Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Mga Programa ng UN

Para sa Kabataan
Group 7
MGA 15 taon na ang nakalipas, ipinahayag ng
UN ang taóng 1985 bilang Internasyonal na Taon
ng mga Kabataan. Bukod dito, mga apat na taon
na ang nakaraan, pinagtibay ng UN ang
Pandaigdig na Programa ng Pagkilos Para sa
mga Kabataan Hanggang sa Taóng 2000 at
Patuloy. Inaasahan na ang mga programang ito
ay tutulong upang mabawasan ang mga
problema at paramihin ang mga pagkakataon
para sa mahigit na isang bilyong kabataan sa
daigdig.
Tiyak na naging gayon sa ilang larangan. Ang Choices,
isang magasing inilathala ng United Nations
Development Programme, ay nagbigay ng ilang
halimbawa: Sa Thailand, mahigit sa kalahati ng bilang
ng mga batang hindi pa pumapasok sa paaralan ang
kulang sa sustansiya noong 1982. Subalit pagkaraan ng
wala pang sampung taon, halos napawi na ang
pangkaraniwan at matinding malnutrisyon. Sa bansang
Oman, mayroon lamang tatlong paaralan noong 1970 at
900 batang lalaki lamang ang pumapasok. Ngunit noong
1994, halos 500,000 bata sa bansang iyan ang nag-aaral,
at 49 na porsiyento sa mga ito ay mga batang babae.
Walang alinlangan, ito ay mga kuwento ng tagumpay.
Gayunman, sinabi ng publikasyon ng UN na United
Nations Action for Youth na lalo na sa papaunlad
na mga bansa, ang kaunlaran ay natatakpan ng
namamalaging mga problema tungkol sa
edukasyon, trabaho, at kahirapan, at ang mga ito
ay ilan lamang sa mga larangan na nilayong
pasulungin ang Pandaigdig na Programa.
Halimbawa, maraming papaunlad na bansa ang
hindi makaaabot sa tunguhin na mapaglaanan ng
saligang edukasyon ang lahat ng bata pagsapit ng
taóng 2000. Kadalasang hindi mapag-aral ng mga
magulang sa mga bansang ito ang kanilang mga
anak dahil walang mga paaralan o hindi nila
kayang magpaaral. Bunga nito, sabi ng United
Nations Action for Youth, “patuloy na darami
ang mga taong hindi marunong bumasa’t
sumulat.
. ” Ang kawalang-kakayahang bumasa’t sumulat ay
nagiging sanhi naman ng kawalang-trabaho, at ang
kawalang-trabaho ay umaakay sa maraming sakit ng
lipunan, gaya ng “mababang pagtingin sa sarili, pagiging
walang kabuluhan,” ang pagkasayang ng talino ng mga
kabataan, at matinding kahirapan. At bagaman ang
kahirapan ay nararanasan kapuwa ng mga bata at
matatanda, lalo nang madaling maapektuhan ang mga
kabataan. Sinabi ng pinagmumulan ding iyon ng
impormasyon sa UN na sa kabila ng lahat ng pagsisikap,
“ang gutom at malnutrisyon ay nananatiling kabilang sa
pinakamalulubha at mahihirap malunasang banta sa
sangkatauhan”
 Bagaman nakatutulong ang mga programang may mabuting
layunin at masisipag na propesyonal, hindi nila masugpo ang
mga sanhi ng mga sakit ng lipunan. Higit pa ang kailangan
upang magawa ito. Gaya ng sabi ng aklat na Mensenrechten
en de noodzaak van wereldbestuur (Mga Karapatang Pantao
at Pangangailangan sa Pandaigdig na Pamahalaan), malulutas
lamang ang mga problema sa daigdig ‘kung magkakaroon ng
isang pandaigdig na pamahalaan na nasa kalagayang
magpatupad ng di-maipatupad na mga hakbang.’ Hindi
nakapagtataka, kung gayon, na ang mga Kristiyano​—kapuwa
bata at matanda​—ay umaasa sa dumarating na Kaharian ng
Diyos, ang pandaigdig na pamahalaan na sinabi ni Jesus na
ipanalangin ng kaniyang mga tagasunod. (Daniel 2:44;
Mateo 6:9, 10) Talagang may magagawa ang pamahalaang
iyan!

You might also like