mahusay na uri ng lagom sa pamamagitan ng mga binasang halimbawa. • Nakasusulat ng isang uri ng lagom batay sa sariling interes. • Nakapaghahambing ng iba’t ibang uri ng lagom sa tulong ng venn diagram. PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG PAGLALAGOM
Isa sa mga kasanayang dapat na
matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda MGA KASANAYANG MAHUHUBOG NG MAG- AARAL SA PAGSASAGAWA NG PAGLALAGOM Una, natututuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Pangalawa, natututuhan niyang magsuri ng nilalaman ng kanyang binabasa. Pangatlo, nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat partikular ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata. Pang-apat, nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo. Mga URI NG LAGOM BIONOTE SINOPSIS/BUOD ABSTRAK Ano ang BIONOTE?
Ang bionote ay maituturing na isang uri
ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Ito ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa. (Duenas at Sanz, 2012) Ang bionote ay isang maikling 2 o 3 pangungusap na inilalarawan ang may-akda. (WordMart, 2006) Ginagamit din ito sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang business o propesyonal na layunin. Ito rin ay madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Sarili” na makikita sa mga social network o digital communication sites. Halimbawa nito ay ang bionote o pagpapakilala sa sarili ng mga gumagawa ng blog. Ito rin ay maaaring magamit ng taong naglalathala ng isang aklat o artikulo. Maikling paglalarawan ng manunulat gamit ang ikatlong panauhan na madalas ay inilalakip sa kaniyang mga naisulat. Impormatibong talata na naglalahad ng mga kwalipikasyon ng awtor at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyonal. Naglalahad ng iba pang impormasyon tungkol sa awtor na may kaugnayan sa paksang tinalakay sa papel o sa trabahong ibig pasukan. Ang bionote ay maituturing na isang marketing tool. Ito din ay parang talambuhay (autobiography) o kathambuhay (biography) ngunit ito ay higit na maikli kumpara sa mga ito. Bakit nagsusulat ng BIONOTE?
Upang ipaalam sa iba hindi lamang
ang karakter kundi maging ang kredibilidad sa larangang kinabibilingan. Ito’y isang paraan upang maipakilala ang sarili sa mga mambabasa. Ano ang layunin at gamit ng BIONOTE?
Ginagamit para sa personal profile ng isang
tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya. Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbabanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. MGA MAARING MAKITA SA BIONOTE
Personal na impormasyon (pinagmulan,
edad, buhay kabataan-kasalukuyan) Kaligirang pang-edukasyon (paaralan, digri, at karangalan) Ambag sa larangang kinabibilangan (kontribusyon at adbokasiya) MGA BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE
Narito ang mahahalagang bagay na
dapat tandaan sa pagsulat ng bionote. 1.Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung gagamitin sa resume kailangang maisulat gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat sa loob ng 5 hanggang 6 na pangungusap.
2.Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na
imormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. 3. Isulat ito gamit ang pangatlong panauhang pananaw. Upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito. 4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan. 5. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. HALIMBAWA NG BIONOTE
Bionote ni G. Patronicio Villafuerte (Manunulat) Bionote ni Gng. Ascension (Guro) Bionote ni Dr. Carlito Y. Correa (Doktor) MARAMING Salamat!