Ang Pinagmulan NG Daigdig

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Noong unang panahon, nagsimula ang

lahat kina Kalangitan at Katubigan sila


ay nagkaroon ng dalawang anak. Na
pinangalanan nilang Langit at Tubigan.
Si Langit ang kinilalang diyosa ng kalawakan
at si Tubigan ang diyos ng katubigan. Sina
Tubigan at Langit ay nagpakasal at nagkaroon
din sila ng dalawang anak.
Sila ay sina Karagatan at Paros, si Karagatan
ang naging Diyosa ng karagatan at si Paros
ang naging Diyos ng hangin,
Lumaon, ay nagpakasal din sina Paros at
Karagatan. Apat ang naging mga supling nina
Karagatan at Paros. Tatlo sa mga ito ang lalaki
at nag-iisa ang babae. 
Ang panganay ay pinangalanan nilang
Dagat, isang makisig at malakas na lalaki. 
Sumunod sa kanya si Adlaw, isang
masayahing lalaki na may katawang ginto. 
Kulay tanso ang katawan ng sumunod na si
Bulan ngunit mahina ito. 
Ang tanging babae, ay si Bitoon, siya ay
kulay pilak at may magandang tindig. 
Nang mamatay sina Paros at Dagat ay
inalagaan nina Langit at Tubigan ang kanilang
mga apo. 
Dahil patay na ang mga magulang ay naging
ambisyoso si Dagat lalo pa at napunta sa
kanya ang kapangyarihan sa hangin.
Ibig niyang sakupin ang kaharian ng lolang si
Langit. Napapayag niya ang dalawang kapatid na
sina Bulan at Adlaw na sumama sa kanya.
Pinakawalan ni Dagat ang hangin upang
puwersahang mabuksan ang kaharian ni Langit.
Sinira niya ito kasama sina Bulan at Adlaw.
Sa galit ni Langit, ay nagpakawala siya ng tatlong
kidlat laban sa suwail niyang mga apo. Agad na
natunaw sina Bulan at Adlaw
Si Dagat naman ay nahulog sa ibaba. Sa
kasamaang palad ay tinamaan din ng kidlat si Bitoon
kung kaya’y nagkapira-piraso.
Pinagbintangan ni Langit ang asawang si Tubigan.
Aniya ay ito ang nag-utos upang salakayin siya ng
kanilang mga apo. Itinanggi iyon ni Tubigan.
Nagkasamaan man sila ng loob ngunit napawi rin,
lalo’t napatunayan ni Langit na walang kinalaman si
Tubigan sa ginawa ng mga apo.
Nagpasya ang mag-asawa na pagkalooban nalang
ng liwanag ang kanilang mga apo dahil hindi na rin
nila mabubuo pa ang katawan ng mga ito na
winasak ng mga kidlat.
Si Dagat ay ginawa nilang lupain.
 Si Bulan ay ginawa nilang buwan
Si Adlaw ang naging araw
At si Bitoon ang naging mga bituin
At dahil dito ay nabuo ang isang natatanging
lugar, na nagbibigay ng buhay na tinawag na
mundo.

You might also like