Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

“ANG BAYAN KO’Y TANGING IKAW

PILPINAS KONG MAHAL


ANG PUSO KO AT BUHAY MAN
SA IYO’Y IBIBIGAY
TUNGKULIN KO’Y GAGAMPANAN
NA LAGI KANG PAGLINGKURAN
ANG LAYA MO’Y BABANTAYAN
PILIPINAS KONG HIRANG”
“ANG PAGIGING
MAKABAYAN AY
KATANGIANG
MAHALAGANG
TAGLAYIN NG LAHAT
NG MAMAMAYAN”
ANG IBA’T IBANG
GAWAING PANSIBIKO SA
PAMAYANAN AT BANSA
KATEGORYA:
1. SIBIL
2. ELEKTORAL
3. BOSES PAMPOLITIKA
SIBIL
-Paglutas ng problema sa komunidad
-Regular na pagboboluntaryo para sa isang
hindi elektoral na organisasyon
-Aktibong pagiging kasapi sa isang grupo
-Ang paglahok sa pagkalap ng pondo gaya ng
takbo/lakad/biyahe
-Iba pang pagkalap ng pondo para sa
kawanggawa
-Pagtakbo para sa posisyong politikal
-Simbolikong hindi pakikilahok
ELEKTORAL
-Regular na pagboto
-Paghikayat sa iba na bumoto
-Pagpapakita ng mga button, mga
karatula, mga stiker
-Pagrerehistro sa mga botante
-Pagboboluntaryo para sa kandidato o
pampolitikang oganisasyon
-Pagbibigay ng kontribusyon sa
kampanya
BOSES PAMPOLITIKA
-Pakikipag-ugnayan sa mga opisyal
-Pakikipag-ugnayan sa mga print media
-Pakikipag-ugnayan sa mga broadcast
media
-Pagpoprotesta
-Pagpapadala ng petisyon sa
pamamagitan ng e-mail
-Pagsulat ng petisyon at pagka-canvass
-Pagboboykot
MGA EPEKTO NG
PAKIKILAHOK SA MGA
GAWAING PANSIBIKO
-Mapapansin na ang civic engagement o pakikilahok
sa mga gawaing pansibiko ay pakikilahok sa ilang sibil
o politikal na proseso at isyu ng bansa.
-Ito ay mahalagang sangkap ng demokrasya ng bansa
at isang pamamaraan upang makapagtulungan ang
mga mamamayan na mapabuti ang kalidad ng
kanilang buhay sa komundad sa pamamagitan ng
politikal at hindi politikal na mga proseso.
EPEKTO SA KABUHAYAN
a. Mapapaunlad pa ng mga
mamamayan ang kanilang
kabuhayan
b. Magkakaroon ng pagkakaisang
sosyal
c. Magkakaroon ng mga pantay na
patakaran
EPEKTO SA POLITIKAL
a. Magkakaroon ng mas malinis na
politika sa bansa
b. Mapagtitibay ang demokrasya sa
bansa
c. Nagbibigay-daan para sumama sa
pagdedesisyon
d. Ang civic engagement ay kritikal sa
paghahanap ng solusyon sa mga
komplikadong hamong pampolitikal
EPEKTO SA LIPUNAN
a. Magkakaroon ng magandang lipunan
b. Ang mga mamamayan ay nagkakaroon ng
kumpiyansa sa sarili at panlipunang
responsibilidad
c. Nabibigyan ng oportunidad ang mga
mamamayang nakikilahok sa gawaing pansibiko
d. Sa panig ng kabataan, pinapataas ng civic
engagement ang emosyonal na katalinuhan
e. Sa madaling salita, ang civic engagement at civic
envolvement ay nangangahulugan ng mga
mamamayang konektado sa isa’t isa.
TAMA O MALI
1. Sa ilang mga bansa, gaya ng United States at
United Kingdom, ang nasyonalidad at
pagkamamayan ay may magkaibang kahulugan.
2. Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng
maramihang pagkamamamayan.
3. Ang nasyonalidad ay tumutukoy sa kalagayan ng
isang tao na kinikilala sa ilalim ng batas o kustom
bilang isang miyembro ng isang nagsasariling
estado.
4. Ang kasaysayan ng sibiko ay nagsimula sa mga
sinaunang pilosopiya sa sibiko nina Confucius ng
sinaunang China at Plato ng sinaunang Greece.
5.Ang civic engagement ay may iba’t ibang anyo, mula
sa indibidwal na pagboboluntaryo hanggang sa
pakikilahok sa organisasyon.
6. Ang isang aktibong mamamayang nakikilahok sa mga
gawain at usapang pansibiko ay dapat tagapagtaguyod
ng katarungan at kapayapaan.
7. Nakapaloob sa pagkamamamayan ang pakiramdam
sa personal na responsibilidad
8. Ang sibiko ay tumutukoy sa tiyuretikal at praktikal na
pag-aaral ng mga aspeto ng pagkamamayan.
9. Ang isang tao na walang morals sa ano mang estado
ay sinasabing stateless o walang estado.
10. Ang pagboto ay isang mahalagang bahagi ng sibiko.
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA
6. TAMA
7. TAMA
8. TAMA
9. MALI
10.TAMA

You might also like