Demand

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Paksang Aralin:

DEMAND
Inihanda ni: Bb. JANICE M. BANAGBANAG
Magandang Hapon sa
Inyong Lahat!
 Bakit tumataas at bumababa ang mga
presyo ng bilihin?
 Kailan ba tumataas at kalian ba
bumababa ang mga presyo?
 Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto
sa pagbabago ng demand?
Ang demand ay tumutukoy sa
dami ng produkto o serbisyo
na handa (willing) at kayang
(able) bilhin ng konsumer sa
iba’t ibang halaga o presyo.
Mamimili o konsumer - ang tawag sa
bumibili ng tapos na produkto.
Plano ng pagkonsumo -ay plano hinggil
sa dami at uri ng produkto na kanyang
bibilhin.
Ang plano ng pagkunsumo ay
nailalarawan sa demand ng produkto ng
mamimili.
Tingnan at obserbahan ang Talahanayan 11.1 at Pigura 11.1
na isang halimbawa ng pagkonsumo ng mamimili.

Ano ang pagkakaintindi niyo sa ipinapapakita ng


talahanayan 11.1?
Ang talahanayan 11.1, ay naglalaman ng tatlong
mahahalagang impormasyon sa plano ng mamimili. Ang mga
ito ay ang bibilhing produkto, presyo ng produkto, at dami ng
bibilhing produkto.
Ang kurba ng demand idividwal ay larawan ng mga plano ng
pagkonsumo ng isang mamimili. Ipinapakita ng kurba na
habang bumababa ang presyo, dumarami ang mga
produktong handang bilhin
Ang downward sloping na kurba ay nagpapakita ng
negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand. Ibig
sabihin, ceteris paribus kapag tumaas ang presyo, bababa
ang dami ng demand. Kapag bumaba naman ang presyo,
tataas ang dami ng demand. At ito ang Batas ng Demand
( Law of Demand).
Itinuturing ng Batas ng Demand na ang presyo ang
tanging tagapagtakda ng dami ng demand na
bibilhin. Ibig sabihin, ang pagbabago sa dami ng
demand ay dulot ng pagbabago sa presyo.
Ang kaganapan kung saan nagbabago ang dami ng
demand dahil sa pagbabago ng presyo ng
produktong bibilhin ay tinatawag na paggalaw ng
demand sa iisang kurba (movement of demand
along the same curve). Tandaan na ang pagbabago
sa dami ng demand ay bunga ng presyo
Tingnan ang Pigura 11.3.

Ano ang nakikita niyong pagbabago sa dami ng demand ?


Tingnan at obserbahan ang sumusunod na Talahayan 11.3 at
Pigura 11.4.

Ano ang ipinapahiwatig ng pakanan na paglipat ng kurba?


Tingnan at obserbahan din ninyo ang Talahanayan 11.4
at Pigura 11.5.

Ano ang ipinapakita ng Talahanayan 11.4 at Pigura 11.5?


Anu-ano ang mga salik
na nakakaapekto at
nakakapagpabago ng
DEMAND?
Limang Salik na Nagiging Dahilan
Upang Magbago ang Demand:
 Panlasa
 Kita
 Presyo ng kahalili o kaugnay na
produkto
 Bilang ng mamimili
Mga inaasahan ng mga mamimili sa hinaharap.
• Ang pagbabago sa panlasa ( taste) ng mga mamimili ay
may epekto sa kanilang demand. Ang bagong produkto ay
nakakaapekto sa panlasa ng mga mamimili.
• Ang pagtaas naman ng kita ay nagdudulot ng pagtaas ng
demand para sa karamihan ng produkto. Ang pagbaba
nman ng kita ay ang pagbaba rin ng demand para sa
karamihan sa mga produkto.
• May epekto sa demand ang presyo ng mga kahalili ( substitute)
o kaugnay (complement) na produkto. Ang kahaliling produkto
ay yaong maaring gamitin ng isang produkto
• Ang pagdami ng mamimili ay magdudulot ng paglaki
ng demand kaya naman ang kurba ng demand ay
lilipat pakanan. Lilipat naman pakaliwa ang kurba
ng demand kung liliit ang bilang ng mga mamimili..
• Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang
presyo ng produkto sa hinaharap, daragdagan nila
ang bibilhing produkto sa kasalukuyan. Magdudulot
ito ng paglipat ng kurba ng demand pakanan.
• Ang pagsunod sa uso ay nakakapagpataas sa demand na
hahantong lamang sa pagtaas ng presyo ng produkto. Mas
makabubuti kung hindi susunod sa uso upang hindi
magkaroon ng malaking pagbabago sa demand.
• Ang mamimili ay dapat matutong tipirin ang kita. Ang labis
ng paggasta ay hindi mainam lalo na sa panahong
mababa ang antas ng produksiyon dahil magdudulot ito ng
pagtaas ng presyo.
• Dapat humanap ng mga kahaliling produkto ang mamimili
upang magkaroon ng maraming pagpipilian na may
mababang presyo. Sa kabilang banda, ang labis at kulang
na pagkonsumo ay hindi naman mainam sa ekonomiya.
Batay sa ating natalakay
na aralin, magbigay ng
mga konsepto at aral na
iyong natutunan hinggil
sa DEMAND.
• Ang demand ay dami ng produkto na handa at may
kakayahang bilhin ng mamimili sa iba’t-ibang presyo.
• Ipinakikita sa demand ang plano ng pagkonsumo ng
mamimili.
• Naitatakda ng presyo ang dami ng demand ng mamimili.
Ceteris paribus, may negatibong ugnayan ang presyo at
dami ng demand ng mamimili. Ito ang Batas ng Demand.
• Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nagiging dahilan
upang mabago ang demand tulad ng panlasa, kita, presyo ng
kapalit o kaugnay na produto, bilang ng mamimili, at mga
inaasahan sa hinaharap.
• Kailangan ng matalinong pagpapasya at tamang paggasta
at pagkonsumo upang makatulong sa matatag na
kalagayan ng presyo ng pamilihan.
ROLE PLAYING:Hahatiin sa dalawang pangkat ang
klase. Isang pangkat ng mga mamimili at isang
pangkat ng mga nagbebenta. Ang mga nagbebenta
ay maglalabas ng iba’t ibang gamit mula sa
kanilang bag. Ang mga ito ay lalagyan nila ng
presyo ng palihim at sa hudyat ng guro, sisimulan
nila ang pagbenta at sisimulan ng mga mamimili ang
pagbili. Oobserbahan ng mga mag-aaral ang
paggalaw ng presyo ng mga bilihin at kung
kaninong tindahan ang may pinakaraming benta.
Aalamin nila ang mga salik na nakapagbago sa
presyo ng mga ipinagbibili ng kanilang mga
kaklase.
 
RUBRIK PARA SA ROLE PLAYING
Pamantayan/Indikator Puntos Nakuhang Puntos

A. Mahusay na naipakita sa pamamagitan ng    


role playing ang mga konsepto ukol sa  
paggalaw ng presyo sa dami ng demand sa  
mamimili at prodyuser. 10
B. Ang ginawang presentasyon ay nagpapakita    
ng pagkamalikhain at naangkop sa tema para  
maihatid sa manood ang konsepto ng  
paggalaw ng presyo sa dami ng demand.  
10

C. Ang mga ginamit na props,script o diyalogo, o    


kagamitan sa pagganap ay nakatulong upang  
mas maging malinaw ang ekwilibriyo sa 10
manonood.
Kabuuang Puntos 30  
Sagutin sa isang buong papel ang mga sumusunod na tanong:
A.Piliin sa kahon ang salitang tinutukoy sa bawat aytem sa ibaba.
Isulat ang sagot sa sariling papel. ( 5 pts)
pakanan mababa ceteris paribus
market demanddemand downward sloping

1. Ang dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mamimili sa


iba’t ibang presyo ay tinatawag na __________.
2. Ang Batas ng Demand ay nagsasabing ceteris paribus, kapag
mataas ang presyo, and demand ay __________.
3. Tumutukoy sa pinagsama-samang demand ng bawat indibidwal
sa isang pamilihan ang ___________.
4. Ang negatibong ugnayan ng presyo at dami ng demand ay
makikita sa kurba nitong may direksiyon na ___________.
5. Kapag tumaas ang kita ng isang tao, ang kurba ng demand ay
lumilipat ________.
B. Sagutin ang sumusunod na tanong para sa talakayan ( 10 pts).
1.Ano ang demand?
2.Ano ang ipinapahiwatig ng downward sloping na kurba ng demand?
3.Kailan nangyayari ang paglipat ng demand sa kanan? Sa kaliwa?
4.Paano nakakaapekto sa demand ang pagsunod sa uso?
5.Ilipat sa graph ang datos sa talahanayan. Ipaliwanag ang graph.

Presyo ( sa Piso) Dami ng Demand sa Kamatis ( sa Kilo)

P10.00 25
P20.00 20
P30.00 15
P40.00 10
P50.00 5
TAKDANG ARALIN:
Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng iba’t-ibang suliranin sa ekonomiya.
Iugnay ang kaganapan sa mga larawan sa maling pagpaplano ng pagkonsumo
ng mamimili. (15pts)

RUBRIK PARA SA TAKDANG ARALIN


PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS NAKUHANG
PUNTOS
Nilalaman Naipakita sa pamamagitan ng mga larawang ginupit ang    
iba’t- ibang suliranin sa ekonomiya. At mahusay na
5
naipaliwanag ang pagkakaugnay ng larawan sa maling
pagpaplano ng pagkonsumo ng mamimili.

Pagkamalikhain Ang mga konsepto at simbolismong ginamit ay nagiging    


makabuluhan upang lubos na maipakita ang pagkakaugnay
 
ng larawan sa mga suliranin sa ekonomiya ay maling
pagpaplano ng pagkonsumo ng mamimili. 5

Mensahe Ang mensahe ng ginupit na larawan ay direktang nakatugon    


sa mga konseptong natalakay sa aralin
5
Kabuuang Puntos 15  
Maraming Salapat po sa Inyong Lahat!

You might also like