Professional Documents
Culture Documents
AKADEMIKONG SULATIN Week 2
AKADEMIKONG SULATIN Week 2
AKADEMIKONG SULATIN Week 2
SULATIN
IBA’T IBANG URI AKADEMIKONG
SULATIN
Ano ang Akademikong Sulatin?
Akademikong Sulatin
Isang uri ng pagsulat na nagpapalinang sa iba’t ibang uri ng
larangan. Maraming uri ng pagsulat ang nasa ilalim ng
Akademikong Sulatin. Ang pagsulat ng iba’t ibang uri ng
Akademikong Sulatin ay makatutulong upang mas
mapalawak ang ating kaarawan sa iba’t ibang mga bagay.
Ano ang iba’t
ibang uri
akademikong
sulatin?
Ano ang iba’t ibang uri akademikong sulatin?
1. Abstrak
2. Sintesis
3. Bionote
4. Panukalang Proyekto
5. Talumpati
Abstrak
• Abstrak – Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag
aaral na inilalagay bago ang introduksiyon. Ito ang siksik
na bersiyon ng mismong papel.
Abstrak
Mga Uri ng Abstrak
1. Deskriptibong Abstrak
Inilalarawan sa mga mambabasa ang pangunahing ideya ng papel.
Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng papel.
2. Impormatibong Abstrak
Ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel.
Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata
lamang.
Abstrak
Mga hakbang sa pagsulat ng abstrak
Basahing muli ang buong papel.
Isulat ang unang draft ng papel.
Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang
kahinaan.
I-proofread ang pinal na kopya.
Abstrak
Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak
Binubuo ng 200-250 na salita.
Gumagamit ng mga simpleng pangungusap.
Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.
Nauunawaan ng target na mambabasa.
Sintesis
Pagsasama ng dalawa o higit pang buod.
Paggawa ng koneksiyon sa pagitan ng dalawa o higit pang
mga akda o sulatin .
Pagsasamang iba’t ibang akda upang makabuo ng isang
akda nakapag-ugnay.
Sintesis
Dalawang Anyo
Explanatory
Argumentative
Sintesis
Bigyang Pansin ang mga Sumusunod:
• Tamang impormasiyon mula sa
pinaghanguan/sangguagnian
• Organisasiyon ng teksto
• Napagtitibay ang nilalaman at napapaillalim pag-uunawng
nagbabasa
Sintesis
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis
• Linawin ang layunin
• Pumili ng naaayon na sanggunian batay sa layunin at basahin ng mabuti ito.
• Buuin ang tesis na sulatin
• Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatain
• Isulat ang unang burador
• Ilista ang mga sanggunian
• Rebisahin ang sintesis
• Isulat ang pinal na tesis
Bionote
• Ang bionote ay isang maiksing tala ng personal na
impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang
magiging panauhin sa isang kaganapan (event,
seminar, symposium, mga patimpalak at / o sa gig).
• Maaari ring makita ang bionote sa likuran ng mga
pabalat ng libro, at kadalasan ay may kasamang
litrato ng awtor o ng may-akda.
Bionote
• Ang bionote ay karaniwang dalawa hanggang tatlong pangungusap
lamang na naglalarawan sa taong paksa ng bionote. Ang bionote ay
dapat na isang impormatibong talata na siyang nagpapaalam sa mga
mambabasa o makikinig kung sino ang taong paksa ng bionote o ano-ano
ang mga nagawa ng paksa bilang propesyunal. Inilalahad din dito ang iba
pang impormasyon tungkol sa paksa na may kaugnayan sa tatalakayin sa
kaganapan.
• Ang bionote ay dapat lamang na isang maikling impormatibong sulatin na
karaniwang isang talata lamang at naglalahad ng mga kwalipikasyon ng
isang tao o indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang panauhin o
bilang propesyunal.
Bionote
Paano gumawa ng bionote?
1. Dapat batid ng lahat na iba ang bionote sa talambuhay at / o
autobiography. Napakalaki ng agwat nito dahil ang bionot ay nararapat
lang na maikli at siksik, samantalang dapat ay mas detalyado at mas
mahaba ang pagsusulat ng talambuhay at / o ng autobiography.
2. Dapat din na batid ng lahat na iba ang bionote sa curriculum vitae,
resume, at biodata. Hinihingi sa mga cv, resume, at biodata ang mga
personal na impormasyon ng paksa tulad ng ngalan, kasarian, edad,
petsa at lugar ng kapanganakan, tangkad, timbang, at marami pang
ibang impormasyon tungkol sa paksa.
Bionote
Bakit nagsusulat ng bionote?
• Ito ay para ipaalam sa iba / lahat ng manonood, mambabasa at / o
makikinig ang kredibilidad sa larangang kinabibilangan na siyang
tatalakayin sa isang kaganapan
• Para rin ipakilala ng may akda ang kaniyang sarili sa mga mambabasa
• Para ang bionote ay magsilbing marketing tool
• Para rin ipaalam sa iba / lahat na hindi ang karakter ng paksa at para
na rin magkaroon ng sapat na pag-introduce sa kredibilidad sa
larangang kinabibilangan ng paksa. Ito ay isa na ring paraan upang
maipakilala ang sarili sa mga mambabasa.
Bionote
Narito ang mga Katangian ng Bionote
maikli lang dapat ang nilalaman nito
• gumagamit ng ikatlong panauhan para hindi masyadong egocentric
• kinikilala ang mga mambabasa o ang target market
• gumagamit ito ng baligtad na tatsulok – tulad sa pagsulat ng mga balita at iba pang
obhetibong sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote
• nakatuon sa mga angkop na kasanayan o katangian ang nilalaman ng bionote
• binabanggit ang degree o tinapos ng paksa sa bionote.