Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 11

TULA AT MGA

ELEMENTO NITO
Ano ang Tula?

Ang Tula ay ang pinakamaikling uri


ng panitikan. Binubuo ito ng mga
salitang
maingat na pinili upang maipakita ang
isang kaisipan at nararamdaman. Ito ay
inilalahad sa iba’t ibang uri o paraan.
Tula
Ang tula ay isang paglikha. Mula ito sa
salitang Griyego na poiesis ( poem), na
nangangahulugang “paglikha o paggawa.”
Ngunit kaiba sa mga pang-araw-araw na
gawain na kailangang gampanan, ang
pagtula ay hindi lamang simpleng paggawa,
o pagtapos ng isang gawain.Dahil ito ay
malikhain, kailangang ang sapat na panahon
upang makapagnilay ang makata sa
paksang nais niyang tulaan.
Bakit kawili-wili ang pagbabasa ng tula?

Ang bawat saknong ng


tula ay may tugma at
ritmo na naggaganyak sa
mga mambabasa na
kawilihan at maibigan ito.
Sukat - ang tawag sa bilang ng
pantig sa bawat taludtod ng tula.

Saknong - ang tawag sa grupo


ng mga salita na may dalawa o
higit pang taludtod na bumubuo
sa tula.
Mga Elemento ng Tula
1.Tagapagsalaysay (speaker)
Ang tagapagsalita o
nagsasalaysay ng tula.

2.Tagapakinig (audience)
Tao o mga taong kinakausap ng
nagsasalita.
Mga Elemento ng Tula

3. Paksa (topic)
Ang pangkalahatan o tiyak na
paksa ng tula.

4. Tono (tone)
Tumutukoy sa saloobin ng may
akda ukol sa paksa ng tula.
Mga Elemento ng Tula

5. Tema (theme)
Tumutukoy sa pahayag ng may-akda

hinggil sa paksa ng tula.

6. Diksyon (diction)
Tumutukoy sa pagpili ng may-akda
ng mga salitang gagamitin sa tula.
Mga Elemento ng Tula
7. Sintaks o Palaugnayan (syntax)
Ang pagsasa-ayos ng mga salita, parirala
at mga sugnay na ginamit sa tula.

8. Matalinhagang Paglalarawan
(imagery)
Mga salita o pariralang ginamit ng may-
akda upang matulungan ang mambabasa
na mailarawan sa isip ang mga
sumusunod na pandama: pang-amoy,
paningin, panlasa, pandinig at
pandamdam.
Mga Elemento ng Tula
9. Tayutay (figures of speech)
Tumutukoy sa mga patulang salita na
ginagamit upang ang dalawang bagay
o larawan ay mapagtulad upang
gawing kawili-wili at makahulugan ang
pananalita.
10. Tunog (sound)
Ang paggamit ng mga patinig,
katinig, diin at kombinasyon ng tatlo.
11. Ritmo (rhythm)
Ang pag-uulit ng diin sa tula.
TAKDANG ARALIN

PAG-ARALAN ANG IBA’T


IBANG URI NG TAYUTAY

You might also like