Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

SANGGOL

C
ALAM MO BA?
Ang sanggol ay nangangailangang ng
wastong pangangalaga ng mga nakatanda
habang siya ay lumalaki. Malaki ang
maitutulong ng batang katulad mo sa pag-
aalaga ng kapatid na sanggol. Maaari mong
tulungan ang iyong ina sa pag-aalaga ng
iyong kapatid na sanggol kapag siya ay abala
sa pangangasiwa ng inyong tahanan.
MGA KATANGIAN
NG
C

SANGGOL
0 – 2 BUWAN
Ang mgapaningin ay wala pa sa
tamand direksyon
Karaniwang natutulog at naghihikab
Maninipis at maseselan ang mukha
Hindi pa naitataas ang ulo
Magugulatin
Ikinakawag ang kamay sa hangin
Nakatikom ang mga daliri
 
3 - 5 BUWAN
Nagsisimula ng dumapa
Nakadarama ng panlasa,
pang-amoy, pandinig at
panghawak.
Ang paningin ay nasa
tamang direksiyon
 
6 - 12 BUWAN
Nagsisimula ng makakilala ng tao,
bagay, at kulay
Nagsisimula ng magngipin
Nagsasalita ng papantig
Gumagapang, umuupo at
tumatayo hanggang sa
makalakad.
 
Panoorin ang bidyo sa pamamagitan ng link na nasa ibaba ng larawan. Ito ay tumatalakay
sa pisikal na kaanyuan ng bawat Pilipino.

Reference: Arroyo, V. ( 2020 July 1). KATANGIANG PISIKAL NG MGA PILIPINO [YouTube].
Retrieve from https://www.youtube.com/watch?v=JLgeomWrhdQ
MGA PAMAMARAAN
C

NG PAG-AALAGA NG
SANGGOL
PAGPAPATULOG
Ang sanggol ay nangangailangan
ng mahabang oras ng pagtulog maliban
kung sumususo. Pabayaan ang bata na
matulog ng mahimbing sa isang malinis
na lugar. Kinakailangan ng sanggol ng
mahangin, malinis, tuyo at may
magandang bentilasyon upang
makatulog siya ng mahimbing.
 
PAGPAPASUSO AT PAGPAPAKAIN
Ang pagpapasuso ng gatas ng ina
ay ang pinakamahusay na pagkain ng
isang sanggol. Kailangang sumuso sa ina
ang sanggol mula 24 hanggang 12 beses
sa loob ng 24 oras sa mga unang buwan
nito.
Ang mga sanggol na sumususo sa bote
ay kinakailangang bantayan ng mabuti.
 
PAGPAPALIGO
Ang pagpapaligo sa
sanggol ay maaaring gawin
isang beses sa isang araw.
Ngunit ito ay dapat punasan sa
mukha at katawan tuwing
kinakailangan.
 
PAGBIBIHIS
Nararapat na yari sa malambot
na tela tulad ng koton at perlin ang
damit ng sanggol upang
mapangalagaan ang sesitibo niyang
balat. Dapat katamtaman ang luwag
ng damit upang malaya siyang
makagalaw. Ang damit ng sanggol ay
kadalasang bukas sa harap at
nagsasanib sa gitna
PAGPAPALIT NG LAMPIN
Ang lampit o diaper ay dapat laging
palitan. Ang pagpapalit ng lampin o
diaper ay isinasagawa kung basa o
madumi na ito upang maiwasan ang
pangangati o iritasyon ng balat.
Mahalagang laging nakahanda ang mga
pamalit ng sanggol upang hindi
matagalan ang maduming lampin sa
kanyang balat.
DAGDAG NA KAALAMAN
Para sa dagdag na kaalaman buksan ang link na nasa ibaba.

Conorado, L. (2016 April 18). Pag- aalaga ng sanggol [YouTube]. Retrieve from
https://www.youtube.com/watch?v=qxv4bnwGzkU
POINTERS
MAAYOS AT MABIKAS NA PAGGAYAK
MAGAGANDANG KAUGALIANG
KAUGNAY NG PANSARILING
KALUSUGAN
Pagtatanggal ng iba’t ibang uri ng mantsa
URI NG PAMILYA
Nukleyar
Ekstended
POINTERS
Mga papel o kapangyarihan na naiaatang sa bawat
kasapi ng pamilya
PATRIYARKAL
MATRIYARKAL
EGALITARIAN
Mga Karapatan ng mga bata

You might also like