Professional Documents
Culture Documents
Gawain 1
Gawain 1
Bilang 1
Ang
Panitikan Jae Margarette G. Manaligod
61801257
GEFS-D57
Panitikan ng Pilipinas: Kasaysayan
at Pagsusuri ng Wika at Nilalaman (FIL3)
1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan?
Paano ito makakatulong sa iyo, bilang isang mag-aaral?
Panitikan ang naging daan sa mga manunulat upang maipahayag ang kanilang mga nararamdaman,
marinig ang kwento ng mga ordinaryong tao, magkaroon ng boses ang mga maliliit na tao sa lipunan,
maiparating ang impormasyon sa mga taong walang paraan para makatanggap nito, maipaalam kung
gaano kayaman ang ating kultura at gayun din ang katayuan ng iba’t ibang katutubo sa ating bansa, ilan
lamang ito sa mga naidulot ng panitikan, kung kaya ito ay mahalagang pag-aralan magpasahanggang
ngayon. Sa madaling sabi naging at nagiging daan ang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang
magkaroon ng identidad o pagkakakilanlan ang ating bansa. Sa pag-aaral nito, mas natutuklasan natin ang
realidad sa ating lipunan, mas nagkakaroon tayo ng muwang sa kung anong klaseng pamumuhay mayroon
ang iba’t ibang klase ng tao, ang mga tradisyon at kultura na maaari pang maisalba dahil minsan na itong
naging bahagi ng ating mayamang kasaysayan, mas mapahusay at mapamahal sa ating sariling sining,
nabibigyan din ng pagkakataon upang maipakilala sa iba ang lahing ating pinagmulan at marami pang iba.
Sa mabilis na pag-usbong ng ating lipunan, nagbabago-bago ang mga paraan kung paano nagiging
malikhain sa sining ang mga tao, kaya naman mas napapalalim ang pag-aaral sa panitikan, mas
nagkakaroon ng kamalayan ang mga lalong nagsasanay nito, lalo na sa katulad kong nag-aaral. Sa
pamamagitan nito mas nalalaman at nakikilala ko ang nakaraan, sa mga sining na likha ng ating mga
ninuno, mas nabibigyan ko ng pagpapahalaga at mas nagagamit ko pa ito upang mas mapabuti ang aking
pag-aaral dahil nagbibigay daan ang nakaraan sa pag-unlad ng kasalukuyan. Mas nakikilala ko rin ang
aking sarili, sapagkat sa pamamagitan ng pagsusulat o pagbabasa napagninilayan ko kung ano ang mga
marapat ko pang baguhin sa aking sarili at gayun din naman nababatid ko ang mga nais ko pang gawin sa
buhay. Nakakatulong din ito upang magkaroon ang direksyon ang aking buhay, nang sa gayon mas
magsumikap pa ako bilang isang mag-aaral, at balang araw makatulong sa sariling bayan.
2. Ayon sa iyong nabasang blog post ni Paoloabacado ukol sa
panitikan bilang isang malikhaing sining, ikaw ba ay sumasang-ayon
o hindi sa kanyang mga ideya? Bakit?
Uri ng Panitikan
Anyo ng Panitikan
1. Tuluyan o prosa (prose) - Paggamit ng mga salita sa isang pangungusap na walang kinakailangang
pagtutugma o pagbilang ng mga pantig upang magkaroon ng parehong tunog sa huli ng tauludtod.
01 02 03 04 05 06 07
Awit/Korido at Kantahin
Tulang Pasalaysay
Salawikain)
Bugtong
Tanaga
Patula
Epiko
Balad
Kahalagahan ng Panitikan
Ang panitikan ay nagsisilbing tulay para makuha at mabatid natin
ang kaugnayan ng kasalukuyan sa nakaraan, upang sa ganoon
maharap natin ang darating ng may lakas at talino.
Sa kasalukuyan, iba’t ibang paksain sa iba’t ibang anyo ng
panitikan ang patuloy na pumailanlang. Ito ay dahil sa higit na naging
malawak ang karanasan ng mga Pilipino bunga ng maraming
pangyayari sa ating bansa. Mababatid na sumasabay ang panitikan
sa modernisasyon ng mundo sa pabago-bagong aspeto ng
teknolohiya at internet. Ang modernisasyon na ito ang nagluwal sa
makabagong anyo sa pamamaraan ng pagtula, pagkukuwento at iba
pang anyo ng panitikan.
Dahil dito, nagiging isang kasangkapan ang Panitikan upang
masalamin ang kultura at pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan
upang mas maintindihan ito ng mga sususnod na henerasyon.