Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

Araling Panlipunan 6

Quarter 3 Week 3 Day


3
Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang mas malalim na pag-unawa at
pagpapahalaga sa pagpupunyagi ng mga Pilipino
tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at hamon
ng kasarinlan.
Pamantayan sa Pagganap
Nakakapagpakita ng pagmamalaki sa
kontribusyon ng mga nagpunyaging mga
Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at
hamon ng kasarinlan.
Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga pangunahing
suliranin at hamon sa kasarinlan
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Layunin
Naipaliliwanag ang epekto ng
“Colonial Mentality” pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Aralin:
Epekto ng Colonial
Mentality pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Balitaan:
Balik-Aral:

Ano ang ibig sabihin


ng Malayang
Kalakalan?
.
Produktong gawa sa Pilipinas
Produktong yari sa ibang bansa
May pagkakaiba ba ang
mga larawan?
Ano-ano ang mga
pagkakaibang ito?
Video
Presentation
Gabay na Tanong:

•Ano ang nilalaman ng video presentation na


iyong pinanood?
•Magbigay ng epekto ng colonial mentality sa mga
Pilipino.
•Sa panahon natin ngayon makikita parin ba ang
mga epektong ito?
•Magbigay ng mga patunay o halimbawa.
Hatiin sa lima na pangkat ang mga mag-aaral.
Isasadula nila ang mga epekto ng colonial
mentality sa mga Pilipino.
 
Pangkat 1: Rap
Pangkat 2: Akting
Pankat 3: Kanta
Pangkat 4: Tula
Pangkat 5: Drawing/Poster
Gamitin ang
RUBRICS
•Batay sa isinadula ng Pangkat 1 Ano ang
epekto ng colonial mentality sa
ekonomiya ng Pilipinas?
•Ano naman ang epekto ng isinadula ng
Pangkat 2? Pangkat 3? Pangkat 4?
Pangkat 5?
Tangkilikin ang Sariling Atin
Sa panahon ngayon na ang mundo na ay lumalawak
na sa bawat Pilipino, dahil sa paglaganap ng
makabagong teknolohiya. Kahit hindi mo pa
napupuntahan ang isang lugar ay para na ring
narating mo na ito. Gayundin sa pagbili ng
produkto, kahit nasaan man ito, ang anumang
produkto ay napakadali nang mabili, dahil sa online
shopping, sa Pilipinas man o sa ibang bansa.
Sa mga kaganapang ito, ang mga produktong
Pilipino ay kinakailangan ng
makipagkompetisyon sa mga produktong
inaalok o itinitinda sa mga merkado sa
kasalukuyan. Kadalasan, ang mga produktong
Pilipino ay naisangsantabi o nababalewala ng
mga Pilipino. Kadalasan, napapansin kong
masyado ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa
mga imported goods.
Ayos lang naman, iyon, kung ang dahilan nito ay
ang pagkagusto sa mga produktong imported ay
ang kwalidad at ganda nito, ngunit ang hindi
katanggap- tanggap na dahilan kung bakit mas
pinipili ng mga Pilipino ang produkto ng ibang
bansa ay ang kanilang labis na paghanga sa mg
dayuhan, partikular sa mga bansa sa kanluranin
o tinatawag na kolonyal na pag-iisip o colonial
mentality.
Hindi pa iyan ang nakikita kong pinakamalungkot at
masamang epekto ng hindi pagtangkilik sa sariling
atin. Ang pinakamasakit ay nawawala ang
identidad ng mga Pilipino at kasama na ang
paglalaho ng matagal nang naghihingalong
nasyonalismo ng bansa. Ang masakit pa, kahit
anong paghanga at kabutihan ang ginagawa ng
mga Pilipino sa mga Amerikano at iba pang
dayuhan, mababa pa rin ang tingin nila sa atin,
second class citzen lang
Pagbuo ng Konsepto:

Hindi maitatanggi ang epekto ng


Colonial Mentality sa Pagkamakabansa at
Pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Paglalahat

Mayroong masama at mabuting


epekto ang Kaisipang Kolonyal o
Colonial Mentality sa ating bansa.
Paglalapat
Sa tsart, magbigay ng masasama at mabubuting
epekto ng kaisipang kolonyal sa ating bansa.
MABUTI MASAMA
Subukin Natin

Quit
Isulat ang tama kung ang
ipinahahayag ng
pangungusap at tama at
mali kung mali.
________ 1. Ang Colonial Mentality ay pagtangkilik sa
produkto ng mga Pilipino.
________2. Bumababa ang Ekonomiya ng Pilipinas kapag
tinangkilik natin ang produkto ng ibang bansa.
_______3. Bumili ng produkto ng ibang bansa dahil ito
ay matagal masira.
________4. Huwag tangkilikin ang sarili nating produkto.
________5. Pahalagahan ang produkto ng ibang bansa
para tumatag ang pakikipagkaibigan natin sa kanila.
V. Takdang Aralin
Ibigay ang kahulugan ng
Soberanya at ano ang
kaugnayan ng kalayaan nito
sa ating bansa?

You might also like