Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 39

VARAYTI AT VARYASYON NG WIKA

BOSES KO, Gayahin mo!


Isang babae ang natagpuang
nakahandusay sa loob ng kanilang
bahay.
VARAYTI
• ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga linggwista
na ang wika ay heterogeneous o magkakaiba-iba.
• Dala ito ng magkakaibang pangkat ng tao na may iba’t ibang lugar
na tinitirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa
• Patunay ni Greason – may barayti sapagkat ito’y dinamiko hangga’t
ito’y buhay
VARAYTI NG WIKA

• Ang pagkakaroon ng
natatanging katangian
na nauugnay sa
partikular na uri ng
katangiang sosyo-
sitwasyunal.
VARYASYON
• sa pagdaan ng panahon nagiging
ispesyalisado ang gawain at tungkulin ng
tao at ito ay nagreresulta ng pagkakaiba-iba
ng kultura at wika na siyang nagiging
panukat sa progreso ng tao.
DALAWANG URI NG VARAYTI

Permanente Pansamantala

likas na gamit at
nagbabago batay
linang sa sinumang
tagapagsalita o sa pagbabago ng
tagabasa sitwasyon
Permanente Pansamantala

Idyolek Kolokyal
chikahan, granma, granpa, kapuso, taumbayn,
ka-chat

Dayalek Lingua-franca
malling-gimmik, magpa-fastfood, ate/kuya, textmate

Balbal
kapalmuks, pusakal, majunda, palumpalo
Ilang mahahalagang konsepto ukol sa varayti at varyasyon ng
wika
a) Dayalekto
b) Idyolekto
c) Sosyolek
d) Rejister
e) Estillo
f) Mode
g) Jargon
a.) Dayalekto

Varayting nakabatay sa
lugar, panahon at katayuan sa
buhay.
Nakikita ito kaugnay sa
pinanggalingang lugar ng
tagapagsalita o grupo ng
tagapagsalita.
Payao na ko! Aalis na ako!

Mahali na ako! Miggalin na


ko!
Maduman na
ako!
b.) Idyolekto

Varayti na kaugnay sa personal


na kakanyahan ng tao sa
paggamit ng wika ng partikular
na indibidwal.
Gayundin, ang paggamit ng
partikular na bokabularyo nang
madalas ay itinuturing ding
idyolekto ang gumagamit.
Where naman
you? I’m so inip
na waiting for you.
c.) Sosyolek

 ang varayting sinasalita


ng mga tao sa isang
lipunan.
 nagtatakda ito ng
klasifikasyon ng mga
mamamayan batay sa
antas ng kanilang
pamumuhay, interes,
hilig at kasarian.
Ano ikamo wala pa ang tatay
mo diyan? Aba at saan namn
napunta ang damuhong ‘yon?
Malilintikan yon sakin!
d.) Rejister

 varayting kaugnay sa panlipunang papel na


ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng
pagpapahayag.
 tumutukoy sa ispesyalisadong paggamit sa wika
upang makilala ang ispesipikong domeyn o
gawain.
e.) Estilo
 varayti na kaugnay ng relasyon ng
nagsasalita sa kausap.
 maaring formal, kolokyal at personal.
f.) Mode

 varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa


pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat.
g.) Jargon

• Ito ay
eksklusibong
salita o
leksikon ng
iba’t ibang
pangkat
PAGLILINAW UKOL SA PAGKAKABUO NG
PAHAYAG:
• Palit-koda – pagsasama-sama ng dalawa o higit pang makabuluhang pahayag na
nabibilang sa dalawang Sistema ng wika.
Hal. Nakuha ko naman ang point mo kaya lang medyo foul ‘yung sinabi nang
mag-text ka.

• Halo-koda – may nahahalo o naisisingit na salita mula sa ibang wika labas sa


naitakdang dalawang pangunahing Sistema ng wika.
Hal. Getching ko naman talaga yung chenes mo kaya lang its hard to identify
talaga, what is “aristeia”, tolits?
SALIK NG VARYASYON:

• Heograpikal – nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag sa


pamamagitan ng kaangkupan sa lugar o komunidad na
kinabibilangan ng tagapagsalita o gumagamit ng wika.
• Sosyal – nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag sa
pamamagitan ng kasasangkutang lipunan, kultura at
itinakdang mga isyu at usaping nakabatay sa panahon.
• Okyupasyunal – nagkakaroon ng pagbabago sa
pagpapahayag batay sa pangangailangan sa larangan ng
hanapbuhay.
ILANG PANANAW AT TEORYA UKOL SA
VARAYTI AT VARYASYON

1. Teoryang Sosyolinggwistik (Saussure, 1915) –


pinapalagay na ang wika ay panlipunan at ang speech ay
pang-indibidwal.
2. Teoryang Deficit Hypothesis (Brenstein, 1972) –
naniniwala sa pamamagitan ng kanyang nagging
obserbasyon na ang wika ay may herarkiya.
3. Konsepto ng Varyabilidad (Labov, 1072) – naniniwala na
natural na phenomena ang pagkakaiba-iba ng anyo ng wika at
pagkakaroon ng varayti ng isang wika. Ibig sabihin, pantay-
pantay lamang ito at walang mataas o mababa.

4. Teorya ng Akomodasyon(Giles, 1982) – nakapokus ang


teoryang ito sa taong kasangkot sa sitwasyong pangwika sa
proseso ng pag-aaral at pagkatuto ng pangalawang wika.
a. Linguistic Convergence – nagkakaroon ng tendensiya na
gumaya o bumagay sa pagsasalita ang isang gumagamit ng
wika upang bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikisama at
pagmamalaki na siya ay kabahagi ng pangkat.

b. Linguistic divergence – pinipilit ibahin ng taong


gumagamit ng wika ang kanyang pagsasalita upang
mabukod sa kausap, di-pakikiisa at pagbuo ng sariling
pagkakakilanlan/identity.
KAHALAGAHAN NG BARAYTI NG WIKA

1. Napapaunlad ang wika sa pamamagitan ng pagdaragdag ng


mga salitang gagamitin sa isang lipunan
2. Napaparami nito ang iba’t ibang katawagan ng isang salita
3. Natutulungan nito ang mga tao na makapamili ng mga
salitang gagamitin sa pinakaangkop na paraan
4. Napapalawak nito ang iskolarling pananaliksik pangwika
SANGGUNIAN:

Arrogante, J., et al. (2009). Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Navotas City:
National Bookstore, Inc.
Liwanag, L. (2002) Ang Papel ng Wikang Filipino sa Gitna ng Pagkakaiba-iba ng mga Wika sa
Bansa.
https://wika.pbworks.com/f/Ang+Papel+ng+Wikang+sa+Gitna+ng+Pagkakaiba-iba+ng+mga+Wik
a+sa+Bansa.pdf/
>Philippine Normal University
Peregrino, J., et al. (2002). Minanga: Mga babasahin sa varayti at varyasyon ng wikang Filipino.
Quezon City: Unibersidad ng Pilipinas – Surian ng Wikang Filipino.

You might also like