Filipino 6 Q1 W 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

FILIPINO

Quarter 1
Week 1
Ang Leon at ang Daga
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng
isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at
pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang
leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang
balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko
sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin.
Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong
kainin" sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na
pagmamakaawa.
"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay
huwag mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay
makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa
pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang
lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang
leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangangaso sa
kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid
na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang
lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan
ang leon na
nakawala sa lambat.
"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi
ng leon sa
kaibigang daga.
Sagutin

Ano ang pamagat ng


napakinggang pabula?
a. Ang Pagtulog ng Leon
b. Ang Daga at ang Leon
c. Ang Daga sa Kagubatan
d. Ang Galit na Leon
2. Sino-sino ang tauhan sa
pabula?
a. Leon at Agila
b. Leon at Pusa
c. Daga at Pusa
d. Daga at Leon
3. Sino ang naglalaro sa
ibabaw ng natutulog na
leon?
a. aso
b. bulate
c. daga
d. pusa
4. Saan namasyal si
Daga?
a. sa ilog
b. sa bayan
c. sa kagubatan
d. sa malayong lugar
5. Paano niligtas ni Daga si
Leon?
a. Nginatngat ni Daga ang
lubid ng lambat.
b. Nagpatulong siya sa
kapwa hayop.
c. Hindi niya ito iniligtas
d. Kusang nakawala si Leon
sa bitag.
Pagsagot sa mga Tanong
Tungkol sa Napakinggan/
Nabasang Pabula,
Kuwento, Tekstong Pang-
impormasyon at Usapan
1. Pabula–kuwentong ang pangunahing tauhan
ay mga hayop na kumikilos at nagsasalita na
parang tao.
2. Kuwento-nagsasalaysay ng mga pangyayari
tungkol sa pangunahing tauhan.
3. Tekstong Pang-impormasyon-naglalahad ng
mga impormasyon tungkol sa paksa.
4. Usapan-pag-uusap ng dalawa o higit pang
tauhan tungkol sa isang paksa o isyu.
Punan ang bawat patlang ng tamang sagot.
(Sino, Ano, Saan, Paano, Bakit)
1. ______ ang kumuha ng aking lapis?
2. ______ ka kumuha ng tubig kanina?
3. ______ ang kinain mo sa canteen?
4. _____ kailangan maligo araw-araw?
5. ______ mo maipaparamdam ang iyong
pagmamahal sa iyong kapatid?
“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”
Si Juan Franciso ay anak ng mayamang mag-asawa.
Pagmamay-ari ng ama niya ang pinaka-malaking hacienda
sa baryo nila. Isa namang simpleng maybahay ang ina niya,
hindi na nito kailangang magtrabaho sa dami ng pera nila.
Dahil nag-iisa siyang anak ng mayamang mag-asawa,
kampante si Juan na hinding-hindi na siya mamumulubi
hanggang sa pagtanda niya. Ito ang dahilan kung bakit
tamad siya mag-aral.
“Hindi ko naman kailangan gumradweyt, e, hindi ko na
nga kailangan mag-aral sa dami ng pera niyo ni
daddy,” palaging katwiran ni Juan tuwing pinapagalitan ng
ina dahil sa hindi pagpasok sa klase niya.
Nagpatuloy ang hindi kaaya-ayang gawain ni Juan. Kahit
guro niya ay pinupuntahan na siya sa bahay nila upang
kamustahin kung bakit wala siya sa klase.
“Anak, kailangan mong mag-aral. Ang pinag-aralan ang
tanging bagay na hinding-hindi makukuha sa iyo nino
man,” sabi ng ina ni Juan pagka-alis ng guro niya.
Hindi na mabilang-bilang ang mga pagkakataong
pinuntahan siya ng guro niya sa bahay nila. Ngunit,
talagang tamad si Juan. Mas gugustuhin pa niyang
lumiban sa klase at maglaro sa kompyuter or mamasyal
kasama ang barkada.
Isang araw, habang naglalaro ng kompyuter si
Juan at kaibigan niyang si Pedro sa kwarto
niya, may narinig siyang isang malakas na
sigaw ng ina niya.
“Juan! Juan! Ang daddy mo,” sabi ng ina ng
batang tamad mag-aral.
Inatake sa puso ang ama ni Juan. Sinundan ito
ng iba’t ibang komplikasyon. Halos dalawang
buwan na nakaratay ang daddy niya sa ospital
bago ito pumanaw. Pati yung hacienda na
pagmamay-ari nila ay naibenta pambayad sa
gastusin sa ospital.
“Anak, sa darating na pasukan, kailangan mong
lumipat ng eskwelahan. Hindi na natin
kakayanin yung bayarin sa pribadong paaralan
diyan sa baryo,” malungkot ng sabi ng ina ni Juan
sa kanya.
Naghirap silang mag-ina. Maraming pagkakataon
na kinailangan ni Juan na pumunta sa paaralan
na walang laman ang tiyan o ang bulsa niya.
Doon niya napagtanto na kung sana e nag-aral
siya ng mabuti eh gradweyt na siya sa kolehiyo at
makakatulong na sa ina niya.
Mas bata sa kanya ang mga kaklase niya at
ang mga kasing-edad niya naman ay
nagtatrabaho na. Labis ang panghihinayang ni
Juan sa mga nasayang na panahon ngunit wala
na siyang magagawa.
“Kung sana pinahalagahan ko na noon pa ang
pag-aaral ko, ‘di sana hindi na nahihirapan si
Mama maglabada,” ang pagsisisi na laging
bumubungad sa kanya sa tuwing makikita ang
ina na hirap na hirap makakain lang sila.
Halaw sa Philnews. ph
Mga Tanong
1. Sino ang tamad na anak sa
kuwento?
2. Ano ang masamang asal ni
Juan?
3. Nasaan si Juan at Pedro ng
may marinig silang malakas
na hiyaw?
4. Bakit tamad mag-aral si Juan?
5. Paano nabago ang pananaw ni
Juan sa kanyang buhay?
Mahalagang matutuhan ang
pagsagot sa mga tanong
tungkol sa anumang
mapakikinggan/ mababasang
gaya ng pabula, kuwento,
tekstong pang-impormasyon
at usapan dahil sa
pamamagitan nito
maipapakita ang pag-unawa
rito.
Ang Sino ay sumasagot sa ngalan ng tao lamang.
Halimbawa: Sino ang batang tamad sa kuwento?
Sagot: Ang batang tamad sa kuwento ay si Juan
Ang tanong na Ano ay sumasagot sa ngalan ng
bagay at pangyayari.
Halimbawa: Ano ang masamang nangyari sa ama ni
Juan?
Sagot: Ang masamang nangyari sa ama ni Juan ay
inatake ito sa puso.
Ang Saan ay ginagamit sa tanong upang matukoy
ang pinangyarihan o lugar kung saan ginaganap ang
kilos.
Halimbawa: Nasaan si Juan at Pedro ng may
marinig silang malakas na hiyaw?
Sagot: Nasa kuwarto sina Juan at Pedro
Ang Kailan ay tumutukoy sa panahon.
Halimbawa: Kailan inatake ang kanyang ama?
Sagot: Isang araw habang naglalaro ng kompyuter si Juan at
kaibigan niyang si Pedro.
Ang Bakit ay ginagamit kapag humihingi ng kadahilanan ng
pangyayari.
Halimbawa: Bakit tamad si Juan sa kanyang pag-aaral?
Sagot: Dahil nag-iisa siyang anak ng mayamang mag-
asawa at kampante si Juan na hinding-hindi na siya
mamumulubi hanggang sa pagtanda niya.
Ang Paano na tanong ay ay para masagot ang pamamaraan
sa isang kilos o sitwasyon. Ito ay dagdag na pagpapaliwanag
sa isang proseso.
Halimbawa: Kung ikaw si Juan paano mo maiiwasang
matulad sa kanya?
Corona Virus Disease 2019 (COVID 19)
ni Ezequiel G. Tagangin
 
Ang COVID-19 na nakahahawang sakit ay isang bagong tuklas sa
populasyon ng tao. Maaring sanhi ito ng anumang mga nakahahawang
mikrobyo tulad ng virus, bakterya o mga parasito na kung saan ang
populasyon ng tao ay mababa o walang umiiral na imunidad. Maaari itong
magresulta sa dami ng namamatay at dami ng nahawaan sa iba’t-ibang
kalubhaan at maaaring maging sanhi ng matagal na paglaganap sa
komunidad o magpapatuloy bilang isang pandemya.
Ang mga miyembro ng lipunan ay pinapayuhang humingi ng payo sa medikal
kapag nakaramdam ng hindi maayos tulad ng nangyari sa mga ilang taong
nahawaan ng COVID 19, kaya’t mahalaga na gawin ito ng pinakamaagang
panahon. Ang pinakakaraniwang sintomas ng COVID-19 ay may kasamang
lagnat, panghihina, tuyong ubo at igsi ng paghinga. Ang iba pang mga
sintomas ay kasama ang pagbara ng ilong, sakit ng ulo, namamagang
lalamunan, pagtatae, pagkawala ng panlasa o amoy, pantal sa balat o
pagkawala ng kulay ng mga daliri o daliri ng paa.
Ang pangunahing paraan kung paano mahahawaan ay sa pmamagitan ng
maliit na patak, ang virus ay maaari ring makahawa sa pamamagitan ng
direktang paghawak.
Bukod sa aksidente at serbisyo ng emerhensiya ng mga pampublikong
ospital at pangkalahatang mga klinika sa palabas na mga pasiyente, maaari
mo ring bisitahin ang mga pribadong klinika at ospital, at gumawa ng isang
kahilingan sa iyong mga pribadoing doktor para sa pagsusuri kung mayroong
anumang hinala. Ang Departamento ng Kalusugan (DH) ay nagbibigay ng
pagsusuri na libre. Maaari mong piliin na ibigay ang specimen sa
pamamagitan ng iyong doktor, pamilya o mga kaibigan, o serbisyo ng
koleksyon ng specimen ng pinto-sa-pinto.
Kung ang isang halimbawa ng sinuri ay positibo, ipapasok ito sa Kwarentina.
Ang mga Kwarentinang center ay magbibigay sa mga confines ng pagkain at
mahahalagang pang-araw-araw na personal na pangangailangan. Ang mga
koneksyon sa wifi ay maaaring ibigay kung kinakailangan. Maaari kang
magpadala ng sariling mga personal na pangangailangan, tulad ng damit at
pang-araw-araw na gamot.
Marami sa mga sintomas ay maaaring gamutin sa pamamagitan
ng ating mga walang kapagurang frontliners na nangangalaga
sa mga pasiyente.
Ang lahat ay mariing hinihimok na iwasan ang di-mahahalagang
paglalakbay sa labas ng Pilipinas.
 
Ano ang pamagat ng tekstong binasa?
 
Sino ang maaaring mahawaan sa sakit na ito?
 
Ano-ano ang sintomas ng COVID-19?
 
Magbigay ng paraan kung paano makaiiwas sa virus na ito?
 
Sa iyong palagay, paano ka makatutulong sa iyong
komunidad upang hindi na lumala ang paglaganap ng sakit
na ito?
Pangwakas
Binabati kita, naisagawa mo nang
mahusay ang layunin ng gawaing ito.
Mahalaga na nauunawaan natin ang
mga kuwentong ating binabasa sa
pamamagitan ng pagsagot ng tama sa
mga tanong pagkatapos nito. Isa ring
mahalagang layunin ng araling ito ay
upang malinang pa ang kahusayan
natin sa malikhaing pagbasa.

You might also like