Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO 9

UNANG MARKAHAN
IKALAWANG LINGGO
ARALIN 2 :
DENOTATIBO AT KONOTATIBONG
KAHULUGAN NG SALITA
DENOTATIBO ang pagpapakahulugan sa isang salita kung maibibigay
ang literal na kahulugan ng salita na matatagpuan sa talatinigan o
diksyunaryo. Ito ang literal o totoong kahulugan ng salita.

Halimbawa:
Ang kamandag ng ahas ay nakamamatay.
Ang ahas na tinutukoy sa pangungusap ay hayop na gumagapang.

Kanina ay nakabili ako ng gintong kutsara.


Ang gintong kutsara na tinutukoy sa pangungusap ay isang metal na
ginagamit na pangkain.
Konotatibo ang pagpapakahulugan sa isang salita kung ang kahulugan
ay makikita sa loob ng pangungusap batay sa pagkakagamit nito.

Halimbawa:
Isa palang ahas ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan.
Ang salitang ahas sa pangungusap ay taksil na kaibigan.

Ang batang lalaki ay tunay na may gintong kutsara sa bibig.


Ang gintong kutsara na tinutukoy sa pangungusap ay
nangangahulugang ang batang lalaki ay ipanganak na mayaman.

You might also like