Professional Documents
Culture Documents
Lesson 2 Soslit
Lesson 2 Soslit
• ORAL LITERATURE
• Alamat – kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay;
• Kuwentong bayan - mga salaysay hinggil sa mga likhang-
isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng
mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
Karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang tiyak
na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito
ang alamat at mga mito
• Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali
ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at
di-kapani-paniwala. Ilan sa mga halimbawa ay ang Bidasari –
(Moro); . Biag ni Lam- ang (Iloko); Maragtas (Bisaya) Haraya
(Bisaya); Lagda (Bisaya); Kumintang (Tagalog); at Hari sa
Bukid (Bisaya)
• Awiting bayan -ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at
hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin gaya ng
Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu
Pung Singsing, at Paruparong Bukid.
• Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng
kagandahang-asal ng ating mga ninuno.
• Sawikain – mga kasabihang walang natatagong
kahulugan.
• Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan
ng isang bagay na siyang pahuhulaan.
• Mula sa mga pasalitang panitikang ito natin
masasalamin ang yaman ng kulturang Pilipino. Hindi
maisasantabi na ang mga prinsipyo mula sa mga
salawikain, pagmamahalan at pag-iibigan mula sa mga
awiting bayan, kasama na rin ang ilang kultura’t
umiiral na kabayanihan ng mga ninuno sa
pamamagitan ng mga kuwentong bayan at mga epiko.
ANYO NG PANITIKAN
anyo
• Tuluyan ang isang panitikan kung ito ay nasusulat sa karaniwang
daloy ng pangungusap at sa patalatang paraan