Ang kahulugan,kahalagahan,Layunin,Hakbang,at Iba't
Ibang Uri ng Pagbasa KAHULUGAN Pagkilala at pagkuha ng ideya at kaisipan mula sa sagisag na nakalimbag. RUBIN at BERNHADT • Ang pagbasa ay kompleks,daynamikong proseso ng pagpapadala ng mensahe sa teksto at pagkuha ng kahulugan mula sa teksto.
• Ito ay kasanayang tumutulong sa tao sa
pagtuklas ng mga tugon sa mga katanungang may kaugnayan sa pagkalalang upang mabatid ang mga hiwaga ng kalikasan at sa pag-unawa sa realidad ng buhay. BALTAZAR 1977 Ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba't ibang larangan ng pamumuhay. VILLAMIN ET.AL (1988)
•Ang pagbasa ay aktibong
dayalog na namamagitan sa may akda at sa mambabasa. KOCH ET.AL 1982 Ang pagbasa ay hindi lamang pagkilala sa mga simbolong nakalimbag kundi pagkuha ng mga kahulugan ng nakalimbag na simbolo sa pamamagitan ng wastong pag-unawa sa pagpapakahulugan sa mensahe at layunin ng sumulat. KAHALAGAHAN • Nakakatulong ang pagbabasa upang magkaroon ng mabisang pag-unawa sa partikular na paksa o aralin. • Ito ay isa sa pangunahing kasanayan na dapat iproseso ng isang tao upang makamit ang tagumpay sa buhay. • Isinasagawa ang pagbabasa upang mapanatiling maalam,makasabay sa pagbabago,at mahasa ang ang kakayahang pag-isip. • napapalalim nito ang ating ideya at gumagabay sa atin upang makapagpahayag ng mga kuro-kuro o opinyon, • isa itong paraan upang tumuklas ng maraming kaalaman at kaurunungang tutugon sa pangangailangang kabatiran sa iba't ibang larangan ng agham,panitikan,teknolohiya,at iba pa. LAYUNIN • Nagbabasa tayo upang tumuklas at mapalawak pa ang ating kaalaman. • Upang kilalanin ang sarili,maging pagkatao ng isang indibidwal • Malaman ang mga mahahalagang kasaysayan,nakaraan,at kultura ng ibang lahi • malaman ang kahulugan ng mga salita • lumawak ang ating talasalitaan • makapaglakbay ang ating diwa • upang makapag-bigay ng aliw • maging inspirasyon buhay sa pamamagitan ng mga aral at asal na ipinahahayag na teksto. IBA’T IBANG URI NG PAGBASA ISKANING Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles. Dito, ang mahalagang salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board Examination, pagtingin ng winning number ng lotto. ISKIMING Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa. PAGBASANG PANG- IMPORMASYON Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang kaalaman. PREVIEWING Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa. May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga sumusunod: a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang nakasulat ng italik. b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print. c. Pagbasa sa una at huling talata. d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata. e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan suri o basa. f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman. KASWAL
Pagbasa ng pansamantala o di-palagian.
Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may inaantay o pampalipas ng oras. MATIIM NA PAGBASA Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report,riserts, at iba pa. RE-READING O MULING PAGBASA Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa. Hakbang sa Pagbasa 1.Pagkilala tumutukoy sa kakayahan ng bumabasa na mabigkas ang mga salitang tinutunguhan at makilala ang sagisag ng isipang nakalimbag 2. Pag-unawa ang kakayahang bigyang kahulugan at interpretasyon ang kaisipang ipinapahayag ng mga simbolo ng mga salitang nakalimbag 3. Reaksyon kakayahan ito ng mambabasa na maghatol o magsabi kung may kawastuhan at kahusayan ang pagkasulat ng teksto.Tumutukoy ito sa damdamin na iniuukol ng mambabasa sa nilalaman ng teksto 4. Asimilasyon at Integration kakayahan ito ng mambabasa na isabuhay ang natutuhang kaisipan sa binasa.