lantay

Naglalarawan ito ng isang pangngalan o panghalip


na walang pinaghahambingan.
Halimbawa

Mabango ang bulaklak sa Baguio.


Madilaw na ang mangga ng mabili ko.
Si Lucy maganda.
Bumili ako ng pulang payong sa mall.
Maganda ang palabas sa sine ngayon.
Si Buboy ay nakasuot ng asul na short.
Saan kaya ako makakabili ng berdeng notebook?
Ang bahay ni Tasyo ay malaki at maganda.
Pahambing

Naghahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o


panghalip.
Halimbawa

Magkasinghusay umawit si Ester at Lanie.


Magkasingdami lang ang kanin na nakalagay sa
plato natin.
Magkasingbango ng bulaklak na dala ni Osang at ni
Opang.
Higit na maganda ang laso ni Berta kaysa kay Mara.
Mas matalino si Paula kaysa kay Paulo.
Higit na magaling si Wanda sa pagbibilang kaysa kay
Momoy.
Pasukdol

Ito ang katangiang namumukod o nagngingibabaw


sa lahat ng pinaghahambingan.
Halimbawa

Pinakamabilis tumakbo si Jobert kaya naman siya ang


pambato ng kanilang paaralan.
Ubod ng ganda ang dagat sa Boracay.
Nais kong marating ang pinakamataas na bundok sa buong
Pilipinas.
Nakita mo na ba ang pinakamagandang babae sa ating baryo?
Napakamahal naman ng bili mo sa iyong pabango.
Gusto kong matikman ang pinakamasarap na laing na
pinagmamalaki ng Bicol.
Ikaw ang pinakapinagkakatiwalaan ko sa lahat kaya umayos
ka.
Kayarian ng Pang-uri
Payak

Binubuo ito ng salitang-ugat lamang.


Halimbawa

Ang ganda pala sa Luneta.


Asul ang kulay ng karagatan.
Bulok na ang nabili kong patatas.
Saan kaya nakakabili ng hinog na bayabas?
Bago ang damit ni Susi.
Dilaw ang kulay ng suot niyang panyapak.
Hinog na ang kamatis na tanim ni Lolo Pablo.
Maylapi

Mga salitang-ugat ito na kinakabitan ng mga


panlaping ka-, ma-, main,-hin, -in, mala-, kasing-,
kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-.
Halimbawa

Kapirasong tela ang ipinantakip niya sa butas ng


kanyang palda.
Ang bahay ni Lorna ay malaki.
Malalambot ang unan sa silid na ito.
Kaysarap palang manirahan sa Tagaytay dahil
malamig ang klima doon.
Kaunti lamang ang pinayagang sumama sa
ekskarsyon.
Mayaman ang napangasawa ni Sandy.
Mabango ang mga nilabhan ko.
Inuulit

Binubuo ito sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong


salita o bahagi ng salita.
Halimbawa

Dala-dalawa na ang pila ng mga sasakyan sa Edsa.


Sinu-sino sa inyo ang sasama sa Tagaytay bukas?
Mamula-mula ang pisngi ng bata.
Kayganda-gandang pagmasdan ang asul na
karagatan.
Naliligo ako araw-araw.
Saku-sakong bigas ang nasayang dahil hindi agad
ipinamigay sa mga mahihirap.
Dinadalaw ni Isong si Isang gabi-gabi.
Tambalan

Binubuo ng dalawang salitang pinagtambal.


Halimbawa

Kung hindi ka sana ningas-kugon ay malamang natapos mo na


ang proyekto mo.
Si Pricila ay balat-sibuyas.
Tayo na sa silid-aklatan para makapili tayo ng babasahing
aklat.
Ang mga matatandang walang nag-aaruga ay dinadala sa
bahay kalinga.
Dapit-hapon na ng dumating ang Tatay galing sa trabaho.
Taos-pusong nagpasalamat si Nelia sa kanyang ina dahil
pinatapos niya ito sa pag-aaral.
Nakakatuwa ang mga taong bukas-palad na tumutulong sa iba.

You might also like