Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

PAGBASA

Ang kahulugan,kahalagahan,Layunin,Hakbang,at Iba't


Ibang Uri ng Pagbasa
KAHULUGAN
Pagkilala at pagkuha ng ideya at
kaisipan mula sa sagisag na
nakalimbag.
RUBIN at BERNHADT
• Ang pagbasa ay kompleks,daynamikong proseso
ng pagpapadala ng mensahe sa teksto at
pagkuha ng kahulugan mula sa teksto.

• Ito ay kasanayang tumutulong sa tao sa


pagtuklas ng mga tugon sa mga katanungang
may kaugnayan sa pagkalalang upang mabatid
ang mga hiwaga ng kalikasan at sa pag-unawa
sa realidad ng buhay.
BALTAZAR 1977
Ang pagbasa ay kasangkapan
sa pagkatuto ng mga
kabatiran ukol sa iba't ibang
larangan ng pamumuhay.
VILLAMIN ET.AL (1988)

•Ang pagbasa ay aktibong


dayalog na namamagitan sa
may akda at sa mambabasa.
KOCH ET.AL 1982
Ang pagbasa ay hindi lamang pagkilala sa
mga simbolong nakalimbag kundi pagkuha
ng mga kahulugan ng nakalimbag na simbolo
sa pamamagitan ng wastong pag-unawa sa
pagpapakahulugan sa mensahe at layunin ng
sumulat.
KAHALAGAHAN
• Nakakatulong ang pagbabasa upang
magkaroon ng mabisang pag-unawa sa
partikular na paksa o aralin.
• Ito ay isa sa pangunahing kasanayan na
dapat iproseso ng isang tao upang makamit
ang tagumpay sa buhay.
• Isinasagawa ang pagbabasa upang
mapanatiling maalam,makasabay sa
pagbabago,at mahasa ang ang kakayahang
pag-isip.
• napapalalim nito ang ating ideya at
gumagabay sa atin upang
makapagpahayag ng mga kuro-kuro o
opinyon,
• isa itong paraan upang tumuklas ng
maraming kaalaman at kaurunungang
tutugon sa pangangailangang kabatiran
sa iba't ibang larangan ng
agham,panitikan,teknolohiya,at iba pa.
LAYUNIN
• Nagbabasa tayo upang tumuklas at mapalawak pa ang
ating kaalaman.
• Upang kilalanin ang sarili,maging pagkatao ng isang
indibidwal
• Malaman ang mga mahahalagang
kasaysayan,nakaraan,at kultura ng ibang lahi
• malaman ang kahulugan ng mga salita
• lumawak ang ating talasalitaan
• makapaglakbay ang ating diwa
• upang makapag-bigay ng aliw
• maging inspirasyon buhay sa pamamagitan ng mga
aral at asal na ipinahahayag na teksto.
IBA’T IBANG
URI NG
PAGBASA
ISKANING
Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay
nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad
ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at
sub-titles. Dito, ang mahalagang salita ay di binibigyan
pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang
mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan,
halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin
kung nakapasa sa isang Board Examination, pagtingin ng
winning number ng lotto.
ISKIMING
Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang
makuha ang pangkalahatang ideya o
impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na
babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa
mahalagang impormasyon, na maaaring
makatulong sa pangangailangan tulad ng
term paper o pamanahong papel, riserts at
iba pa.
PAGBASANG PANG-
IMPORMASYON
Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad
halimbawa ng pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa
hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang
pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito
rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang
kaalaman.
PREVIEWING
Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi
kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri
muna ang kabuuan at ang estilo at
register ng wika ng sumulat. Ang
ganitong paraan ay makatutulong sa
mabilis na pagbasa at pag-unawa sa
babasa.
May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing
gaya ng mga sumusunod:
a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na
karaniwang nakasulat ng italik.
b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan,
graps at tsart, ito ay binibigyan suri o basa.
f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.
KASWAL

Pagbasa ng pansamantala o di-palagian.


Magaan ang pagbasa tulad halimbawa
habang may inaantay o pampalipas ng
oras.
MATIIM NA PAGBASA
Nangangailangan ito ng maingat na
pagbasa na may layuning
maunawaang ganap ang binabasa
para matugunan ang pangangailangan
tulad ng report,riserts, at iba pa.
RE-READING O MULING PAGBASA
Paulit na binabasa kung ang binabasa ay
mahirap unawain bunga ng mahirap na
talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag.
Isinasagawa ang muling pagbasa upang
makabuo ng pag-unawa o masakyan ang
kabuuang diwa ng materyal na binasa.
Hakbang sa Pagbasa
1.Pagkilala
 tumutukoy sa kakayahan ng bumabasa na mabigkas ang mga
salitang tinutunguhan at makilala ang sagisag ng isipang nakalimbag
2. Pag-unawa
 ang kakayahang bigyang kahulugan at interpretasyon ang kaisipang
ipinapahayag ng mga simbolo ng mga salitang nakalimbag
3. Reaksyon
 kakayahan ito ng mambabasa na maghatol o magsabi kung may
kawastuhan at kahusayan ang pagkasulat ng teksto.Tumutukoy ito
sa damdamin na iniuukol ng mambabasa sa nilalaman ng teksto
4. Asimilasyon at Integration
 kakayahan ito ng mambabasa na isabuhay ang natutuhang kaisipan
sa binasa.

You might also like