Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

ETIKA AT

PAGPAPAHALAGA SA
PAGSULAT SA
AKADEMIYA
Sa pagdating ng makabagong teknolohiya , kanluraning edukasyon ,
at impluwensiya ng iba’t ibang kultura , iba’t ibang etika at
pagpapahalaga ang nangingibabaw , lalo na sa larangan ng
edukasyon.
• Sa akademikong pagsulat , ang paggamit ng social media
( Facebook , twitter , Instagram , at iba pa.) ay hindi malinaw
kung makatutulong sa Iskolarsyip . Paano ito gagamitin ? Sa
tradisyonal na paraan , deskripsiyon , eksperimento ,
obserbasyon , at personal na karanasan ang ginagamit , ngunit
sa kasalukuyan maraming impormasiyon ang matatagpuan sa
Internet ang ginagamit. Subalit may pagkakataong hindi tiyak
ang awtentisidad ng mga materyal na ito.
• Kaugnay nito , ilang isyu o paglabag kaugnay sa pagpapahalaga
sa pagsulat gamit ang sari – saring datos at reperensiya ang
mahalagang bigyang – pansin.
Mga Isyu o Paglabag Kaugnay ng etika
at pagpapahalaga sa pagsulat
• Copyright – Sa Pilipinas , nililinaw sa Intellectual Property Code of
the Philippines o ang Republic Act No. 8293 ang karapatan at
obligasyon ng mga may – akda ( manunulat , artista , iskolar,
tagasalin , kompayler , editor , mananaliksik at iba pa.),pati na ang
paggamit sa mga ginawa ng mga ito.Mahalagang malinawan ang
mga karapatan at obligasiyong ito upang maiwasan ang anumang
di pagkakaintidihan para sa pagsipi at pagbubuod , lalo sa
layuning akademiko . Dapat tukuyin ang may-akda o kung saan
nanggaling ang datos , petsa , naglimbag , at iba pang
impormasiyon.
• Plagiarism – Ito ay ang maling paggamit , “ pagnanakaw ng mga
ideya , pananaliksik , lengguwahe , at pahayag “ ng ibang tao sa
layuning angkinin ito o magmukhang kaniya.

• Ayon kay Diana Hacker may tatlong paglabag ang maituturing na


plagiarism mula sa ( www.newworldencyclopedia.com)

1. hindi pagbanggit sa may – akda ng bahaging sinipi at kinuhaan ng


ideya ;
2. hindi paglalagay ng panipi ( “ ) sa hiniram na direktang salita o
pahayag ; at
3. hindi ginamitan ng sariling pananalita ang mga akdang ibinuod
( summary ) at hinalaw ( paraphrase).
•Plagiarism din ang “ pagkopya sa sarili “ kung
saan ang dati nang nailathalang akda ng
mismong manunulat ng sulatin ay kinopya nang
hindi binabanggit ang pinaglathalaan na nito.
Kaugnay nito , ang muling pagsusumite ng isang
papel sa iba-ibang asignatura ay itinuturing ding
plagiarism sa sarili at di – etikal.
• PAGHUHUWAD NG DATOS

1.Imbensiyon ng datos – Sa mga eksperimento ,


estadistika , at maging pag-aaral ng kaso , maaaring
maengkuwentro ang ganitong problema . Malinaw na
sinadyang pandaraya ito at malaki ang kabayaran dito
paris ng pagpapatalsik sa unibersidad o suspensiyon
nang ilang semester o taon.
2. Sinadyang di – paglalagay ng ilang datos
3. Pagbabago o modipikasyon ng datos
4. Pagbili ng mga papel o pananaliksik sa mga lugar
gaya ng ilang tindahan sa Metro Manila at lagyan ng
sariling pangalan upang ipasa sa guro.
5. Pag-subscribe upang bumili ng artikulo o
pagkopya sa mga website upang gamitin at
angkinin bilang sariling papel na isusumite sa
guro.
6.Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang
igawa ang papel , tesis , disertasyon , report ,
at iba pa. Malinaw na pandaraya ito. Kaugnay
nito , ang gumagawa at nagpapabayad para
gawin ang mga ito ay sangkot din sa
pandaraya.
1. Maramihan at malawakang pagkokopya ng
mga sipi at datos nang hindi binibigyang
kredito ang pinagkuhanan.
2. Nagsumite ng isang group paper ang
tatlong mag-aaral ng isang kilalang
unibersidad sa Metro Manila
Narito ang ilang celebrated (“pinagpiyestahan”) na kaso ng
pandaraya kaugnay ng pagsulat.

a. Dan Brown, may akda ng “The Da Vinci Code”, inakusahan ng


nobelistang si Lewis Purdue na kinopya ang kaniyang
nobelang The Da Vinci Legacy (1983) at Daughter of God
(2000). Na dismiss ang kaso noong 2005.
b. Hellen Keller, noong 1982 sa kaniyang The Frost King,
inakusahan ni Margaret T. Candy, may akda ng The Frost
Fairies. Napawalang-sala siya ng isang boto sa Tribunal ng
Perkins Institutre for the Blind.
Sa Pilipinas
a.Isang senador noong 2012 ang inakasuhan ng
pangongopya ng ilang pahayag sa isang
talumpati kaugnay ng Reproductive Health
Bill.
b.Isang kilalang negosyante at chairman ng
Board of Trustees ng isang kilalang unibersidad
sa Metro Manila ang inakasuhan ng pagkopya
ng ilang linya sa ibat-ibang talumpati ng mga
kilalang tao. Ginawa niya ito sa seremonya ng
pagtatapos ng naturang unibersidad.
Mga pagpapahalagang Intelektwal at Moral sa
Akademiya

a.Kababaang loob- Huwag angkinin ang hindi sa


iyo at aminin na hindi sa iyo ang ideya o datos.
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtukoy
kung kanino galling ang ginamit na ideya o
datos.
b.Lakas ng loob na harapin at tanggapin ang
ideyang humahamon sa sariling ideya at
pangatwirang ito.
c. Pakikiisa at pag-unawa sa karanasan at kaliksan ng

iba. Maisasakongkreto ito sa paggamit ng politically


correct na mga salita upang maiwasan ang insult at
pananakit ng damdamin. Tinutukoy dio ang mga
salitang may kaugnayan sa kasarian, kalusugan o
pisikal na kaanyuahan, laki, bigat, taas, grupong
kinabibilangan, kalagayan ng pag-iisip at edad.
d. Integridad- Pinahahalagahan ang katapatan
kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit at
inetrpretasyon ng mga datos, gyundin ang paraan ng
pagpapahalaga ng katwiran.
e. Pagsisikhay, hindi basta sumusuko sa
gitna ng mga pagsubok. Gagamitin ang
ibat-ibang pamamaraan upang makakuha
ng mga datos sa legal at tapat na paraan.
f. Paniniwala sa katuwiran-
Pinangangatwiran nang naayon sa etika at
pagpapahalaga ng komunidad na tagabasa
ang anomang ideyang at mga gawain.
g. Pagkamatarungan, katapatan at pagsunod
sa mga alituntunin, may matuwid, at
karampatang pagpapahalagasa tao, katwiran,
ideya at mga gawain.
h. Kamalayang mapanuri- Binibigyang-halaga
rito ang papel ng tao bilang tagapagganap
(tagapagpapagalaw at actor). Kailangan ang
kaniyang aktibong pagdedesisyon at mapanuring
kaisipan kaugnay ng kaniyang ikinikilos,
ibinabahagi at isinusulat.
i. Pag-aatubili- Hindi kailangan madaliin kundi
bigyan ng sapat na panahong manaliksik at
magsiyasat upang maiugnay ang mga gawain sa
pagpapahalagang angkop sa kultura at lipunan.
j. Hiya- Ayon kay Dr. De Castro (1998), ang Hiya
ang mekanismo ng indibidwal at lipunan upang
mapagtugma ang kani-kanilang mga
kalooban… ang gabay ng indibidwal upang
maiangkop niya ang kaniyang kaisipan sa agos
ng panlipunanag kamalayan.”

You might also like