Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 101

PAGSUL

AT NG
BALITA
Sino ang nangangalap ng mga
imformasyon ng balita?
 Ang karaniwang nangangalap ng mga
imformasyon para sa isang balita ay ang
sumusunod: cub reporter, reporter, beat
reporter, deskman, copyreader, sa mga
namamahala sa pagwawasto ng mga
manuskrito ay kabilang ang copyreader at
editor – katulong na editor, tagapamahalang
editor, at punong editor.
Ano ang
responsibilidad ng
isang reporter?
 Upang maunawaan ng lahat lalong-lalo
na ng mga baguhan at nag-aaral pa
lamang ng pagsulat ng balita, ipinasiya
ng may-akda na sipiin at ilahad dito
nang buo ang sinulat ni Gemma
Amargo, isang police beat reporter,
gaya ng sumusunod:
1.Sa lahat ng propesyon,
masasabi na ang pagre-
reporter ay isa sa may
pinakamalaking
responsibilidad.
2. Bukod sa may pinakamabigat na
responsibilidad na pagtataguyod ng
makatotohanang pamamahayag, dito na
rin nagkakaroon ng iba’t ibang karanasan
at nakakasalamuha ang iba’t ibang
karanasan at nakakasalamuha ang iba’t
ibang klase ng tao.
3. Barilan, saksakan, demolisyon,
sunog, gahasaan at masaker ang
araw-araw kong tinutunghayan, at
binabantayan kaya’t ang pagiging
police reporter ay masasabi kong
hindi para sa may mga sakit sa puso
o mahina ang sikmura.
4. Tapang at kaalaman sa
pagsulat lang ang puhunan
kung nais ng isang taong
mag-umpisa sa larangan ng
police beat reporting.
ANG PERYODISTA
Ano-ano ang mga
katangiang dapat
taglayin ng isang taong
naghahangad na maging
peryodista?
1. Kailangan
niyang maging
mausisa.
2. Dapat siyang
may matalas na
pangmasid.
3. Dapat siyang
maging matapat.
4. Dapat siyang
maging
matapat.
5. Maaasahan
6. May pananagutan
7. Makaibigan,
matulungin at
magalang
8. May kakayahan sa
mabilisang pagsulat
ng mga detalye.
Sino-sino ang
kinikilalang
peryodista?
Cub-reporter – isang
taong may hilig maging
reporter, ngunit walang
kasanayan sa gawaing ito.
 Reporter
Copyreader – ay isang uri
ng reporter na may
malaki nang karanasan sa
larangan ng pagsulat ng
balita
Desk man o rewrite man –
ang muling nagsasaayos ng
isinumiteng istorya na hindi
naaayon sa kinakailangang
kayarian o istilo ng balita.
 Katulong na
editor
Tagapamahalang
editor
 Punong editor
 Koresponsal
PAGSULAT NG
BALITA
Hakbang sa
pagsulat ng
balita:
1.Itala ang pangyayari, unahin ang
pinakamahalaga pababa. Piliin sa
hawak na mga tala ang
pinakamahalaga at pinakakawili-
wili, at iyon ang gamitin sa
pagsulat ng pamatnubay.
2. Buuin sa sarili ang
pamatnubay, unahin
ang pinakamahalaga sa
anim na tanong.
3. Isulat ang pamatnubay na pangungusap. Gawin
hanga’t maaari na maikli, simple, ngunit
makahulugan at mapuwersa ang pamatnubay.
Nagagawang maikli lamang ang pamatnubay kung
ang sasabihin lamang ay ang pinakamahalagang
bahagi ng pangyayari, walang ligoy, walang
mabububulaklak na salita, walang iba pang
detalyeng dapat na sa susunod na mga talataan
ilagay.
4. Isulat ang katawan ng balita. Kalimitang
dito itinatala ang mga detalye ng tatlo o
apat na tanong, ayon sa pagkakasunud-
sunod ng mga tanong. Saka na isinusunod
ang detalye ng iba pang tanong na
kailangan ang mga detalye. Malimit na ang
tanong na Saan? at Kailan? sapagkat
naisaad na sa pamatnubay, ay di na
kailangan ang detalye sa katawan.
Sa pagtalakay ng mga detalye,
dapat ding maikli ang mga
pangungusap. Ang tungkulin ng
isang sumsulat ng isang balita ay
maihatid ang mensahe sa isang
paraang simple at ang mga salita
ay madaling maintindihan.
 Maging ang mga talataan ay kailangan
ding maiikli, bagama’t hindi dapat na
magkasunud-sunod ang maiikling
talataan. Sa dadalawahing kolumnang
pahayagan, ang maikling talataan ay
isang linya lamang. Lalong magandang
talataan ay iyong nagtataglay ng isang
diwa na may sapat na paliwanag.
Ngunit kailangan ang
mga pang-ugnay na
salita o parirala sa
pagitan ng mga talataan.
Hangga’t maaari huwag
simulant ang pamatnubay sa
numero o sa katagang ang o
sa, maliban kung magiging
pangit naman ang labas ng
pangungusap.
Iwasan sa pagsulat ng
balita ang paggamit ng
mga panghalip na pang-
editoryal na kami o ng
amin.
Patnubay sa
Pagsulat ng
Balita
1. Isulat agad ang
balita pagkalikom ng
mga tala o
imformasyon.
2. Itampok sa
pamatnubay ang
pinakamahalaga.
3.Maging tumpak sa
petsa, lugar na
pinangyarihan, sa
baybay ng pangalan.
4. Huwag maging
maligoy sa
pagtatampok.
5. Banggitin ang
pangalan o pinagmulan
ng mga balitang
kinakailangan.
6. Isulat ang buong pangalan ng
tao, tanggapan, institusyon, at iba
pa, sa unang banggit. At maaaring
apilyido na lamang ng tao sa
susunod, o daglat na lamang ng
tanggapan, institusyon sa susunod.
7. Sumulat ng mga talaang
iisahing pangungusap, ngunit
dapat na iwasan naman ang
pagsusunod-sunod ng mga
talataang maiikli.
8. Gawing maikli at
payak ang mga
pangungusap.
9. Paghiwalayin ang
talataan ng tahasan
at di-tahasang sabi.
10. Ang haba ng balita
ang nagpapasiya sa
kawilihan ng
mambabasa.
11. Kailangang ipakilala sa
simpleng paraan ang mga
taong nabanggit sa
pamatnubay.
12. Sundin ang
panuntunan (style book)
sa pagsulat ng istoryang
pampahayagan.
13. Gumamit ng gabay
sa pag-eengkod sa
kompyuter ng balita,
gaya ng sumsunod:
a.Dapat na iengkod ang
manuskrito nang doble
espasyo kung hind man
triple ispasyo at laging
may duplikado.
b. Dapat na iengkod ang balita
sa coupon bond na 8 ½ x 11”
nang may magandang margin,
1.5 pulgada sa magkabilang
gilid, isang pulgada sa itaas at
isang pulgada sa ibaba.
c. Dapat na kumpleto ang
pangungusap sa isang
pahina, gayon din walang
putol na salita sa dulo ng
alin-mang linya.
d. Mga anim na ispasyo mula sa itaas na gilid, sa
kaliwang sulok, isulat ang iisahin o dadalawahing
mahalagang salita ng pamagat, at isunod dito
ang apilyido ng manunulat at petsa.
Halimbawa:
 
Baha
Reyes 8/7/06
e. Lagyan ng PA matapos ang
huling linya sa pahina, kung
may karugtong pa. ngunit kung
wala nang karugtong, isulat ang
# o kaya’y TAPOS.
f. Kung ang manuskrito ay isinulat na muli ng
copyreader, ang nagsulat na muli at ang reporter
ay dapat na maisama rin sa pamagat sa sulok sa
itaas sa kaliwa.
Halimbawa:
 
Baha
Matienzo – muling nagsulat ng kay Reyes
8/7/06
Palabantasan sa
Pahayagang
Filipino
1.Gamit ng tuldok
a. Alisin ang tuldok sa mga daglat
ng pangalan ng tanggapan,
paaralan, organisasyon
 
PTA, PSHS, UP, KWF, MCF, CHED,
NBI
b. Alisin ang tuldok kung ang halaga ay
mababa sa piso.
 
P1.50 (hindi ‘piso at limampung sentimo)
99 sentimo (hindi P0.09)
Ngunit hindi ito nagagamit sa tabulasyon.
c. Gumamit ng tuldok, hindi ng
parenthesis, sa numero ng
enumerasyon
 
Dalawang bagay ang ipinadadala:
Hindi (1) 1.
Hindi (2) 2.
2. Gamit ng koma, kuwit
a.Gumamit ng koma sa
(1)Paghihiwalay ng pagkakakilanlan sa
pangalan ng tao
 
Manuel Villar Jr., Presidente ng Senado
Jesli Lapuz, Department of Education
Secretary
(2) Paghihiwalay ng mga pananalitang
pasalungat na pinangungunahan ng mga
pangatnig na ngunit, datapwat, kung hindi,
at iba pa.
 
Mayaman sila, ngunit hindi sila maligaya.
Hindi lamang sa talino, kung hindi dahil
sa sipag ang ipinagtagumpay nila…
b. Huwag gumamit ng koma
(1)Sa paghihiwalay ng pangalan
sa daglat na Jr at kauri.
Rafael Recto Jr.
Jose P. Laurel III
(2) Sa mga edad, mga distansiya,
mga sukat, atbp.
 
72 taon 9 na buwan 25 arawa
96 na km 503 metro at kalahati
(3) Sa pagitan ng dalawang
pangngalan, na ang isa ay
nagpapakilala ng ikalawa.
 
Ang tanyag na manunulat Nick
Joaquin ay mahilig sa pagsulat ng
mga tanging lathalain sa Ingles.
3. Gamit ng Kolon:
a.Gumamit ng kolon sa pagpapakilala ng serye
ng mga bagay-bagay.
 
Nahirang sa maunuan ng Board of Elders
sina: Dr. Arturo Guina, Tagapangulo; Atty.
Ferdinand Dumlao, Pangalawang
Tagapangulo; Dr. Narciso V. Matienzo,
Kalihim; Dr. Poyen Pini, Ingat-yaman.
4. Gamit ng Semi-Kolon;
a.Gumamit ng semi-colon sa
paghihiwalay ng serye ng mga
pangalang may kani-kaniyang tungkulin
o mapagkakakilanlan. (Tingnan ang
gamit nito sa serye ng mga pangalan
sa sinu-sundang halimbawa sa gamit
ng kolon.)
5. Gamit ng gatlang (dash)
a.Gumamit ng gatlang sa pangungusap na may
(mga) koma, ang gatlang ay maaaring gamitin
upang ihiwalay ang parenthetical expression.
 
Dumalo kami sa pulong, ngunit si G. Mariano
– ang taong maaaring makapagbigay-linaw sa
mga pangyayari – ay hindi nakarating.
b. Gumamit ng gatlang sa pagitan ng
mga numero na nagpapakilala ng mga
numerong nasasaklaw
 
Marso 2-15 (ang ibig sabihin ay mula
Marso 2 hanggang ika-15 ng Marso)
6. Gamit ng Gitling (hyphen)
a.Gamitin ang gitling sa tambalang
pangngalan
 
Director-Heneral
Kalihim-Ingat-Yaman
b. Gamitin ang gitling sa
pagsulat sa salita ng mga
praksiyon
 
Tatlong-kapat
Dalawang-katlo
c. Gumamit ng gitling sa pagitan ng
katagang di at nilalapian nitong
pang-uri, pandiwa, atbp.
 
di-maganda
di-makalaro
d. Gumamit ng gitling kapag may
nawawalang kataga sa pagitan ng
dalawang salita:
 
gamot-hayop (gamot sa hayop)
lakad-pagong (lakad ng pagong)
kilos-mayaman (kilos ng mayaman)
e. Gamitin ang gitling kapag ang isang
tanging ngalan (na nagsisimula sa malaking
titik) ay inuunlapian.
 
maka-Estrada
taga-Cainta
pam-Bagong Taon
mag-Pasko
f. Gamitin ang gitling kapag ang kani-kaniyang
kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal
ay di nawawala, bagama’t ang tambalan ay
nagkakaroon ng pangatlong kahulugan.
 
Barong-Tagalog
Sising-alipin
Dalagang-bukid
g. Gamitin ang gitling sa pagitan ng
unlaping ika- at tambilang o oras, gayon
din sa pagitan ng panlaping pinaka- at
pangalan.
 
ika-7:00 pinaka-haligi
ika-6:35 pinaka-pinto
h. Huwag gamitin ang kuwit sa
mga numerong may praksiyong
kasama.
 
Maglalaban mamayang gabi sina
Bobby, 113 at Borart 112 ¼
7. Gamit ng Panaklong (parenthesis)
 
a.Gamitin ang panaklong sa mga paningit na
mga salita sa loob ng isang titulo.
 
Santa Cruz (Laguna) Chinese Chamber
b. Gamitin ang panaklong sa pagpapakilala
ng partido sa pulitika at lalawigan o kapwa
nito, ng isang pinunong pampamahalaan. Sa
pinaikling paraan.
 
Rep. Rodolfo Albano III (LAMP, Isabela)
Rep. Ernesto Herrera (LAMP, Bohol)
c. Gamitin ang panaklong sa mga
paningit ng tahasang sabi na hindi
kasama sa sinabi.
 
“Ang proposal nilang (AMA at
Photokina) iniharap ay wala sa
istandard,” sabi niya.
d. Gamitin ang panaklong upang ipakita
ang hinahalipan (antecedent)
 
Nag-utos siya (Pang. Gloria
Macapagal Arroyo) sa Sandatahang
Lakas ng Pilipinas na durugin ang
lahat ng mge terorista sa bansa.
8. Gamit ng Panipi
 
a.Gumamit ng panipi
(1)Sa pamagat ng talumpati
 
Ang kanyang talumpating binigkas na “Pagtuturo
ng Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Perspektiba sa
Bagong Milenyo,” ay kailangang maipadala agad
ni Dr. Nita P. Buenaobra sa La Salle University
bago dumating ang buwan ng Marso 2000.
(2) Ang panghuling bantas-panipi ay laging inilalagay pagkatapos ng
koma o tuldok, e.g. mga “daga,” “pusa,” “aso,” at “manok”. Gayon
din, ang panghuling bantas-panipi ay inilalagay pagkatapos ng mga
pananda na pananong, padamdam, kolon, semi-kolon, at gatlang
kung ang mga bantas na iyon ay bahagi ng siniping bagay, e.g.
 
a. Ang tanong niya, “Nakausap mob a si Executive Secretary Ermita?”
 
Kung hindi, ang huling bantas-panipi ay dapat na ilagay sa
hulihan o pagkatapos ng nasabing mga bantas, e.g.
 
b. Ang sinabi ko ay “Hindi”.
(3) Ginagamit din ang panipi sa
paghihiwalay ng palayaw sa buong
pangalan, ngunit kapag ang palayaw ay
ginagamit bilang buong pangalan, hindi na
ito ginagamitan ng panipi.
 
Pangulong Joseph “Erap” Estrada
Pangulong Erap Estrada
b. Iwasang gamitin ang panipi sa mga
pamagat ng pelikula, pamagat ng mga aklat,
pintura, pangalan ng mga pahayagan,
magasin, bapor, o mga hayop.
 
Ang mga pahayagan sa Filipino na Pilipino
Star Ngayon, Ang Balita, Tumbok, at
Tanod ay mga pahayagang tabloid.
9. Paggamit ng Elipsis
 
Ginagamit ang elipsis upang ipakilalang may nawawalang salita o
mga salita sa mga siniping pangungusap. Tatlong tuldok ang
ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap may
nawawalang salita o mga salita. Subalit apat na tuldok ang
ginagamit kung ang mga salitang nawawala ay sa hulihan ng
pangungusap – tatlong tuldok para sa nawawalang mga salita at
ang isang tuldok ay bilang pananda ng hulihan ng pangungusap.
 
“Pitong kagawad…ang bumoto.”
“… kagawad na bumoto.”
“Pinagtibay ko ang bagong panukala….”
TAMBILANG
1. Sa pangkalahatan, ang bilang 12 pababa ay isinusulat sa titik; ang
mga bilang na mataas kaysa labindalawa ay isinusulat sa numero.
Gayon pa man, kung maraming bilang na napapaloob sa isang
pangungusap, maging mababa man o mataas sa labindalawa,
kailangang isulat ang mga iyon sa iisang anyo – sa titik o sa numero
– upang mapanatili sa iisang anyo.
 
Halimbawa:
 
a. Limang lalaki ang nadakip na pinaghihinalaang nagnakaw ng salapi
sa ….
b. Ang kanilang naging bisita sa handaan ng kanilang kasal ay 5
Bumbay, 10 Intsik, 15 Amerikano, 1 Israelita, 4 na Ilukano, 3 Bisaya,
at mahigit na 150 mga Tagalog.
2. Isulat sa salita ang mga bilang kung ito’y
nasa unahan ng pangungusap o nasa hulihan,
subalit kung ito’y sunud-sunod sa loob ng
pangungusap, isinusulat na ito sa numero.
 
a.Sampu silang nagtungo sa lungsod ng Baguio
upang dumalo sa seminar.
 
Ngunit humabol ang apat. Kaya, 14 silang
tumira sa hotel.
3. Kapag ang pamilang na pamahagi (fraction)
ay nag-iisa sa pangungusap, ito’y isinusulat na
sa salita, subalit kung ito’y sunud-sunod sa loob
ng pangungusap, isinusulat na ito sa numero.
 
a.Halos 13 bahagdan ng kanilang badyet ang
nauukol sa Christian Education.
b.Kaya mo bang paramihin ng 33 beses ang
354,218 sa loob ng 25 segundo?
4. Isulat sa numero ang mga sukat
(gayon din ang mga timbang,
dimension, at iba pa.)
 
10 piye, 8 kg., 5 kb (kaban)
142 libs., 15 gal (galon)
KODIGO NG ETIKA
NG PAMAMAHAYAG
SA PILIPINAS
1.Itaguyod ang kalayaan at iba
pang mga saligang karapatan
ng pamahayagan at bakahin
ang lahat ng impluhong
maaaring magparupok sa mga
ito.
2. Iwasan ang mga pagpapangkat-pangkat
at iharap ang dalawang panig ng baway
pinagtatalunang paksa nang buong
katarungan at katapatan sa mga pangyayari,
nang mabigyan ang matalinong
mamamayan ng malaking pagkakataong
gumamit ng kanyang karapatan sa
malayang pamamahayag.
3. Huwag magpalimbag ng mga bagay na
maaaring di-makatarungang tumuligsa o
nagpapahina sa karangalan ng buhay na
pribado, o sa kabanalan ng isang tahanan, o
sa pananampalatay ng isang tao, o
magsilibing panghamon nang walang
katarungan sa damdamin ng bayan o kaya’y
gumulo sa katahimikan ng bayan.
4. Bakahin ang lahat ng
kapangyarihang maaaring
magtangkang isakalakal ang layunin
ang pamahayagan, at upang
tutulang personal na maging sunud-
sunuran dahil sa pakinabang o
pabor.
5. Lakipan ng katarungan at
kawanggawa ang kapangyarihan ng
pamahayagan, na umiiwas sa
paghantong dito sa kalupitan upang
igalang ang hinirang na
maykapangyarihan at upang mabatid at
sumunod sa batas.
6. Isagawa ang kagandahang-loob,
mabuting panlasa, kayumian, at
makatwirang pakikitungo sa bayan,
gayon din sa kapwang nasa
profesyon, na malayang tinatanggap
at sapat na iniwasto ang lisyang
hatol o kamalian.
7. Iulat at iwasto nang walang pagkiling
ang mga balita at kilalanin nang tiyakan
na ang katotohanan ay siyang totoo at
ang kurukuro ay kurukuro, at iniiwasan
ang pagmamalabis o pagkakaltas ng
mga pangyayarong nagpapatunay o
mahalagang kahulugang
nagpapaliwanag.
8. Iwasan na maging kusang patakaran ang
labis na pagkasensasyonal matamo lamang
ang pagsang-ayon ng karamihan o
naglalayon ng tanging pag-angkin sa
paningin at maipagbili ang pahayagan; at
higit na bawasan ang mga balita sa krimen
na walang layunin kung hindi magpasigla sa
kriminalidad.
9. Tumulong sa isa’t isa sa
panahon ng kasawian at
buong pagkakaisang
humarap sa mga suliraning
profesyonal.

You might also like