Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Pagpili ng kurso ng naaayon

sa bawat isa sa atin


Aralin 16
Kilala mo ba
ang sarili mo?
• Ang bawat mag-aaral ay may kakayahang maunawaan
at maisakatupran ang tamang pagpili ng kursong
naayon sa iyong kagustuhan.

• Ano ang mga dapat mong isaalang-alang?


1. Talento
2. Kasanayan (skills)
3. Hilig
4. Pagpapahalaga
5. Mithiin
1. Talento.
•Tandaan mo na ang mga
talento ay isang pambihirang
biyaya at likas na
kakayahang kailangang
tuklasin dahil ito ang
magsisilbi mong batayan sa
pagpili ng tamang kurso.
Multiple intelligence chart ni Dr. Howard Gardner (1983): 

Lahat tayo ay
may
magkakaibang
talento at galing
na pwede pang
linangin.
2. Kasanayan (Skills).
• Ang mga kasanayang ating tinutukoy ay
ang mga bagay kung saan tayo
mahusay o magaling. Ito ay madalas na
iniuugnay sa salitang abilidad,
kakayahan (competency) o kahusayan
(proficiency). Upang makilala at
matukoy mo ang iyong mga kasanayan
sa isang bagay, kailangang ikaw ay may
hilig o interes, mga tiyak na potensiyal
at malawak na kaalaman.
3. Hilig
•Nasasalamin ito sa mga
paboritong gawain na
nagpapasaya sa iyo dahil gusto
mo at buo ang iyong puso na
ibigay ang lahat ng makakaya
nang hindi nakakaramdam ng
pagod o pagkabagot.
4. Pagpapahalaga
• Ang kanilang mga ipinamalas na
pagsisikap na abutin ang mga
ninanais sa buhay at
makapaglingkod nang may
pagmamahal sa bayan bilang
pakikibahagi sa pag-unlad ng
ating ekonomiya. 
5. Mithiin
• Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay
ay ang pagkakaroon ng matibay na
personal na pahayag ng misyon sa buhay.
Hindi lamang dapat umiral sa iyo ang
hangaring magkaroon ng mga materyal
na bagay at kaginhawaan sa buhay,
kailangan ay isipin rin ang pakikibahagi
para sa kabutihang panlahat.
Mas mahabang panahon ang iyong
kakailanganin upang iyong matimbang
ang mga kursong iyong pagpipilian.
Kung tiyak ka na sa iyong sarili sa
kursong ibig mong kunin, ibahagi mo
ito sa iyong pamilya upang matiyak
mo na tama ang iyong mga gagawing
hakbang sa pagpili ng iyong kurso.
Ang pagkilala sa sariling kakayahan
ang magiging daan sa pagtuklas ng
naaayong kurso. Atin itong
pagyamanin at gamitin para sa
ikauunlad ng pansariling kakayahan.
S.W.O.T
STRENGTH (LAKAS)
1. Saang mga bagay ka magaling?
2. Ano ang mga bagay o resources
na meron ka at wala sa iba na sa
tingin pwede mo ay pwede mong
magamit sa pag hahanap ng
trabaho?
3. Ano ang nakikita ng iba sa iyong
angking lakas?
WEAKNESS (KAHINAAN)
1.Ano ang mga kahinaan mo na
pwede mo pang mapabuti?
2.Ano ang mga bagay o
kakahayan mo na sa tingin mo
ay mahina or kakaunti.
3.Ano ang nakikita ng iba sa
iyong kahinaan?
OPPORTUNITY (OPORTUNIDAD)
1. Ano ang mga bagay na maaari
mong makuha sa tulong ng iyong
mga kalakasan?
THREAT (BANTA)
1.Mga banta sa paghahanap
mo ng iyong trabaho?
2.Ano ang iyong ginagawa sa
kompetisyon sa larangan ng
pag hahanap ng trabaho?
3.Ano ang mga banta sa iyo ng
iyong kahinaan?
• Paano mo gagamitin ang SWOT sa pagpapalano ng
kursong nakabatay sa iyong INTERES, ABILIDAD at
mga mapagpipiliang kurso?

• Ayon kay KATE FUCHS(2014), mayroong tatlong


mahahalagang elemento ng kailangang pagtuunan
ng pansin sa pagpaplano ng kurso. Ito ay ang
interes, abilidad at pagpipiliang kurso.
Pagpaplano ng kurso para sa mga mag-aaral.

PAGPILI
INTERES ABILIDAD
NG KURSO
Ang mga sumusunod na katanungan ay mga gabay
upang maplanong mabuti ang kursong nararapat sayo.

• 1. ANO ANG IYONG INTERES AT ANO SA


PALAGAY MO ANG PINAKAIMPORTANTE PARA
SAYO?
• Gumamit ng papel upang ilista ang iyong mga
interes. Lagyan ito ng bilang 1 hanggang 5. 1
ang pinakaimportanteng interes para sayo at 5
ang huli sa iyong priyoridad.
Ano ang iyong mga abilidad?
•Ang bawat isa ay may kakayahan. Ito ay
ang mga abilidad upang mapabuti ang
sarili at kapwa.
•Ano ang mga abilidad na iyong
tinataglay?
Ano ang mga kursong nababagay
sa iyong interes at abilidad?
• Marapat na isaalang-alang ang iyong interes at abilidad
sa kursong iyong pipiliin upang magkaroon ng saysay
ang pagtupad nito. Ang listahan sa ibaba ay ang mga
kurso na maaari mong pagpilian.
• Akademiko
• Teknikal-Bokasyonal
• Sining at Palakasan
• Negosyo
Department of Education
(DepEd)- Senior High
School Tracks
•Ang Kagawaran ng Edukasyon sa
Pilipinas ay may apat na kurosng ibinigay
para sa mga mag-aaral ng mataas na
sekondaryang edukasyon. Ito ay ang
mga Akademiko, Teknikal-Bokasyonal,
Palakasan at Sining.
1. KURSONG AKADEMIKO
• Ang kursong akademiko ay para sa mga may
planong tumuntong ng kolehiyo. Sila ay may
sapat na interes sa negosyo, politika, siyensiya,
at edukasyon. Ang kursong akademiko ay may
apat na sangay. Ito ay ang mga sumusunod:
Accountancy, Business
and Management (ABM)
• Ito ay trak para sa mga mag-aaral na may
planong kumuha ng Economics, Business
Administration, Accountancy, Marketing, at
ibang mga kursong tungkol sa
pagnenegosyo.

• Karaniwang trabaho: Negosyante,


Advertising at Marketing
Humanities and Social
Science (HUMSS)
• Ang trak na ito ay sa mga mag-aaral na
gusting kumuha ng law, Philosophy,
Political Science, Literature, Sociology
at mga kursong may kinalaman sa
sining.

• Karaniwang Trabaho: Politiko, Abogado


at Pari
Science, Technology,
Engineering and Mathemtics
(STEM)
• Ang STEM ay para sa mga mag-aaral na
may hilig sa siyensiya. Ito ay para sa mga
may planong kumuha ng Applied and
Pure Science, Mathematics, at
Engineering.

• Karaniwang Tarabaho: Inhinyero,


Siyentipiko at Bangkero
General Academics
• Ito ay para sa mga mag-aaral na hindi pa
gaanong sigurado sa kanilang kukuning
kurso sa kolehiyo. Kung kaya’t ang sangay
na ito ay tungkol sa pangkalahatang
edukasyon, kabilang ang Social Science,
Humanities, Economics, at Management

• Karaniwang Tarabaho: Guro, Ekonomista ,


Manager
2. Kursong Teknikal-
Bokasyonal
• Ang kursong teknikal-bokasyonal ay para
sa mga mag-aaral na may layuning
makapagtrabaho. Pagkatapos ng
sekondaryang edukasyon. Sila ay ang mga
mag-aaral na walang planong tumuntong
ng kolehiyo. Katulad ng kursong
akademiko, ang kursong teknikal-
bokasyonal ay may apat na sangay:
Home Economics
• Ang trak na ito ay para sa mga mag-
aaral na interesado sa pangangalaga
ng sanggol o matanda, pananahi,
pagtatayo ng panaderya o pagluluto.

• Karaniwang trabaho: panadero,


mananahi, tagapag-alaga (caregiver)
Information and Communication
Technology
• Ang mga mag-aaral na mahusay sa
paggamit ng computer at teknolohiya ay
maaaring kumuha ng ICT. Ito ay para sa mga
gusting magkaroon ng malalim na kaalaman
sa apps at kung papaano gumawa nito.

• Karaniwang trabaho: Computer Technician,


Espesyalita sa teknolohiya
Industrial Arts
• Ang sangay na ito ay para sa mga may
kakayahang pumasok sa automotive,
pagkukumpuni ng elektronik, at
pagkakarpintero. Ang mga magtatapos ng
kursong ito ay maaaring magpunta sa TESDA
upang kumuha ng National Certificate o NC.

• Karaniwang Trabaho: Karpintero,


tagakumpuni ng mga elektroniks
Agri-Fisheries
• Ang mga mag-aaral na may interes sa
pag-aalaga ng hayop, isda, at halamanan
ay maaaring kumuha ng kursong ito.

• Karaniwang trabaho: Magsasaka,


mangingisda, negosyante, nag-aalaga ng
baka, manok o baboy.
3. Kursong Pampalakasan
• Sila ay karaniwang kabilang sa mga
lupon ng atleta sa paaralan o
komunidad. Pagkatapos ng kursong
pampalakasan, maaaring ipagpatuloy ng
isang manlalaro ang kaniyang interes
bilang isang propesyonal na manlalaro
sa mga malalaking organisasyon ng
pribado o pampublikong palaruan.
4. Kursong Sining at
Disenyo
• Ang kursong sining at disenyo ay para
sa mga malikhain mag-aaral. Sila ay
may mahusay na talent sa pagguhit,
pagkanta, pagsayaw o pag-organisa
ng pelikula. Kabilang sa mga
trabahong maaaring pasukin ay
pintor, propesyonal na actor, director,
performer, at iskultor.

You might also like