Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

SIMULA

N NATIN!

Filipino 10: Pinagyamang Pluma


Mga Paalala:
1. Panatilihing laging bukas ang mga camera habang nagaganap
ang klase.
2. Dapat naka-off ang mga microphone. Bubuksan lamang ito
kapag tinatanong ng guro.
3. Iwasan ang pagpunta sa palikuran. Dapat nagawa nang umihi
bago pa magsimula ang klase.
4. Iwasang kumain habang nagaganap ang talakayan.
5. Iwasan ang MULTI TASKING.
MGA
LAYUNIN
 Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na
naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal
 Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng
binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong; binasang
parabula
 Nabibigyang- puna ang estilo ng may-akda batay sa mga
salita at ekspresyong ginamit sa akda; ang bisa ng
paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding
damdamin
Balik-aral
• Sa sistematikong pananaliksik, ilang primaryang sanggunian
ang ginagamit sa pangangalap ng datos o impormasyon?
• Ilan ang lugar sa Internet?
• Ano-ano ang dalawang uri ng Pandiwa?
• Ano-ano ang apat na aspekto ng Pandiwa?
PANUTO: Makikita ninyo ang isang kahon. Sa loob ng kahon ay
kailangan magtala kayo ng mga bagay na dapat paghandaan maging
sakuna man o pangyayari. Sa loob din ng kahon kayo sasagot.
Mga bagay na dapat paghandaan maging sakuna man o pangyayari:
1. _______________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________________
4. _______________________________________________________________________
5. _______________________________________________________________________
 
Ano ang naging epekto ng mga problemang naisulat mo? Isulat sa ibaba.
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
PANUTO: Sa ibaba makikita ang isang fish bone diagram.
Isulat ang mga bagay o pangyayaring hindi napaghandaan para
sa sanhi at kung ano ang naging resulta nito para sa bunga.
Ang PARABULA ay isang kadalasang maikling kwentong
nagpapakita ng relihiyoso at mabuting kaugalian. Sa bibliya,
kadalasang ginagamit ni Hesus ang mga parabula sa kanyang
pagtuturo bilang paghahambing sa mga espirituwal na
pangyayari at sa mga pangyayari sa lupa upang madaling
maintindihan ng kanyang mga tagasunod.
ANG PARABULA NG
SAMPUNG DALAGA
Isang malaking kasalan ang inihahanda. Tulad ng nakagawian
ng mga Hudyo sa bayan ng Israel, maringal at malaki ang kasalan,
Mahaba ang panahon ng paghahanda. Nagsimula ito sa pag-uusap
at pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng dalagang ikakasal na
sinusundan ng pagtanggap ng dalaga sa panunuyo ng kanyang
mangingibig.
Sunod na pinag-usapan ang mga detalye ng kasalan, kung
saan ito gaganapin, ano-ano ang mga paghahandang gagawin, at
kung magkano ang dote o bigay-kayang ipagkakaloob sa dalaga.
Nang matapos ang kasunduan ay lumayo muna ang binata upang
maihanda ang kanilang magiging tahanan. Halos isang taon ang
pagkakalayong ito na sumubok din sa katatagan ng pag-ibig ng
binata at dalaga sa isa’t isa.
Ang kasalan ng mga Hudyo ay karaniwang ginaganap sa gabi.
Nang sumapit na ang gabing pinanabikan ng lahat, unang nagpunta
ang lalaking ikakasal sa tahanan ng kanyang kasintahan upang
siya’y sunduin at saka sila tutuloy sa tahanan ng binata kung saan
doon idadaos ang maringal na kasalan.
Sa labas ng tahanan ng binatang ikakasal, may sampung dalaga
na may dala-dalang ilawan ang itinilagang maghintay sa pagdating
ng lalaking ikakasal. Ang lima sa mga dalagang ito ay matatalino.
Inasahan nilang maantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya’t
nagdala sila ng sobrang langis para sa ganitong pangyayari.
Ang lima naman ay mga hangal sapagkat nagdala nga sila ng
ilawan ay hindi naman sila nagbaon ng karagdagang langis.
Naghintay nang naghintay ang mga dalaga subalit lumalalim na
ang gabi’y di pa rin dumarating ang lalaking ikakasal kaya’t sila’y
nakatulog sa kahihintay.
Nang maghahatinggabi na ay dumating ang isang tagpagbalita.
“Paparating na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo at
maghanda upang salubungin siya!” Agad bumangon ang sampung
dalaga at inayos ang kani-kanilang ilawan at humilera sa
magkabilang gilid upang maging handa sa paparating na ikakasal.
Subalit ang ilawan ng limang dalagang hangal ay aandap-andap na.
Dahil sa matagal na paghihintay ay naubos na langis ng kanilang ilawan.
“Bigyan niyo naman kami ng kaunting lagis. Aandap-andap na ang aming
mga ilawan,” ang pakiusap nila sa matatalinong dalaga. “Pasensya na. Ang
dala naming langis ay sapat lamang sa aming ilawan. Mabuti pa’y pumunta
muna kayo sa tindahan at bumili ng para sa inyo,” ang tugon naman ng
matatalino.
Habang bumubili sila ay siya namang pagdating ng lalaking ikakasal.
Ang limang nakahanda ay kasama agad niyang pumasok sa kasalan at saka
isinara ang pinto. Kaugalian kasi noon na tanging ang mga taong nasal
labas pagdating nag ikakasal ang papapasukin sa piging upang maiwasang
makapasok ang mga taong hindi naman imbitado at hindi kilala.
Humahangos na dumating ang limang hangal na dalaga.
“Panginoon, pamginoon, papasukin po ninyo kami!” sigaw nila.
Hindi sila pinapasok at sa halip ay tumugon ang binatang ikakasal
na siya ring panginoon nila: “Hindi ko kayo nakilala.” Walang
nagawa ang mga hangal na dalaga kundi buong panlulumong
pinagsisihan ang hindi paghahanda para sa pangyayaring ito.
WAKAS
Ang kaharian ng langit ay
maihahalintulad sa parabulang
ito. Kinakailangan nating
maghanda at magbantay,
sapagkat hindi natin alam ang
araw o ang oras man ng
Kanyang muling pagparito.

- Mateo 25:1-13
Pamprosesong Tanong:
• Sino-sino ang mga itinalagang maghintay sa
pagdating ng binatang ikakasal?
• Paano pinaghandaan ng limang matatalinong
dalaga ang kanilang mahalagang tungkulin?
Bakit naman natawag na “hangal” ang huling
limang dalaga? Makatwiran bang tawagin sila ng
ganito? Ipaliwanag.
• Paano nakatulong sa matatalinong dalaga ang
ginawa nilang paghahanda? Anong problema
naman ang idinulot ng hindi paghahanda ng
limang hangal na dalaga?
Mahalagang
Kaisipan
Ang pag-aaral sa kabuoan ng parabula ay ang paglalarawan at
pagsasalaysay ng mga sinauna at makalumang kultura/tradisyon na
dapat mahalagang dapat matutunan. Matatawag itong isang kwento
pero sagrado pa rin kung tutuusin kasi ito’y galing sa banal na
kasulatan na nagbibigay ng aral sa bawat tao. Sa panahon natin,
kailangang maging handa sa lahat ng oras dahil hindi hawak ng tao
ang maaaring magyari sa hinaharap
Tanong 101:
1. Bakit mahalagang maging laging handa sa
mahahalagang pangyayari sa ating buhay?
ACTIVITIES to be
followed!

You might also like