Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

MORPOLOHIYA

Morpolohiya
■ Ang makaagham na pag-aaral ng mga morpema
o makabuluhang yunit ng mga salita.
■ Ito ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa
pamamagitan ng iba’t ibang morpema.
■ Ito ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng
isang salita na may angking kahulugan. Ito ay
maaaring panlapi o salitang ugat.
Morpema
■Ang tawag sa pinakamaliit na
yunit ng salita na nagtataglay ng
kahulugan.
Uri ng Morpema
■Morpemang Ponema
■Morpemang Salitang-Ugat
■Morpemang Panlapi
1. Morpemang Ponema /a/ at /o/
■ Kung nagbabago ang kahulugan ( kasarian) dahil sa
pagdagdag ng ponemang /a/ o kontradiksyon ng /o/
sa /a/, ang /a/ o /o/ ay itinuturing na ponema.
Halimbawa:
■ Gobernador - Gobernadora
■ Konsehal - Konsehala
■ Kapitan - Kapitana
■ Abogado – Abogada
2. Morpemang Salitang-Ugat
■ Ito ay uri ng morpema na walang panlapi. Ito ay ang
payak na anyo ng isang salita.
Halimbawa:
■ Ganda
■ Sipag
■ Buti
3. Morpemang Panlapi
■ Ito ay uri ng morpema na idinurugtong sa salitang-
ugat na maaaring makapagpabagong kahulugan ng
salita ngunit hindi nakakatayong mag-isa ang mga
panlapi at kailangan idugtong sa salitang-ugat upang
magkaroon ng kahulugan.
■ Ang morpemang panlapi ay nagtataglay ng
kahulugan.
Morpemang Kahulugan Salitang-ugat Bagong
Panlapi Morpema
Pagkakaroon ng
Ma- katangiang taglay Bait Mabait
ng salitang ugat

Pagganap sa kilos
Um- Awit Umawit

Lugar na
-an pinaglalagyan Aklat Aklatan

Nagsasaad ng
Ma- pagkakaroon Pera Mapera
Morpemang Leksikal at Pangkayarian
Morpemang Leksikal
» May tiyak na kahulugan at kabilang dito ang mga
pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang- abay. 
Morpemang Pangkayarian
» Walang tiyak na kahulugan at kailangang makita sa isang
kayarian o konteksto ang mga ito upang magkaroon ng
kahulugan.
Halimbawa
■ Naghihintay nang pagkatagal-tagal si Pedro sa kanyang mga kaklase. 
Ang nang, si, sa at mga ay walang tiyak na kahulugan subalit ito ay
nag-uugnay sa mga morpemang leksikal na Pedro, kaklase, naghihintay
at pagkatagal-tagal upang magkaroon ng kahulugan ang pangungusap.
 
■ Naghihintay nang pagkatagal-tagal ang mga kaklase ni Pedro.
Nagbago ang kahulugan ng pangungusap. Sa unang pangungusap, Si
pedro ang naperwisyo samantalang sa pangalawang pangungusap, ang
kanyang mga kaklase ang naperwisyo.
PONOLOHIYA
Ponolohiya
■ Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng
wika na nagbibigay kahulugan sa
pagbigkas ng salita o nagbibigay ng ng
pagbabago sa kahulugan ng mga salita ay
tinatawag na ponolohiya o palatunugan.
■ May dalawampu’t isang (21) ponema ng wikang
Filipino labing-anim (16) ang katinig at lima (5)
naman ang patinig.
■ Ang mga katinig sa Filipino ay ang sumusunod: b,
k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
■ Ang mga patinig naman ay ang: a, e, i, o, u
       
Ayos ng Dila Harap Sentral Likod

       
Mataas    
i u

       
Gitna    
e o

       
Mababa  
a
Tagpuan o Punto ng Artikulasyon
Naglalarawan ito kung saan bahagi ng bibig nagaganap ang
pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig o sa
pagbuo ng tunog, may pitong punto ng artikulasyon:
■ Panlabi - Ang ibabang labi at labing itaas ay naglalapat;
ginagamit ang mga labi sa pagbigkas ng katinig. /p,b,m,w/
■ Pangngipin - Ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob o sa likod
ng ngiping itaas. /t,d,n/
■ Panggilagid - Ang punog gilagid ay nilalapitan o dinidiitan ng
ibabaw ng dulong dila. /s,l,r/
■ Palatal (Pangalangala) - Dumidiiit sa matigas na bahagi ng
ngalangal ang ibabaw ng punog dila. /y/
■ Velar (Pangngalangala) - Ang velum o malambot na bahagi ng
ngalangala ay dinidiitan ng ibabaw ng punong dila. /k,g, /(ng)/
■ Panlalamunan - Ang pagitan ng dalawang babagtingang tinig na
tinatawag na glottis ay bahagyang nakabukas upang ang hangin
sa lalamunan ay makadaan. /h/
■ Glottal - Ang presyur ng papalabas na hangin o hininga ay
nahaharang sa pamamagitan ng pagdidiit ng mga babagtingang
tinig at ang nalilikha ay paimpit o pasusot na tunog. /?/
Paraan ng Artikulasyon o Paraan ng
Pagbigkas

■ Inilalarawan kung papaanong gumagana ang


ginagamit ang nmga bahagi ng organong
pagbigkas o sangkap sa pagsasalita. Sa pagbigkas
ng mga katinig, inilalarawan din nito kung paano
pinalalabas ang hangin hininga sa mga resonador.
Ang paraan ng artikulasyon o paraan ng pagbigkas ay
mapapangkat sa anim, gaya ng mga sumusunod:
■ Pasara - Hinaharangan ang daanan ng hangin. /p, t, k, b, d, g/
■ Pailong - Nahaharang ang hangin na dapat ay sa bibig
lumalabas dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong
dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng
malambot na ngalangala. Ang nangyayari ay hindi sa bibig
lumalabas ang hangin kundi sa ilong. /m,n, /ng/
■ Pasutsot - Sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o
kaya’y ng mga babagtingang tinig lumalabas ang hangin. /s,h/
■ Pagilid - Dahil sa ang dulong dila ay nakadiit sa punog
gilagid, sa mga gilid ng dila lumalabas ang hangin. /l/
■ Pakatal - Dahil sa ang dulo ng nakaarkong dila ay
pumapalag, ang hangin sa loob ng bibig ay paiba-iba ng
direksyon at ito ay nahaharang. /r/
■ Malapatinig - Kapag malapatinig ang ponema, ang galwa
ng labi o dila ay mula sa isang pusisyon patungo sa ibang
pusisyon. /w,y/
SALITANG UGAT
SALITANG UGAT
■ Ang salitang ugat o root word sa wikang Ingles ay ang
pangunahing salita. Ito ay isang salita na walang dagdag,
samakatuwid, ito ay salitang buo ang kaniyang kilos.
■ Ito ay walang panlapi, unlapi, at gitlapi.
Mga halimbawa:
takbo ----- tumakbo
sayaw ----- sumayaw
tulog ----- matulog
langoy ---- lumangoy
hugas ---- hugasan
PANLAPI
■ Ang panlapi ay isang morpema na
ikinakabit sa isang salitang-ugat upang.
Maaaring ilagay ang panlapi sa unahan,
gitna, o hulihan ng isang salitang-ugat
upang makabuo ng bagong salita at ito ay
magiging pandiwang maylapi o nilapian.
Uri ng Panlapi
1. Unlapi
■ Ang unlapi ay panlapi na idinaragdag sa unahan ng salitang-ugat.
May ilang pagbabago rin sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa
mga titik b,p,d,l,r,s,o,t kapag ang mga ito ay inuunlapian.
■ Ang mga unlaping nagtatapos sa ng tulad ng ipang-, kasing-,
magkasing-, mang-, mapang-, sing-, at sang-, ay nagiging ipam-,
kasim-, magkasim-, mam-, mapam-, pam-, sim-, at sam-, kapag
ang mga ito ay kinakabit sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa
titik b o p.
Halimbawa:
Ang salitang-ugat na bansa ay magiging pambansa.

■ Madalas din na tinatanggal ang unang titik ng salitang-ugat na


nagsisimula sa b o p.

Halimbawa: Ang salitang-ugat na bili ay nagiging mamili (mam- + bili)


 
■ Kapag inuunlapian ang ibang mga salitang-ugat na nagtatapos sa titik d,
ang d ay pinapalitan ng r.
 Halimbawa: Ang salitang-ugat na dumi ay nagiging marumi at ang dami ay
nagiging marami.
2. Gitlapi

■ Ito ang mga panlaping isinisingit sa pagitan ng unang


katinig at sumunod na patinig. Ang gitlapi ay panlapi na
idinaragdag sa gitna ng salitang-ugat. Ang gitlaping –in-
o –um- ay idinaragdag sa unang pantig ng salitang-ugat.
Nagagamit lamang ang gitlapi kung ang salitang-ugat ay
nagsisimula sa katinig.
Halimbawa:
Gitlapi Salitang-ugat Salita

um basa bumasa

in sulat sinulat

um punta pumunta

in biro biniro
3. Hulapi
■ Ang hulapi ay panlapi na idinaragdag sa hulihan
ng salitang-ugat. Kapag ang salitang-ugat ay na
may titik o sa huling pantig ay hinuhulapian, ang
titik o ay pinapalitan ng titik u.
Halimbawa:
Ang salitang-ugat na inom ay nagiging inumin.
■ Ngunit, kapag ang huling pantig ay may sinundang
pantig na may titik o rin, hindi pinapalitan ang o ng u.
Halimbawa:
Ang salitang-ugat na loko ay may o sa huling pantig (ko)
ngunit ang sinundang pantig nito ay may o rin (lo). Kung
ito ay huhulapian, ito ay magiging lokohan at lokohin at
hindi lokuhan at lokuhin.
■ Kapag hinuhulapian ang ibang salitang-ugat na
nagtatapos sa titik d, ang d ay pinapalitan ng titik r.
Halimbawa:
Ang salitang-ugat na lakad ay nagiging lakarin.
 
■ Minsan ay tinatanggal ang huling titik ng salitang-
ugat kapag ito ay hinuhulapian.
Halimbawa:
Ang salitang-ugat na bili ay nagiging bilhin. (bili + -hin)
4. Kabilaan
■ Kapag dalawang panlapi ang
idinaragdag sa salitang-ugat, ang
uri ng panlaping ito ay tinatawag
na kabilaan.
Halimbawa:
Unlapi at Salitang-ugat Salita
Hulapi

ka , han abala kaabalahan

ma, ran tulad matularan

in, an upo upuan


Gitlapi at Salitang-ugat Salita
Hulapi
In , an bawas binawasan

In , an hina hininaan

In , an tigil tinigilan
5. Laguhan
■ Kapag ang salitang-ugat ay may panlapi sa unahan, gitna, at
sa hulihan nito, ang uri ng panlaping ito ay tinatawag na
laguhan. 
Mga halimbawa ng salitang may laguhan:
 Ipinagsumigawan
(salitang-ugat: sigaw, unlapi: ipag-, gitlapi: -in-, hulapi: -an)
■ Pagsumikapan
(salitang-ugat: sikap, unlapi: pag-, gitlapi: -um-, hulapi: -an)
■ Magsinampalukan
(salitang-ugat: samplaok, unlapi: mag-, gitlapi: -in-, hulapi: -an)

You might also like