Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Pagsulat ng BIONOTE

Kahulugan ng Bionote
• Ang bionote ay makatotohanang pagpapahayag ng
personal na propayl ng isang tao. Halimbawa ay ukol sa
kanyang Academic Career at iba pang impormasyon .
• Ang pansariling bionote ay tumatalakay sa pansariling
buhay ng may akda. At ang paibang bionote naman ay
naglalahad ng makukulay na pangyayari sa buhay ng
iba.
PARAAN NG PAGSULAT NG BIONOTE
 Sa unang linya dapat na nasusulat ay pangalan
 Ikalawang linya 2 hanggang 4 na pang-uri na
naglalarawan sa taong inilalahad
 Ikatlong linya ay nasusulat ang mga magulang
 Ikaapat na linya ay mga kapatid
PARAAN NG PAGSULAT NG BIONOTE
 Ikalimang linya ang mga hilig at gusto
 Ikaanim na linya ang mga kinatatakutan
 Ikapitong linya ang mga pangarap o ambisyon
 Ikawalong linya ay ang pook ng tirahan at ang
 Ikasiyam na linya ay ang apelyido.
Kontrobersyal na paraan ng pagsulat ng
bionote (ordinaryong pagpapakilala sa
paraang pasalita)
• Unang Talata – pangalan, araw ng kapanganakan,
lugar ng kapanganakan, tirahan, magulang at
kapatid
• Ikalawang Talata – mga katangian, mga hilig,
paborito, libangan, mga bagay na natuklasan sa
sarili.
Kontrobersyal na paraan ng pagsulat ng
bionote (ordinaryong pagpapakilala sa
paraang pasalita)
• Ikatlong Talata – mga pananaw sa mga bagay-
bagay, pangarap, ambisyon, inaasahan sa
darating na panahon, mga gawain upang
makamit ang tagumpay.
Iba’t ibang sitwasyon ng pagpapakilala
na nangangailangan ng bionote
1. Pagpapakilala sa may akda ng isang
aklat.
2. Pagpapakilala sa isang tagapagsalita sa
isang kumperensya.
Iba’t ibang sitwasyon ng pagpapakilala
na nangangailangan ng bionote
3. Pagpapakilala sa panauhing pangdangal.
4. Pagpapakilala sa natatanging indibidwal.
5. Pagpapakilala sa isang paring magmimisa.
HALIMBAWA NG BIONOTE
Ipinanganak noong ika-19 ng Enero sa
Sta. Cruz, Maynila. Kasalukuyang naninirahan
sa Lungsod ng Quezon. Siya ay bunga ng
pagmamahalan ng kanyang mga magulang na
sina Rodulfo at Lucianida. Ang bunso niyang
kapatid ay si Loreta, na may 2 ng anak.
Siya ay nagtapos sa Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas ng dalawang kurso na (1)
Post Baccalaureate in Teacher Education (2017) at
(2) Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya medyor ng
Pagtuturo ng Filipino sa Kolehiyo at maynor sa
Broad Communication (President’s Lister, 2012).
Nagkamit ng iba’t ibang karangalan tulad
ng mga sumusunod:
Most Outstanding Student Leader of
AB Filipinology, naging pangulo ng UTAK, isang
akademikong organisyon ng tatlong taon.
Ilan sa kanyang katangian ay may takot sa
Diyos, responsable at mapagmahal na anak at
kapatid. Mahilig siyang magsagawa ng mga
boluntaryong gawain lalo na sa gawaing
pansimbahan, sumali sa mga pang-akademikong
samahang makatutulong sa kanyang pag-unlad.
Isa sa kanyang libangan ay ang manood at
pagbabasa ng mga babasahing nagbibigay
inspirasyon at nakahuhubog ng pagkatao.
Natuklasan niya na kahit mahirap ang
isang indibidwal, basta may layuning matayog
ay ‘di malayong makakamit niya ito.
RODALIA S. DE VEYRA, LPT
Naging bahagi ng OLFU taong 2012
hanggang 2014 sa Basic Education Department
(Valenzuela) at kasalukuyang guro sa SHS mula
2017-2019 (Quezon City).
Nakapasa sa Board Examination for
Professional Teacher taong 2019.

You might also like