Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Gamit ng Wika sa Lipunan

 Instrumental
 Regulatori
 Interaksyonal
 Personal
 Hueristiko
 Representatibo
 Instrumental
• Tumutulong sa tao para maisagawa ang mga gusto niyang
gawin.
• Tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba.
• Magagamit ang wika sa pagpapangaral, berbal na
pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pang-uutos,
pakikiusap, liham patalastas tungkol sa isang produkto.
• Maisasagawa niya mg anuman at mahihingi ang iba’t ibang
bagay sa tulong ng wika
Gamit ng wika para may mangyari o may maganap
na bagay-bagay.

Halimbawa:
Pasalita: pag-uutos
Pasulat: liham pangangalakal,
mga liham na humihiling o umoorder
 Regulatoryo

• May gamit ding regulatori ang wika na nangangahulugang


nagagamit ito sa pagkontrol sa mga ugali o asal ng ibang tao,
sitwasyon o kaganapan
• Kabilang dito ang pagbibigay ng mga patakaran o palisiya at
mga gabay o panuntunan, pag-aaproba at/o pagbabawal,
pagpuri at/o pambatikos, pagsang-ayon at/o di-pagsang-ayon,
pagbibigay paalala, babala at pagbibigay panuto.
• Gamit ng wika para kumontrol o gumabay sa kilos at
asal ng iba.

Halimbawa:
Pasalita: pagbibigay ng panuto, direksyon o paalala
Pasulat: resipe, mga batas
Personal
• Pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng isang
indibidwal.
• Paglalahad ng sariling opinion at kuro-kuro sa paksang
pinag-uusap.
• Pagsulat ng talaarawan at journal at pagpapahayag ng
pagpapahalga sa anumang anyo ng panitikan.
• Nasa anyo ito ng iba’t ibang pangungusap na padamdam,
(tuwa, galit, gulat, hinanakit, pag-asa, kahustuhan) at iba
pang pansariling pahayag.
• Gamit ng wika sa pagpapahayag ng sariling damdamin o
opinyon.

Halimbawa:
Pasalita: pagtatapat ng damdamin ng isang tao
Pasulat: editoryal, liham sa patnugot
 Hueristiko
• Ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng mga
tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko o
propesyunal na sitwasyon.
• Ito ay ang pagbibigay o paghahahanap ng kaalaman.
• Kabilang dito ang pagtatanong, pakikipagtalo, pagbibigay-
depinisyon, panunuri, sarbey at pananaliksik.
• Nakapaloob din dito ang pakikinig sa radio, panonood ng
telebisyon, pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog at mga
aklat kung saan tayo nakakukuha ng impormasyon.
• Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga
kaalaman at pag-unawa.

Halimbawa:
Pasalita : pagtatanong, pagsagot, pangangatwiran, pagbibigay-
kongklusyon,
Pasulat : paggawa ng hypothesis,pagpuna, pag-eeksperimento,
pagsang-ayon, di-pagsang-ayon, pagtaya.
 Representatibo

• Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol


sa
Daigdig.

Halimbawa: Pag-uulat ng mga pangyayari, paglalahad,


pagpapaliwanag ng mga pagkakaugna-ugnay, paghahatid
ng
mga mensahe, atbp.

You might also like