DEMORat

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

• Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.

Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga


kaugnay na batas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan.

• Dagdag naman nina Mangahis et al (2005): “Ang


wika ay may mahalagang papel na ginagampanan
sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na
ginagamit sa maayos na  paghatid at pagtanggap
ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.”
TEORYA NA
PINAGMULAN NG WIKA
TORE NG BABEL
Nagkaroon ng panahon kung saan ang wika ay iisa
lamang. Napag-isipang magtayo ng isang tore upang
hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang
Panginoon.

Nang malaman ito ng Panginoon, bumababa Siya at


sinira ng tore.

Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang


tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya
nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.
TEORYANG BOW -WOW
Ginagaya nila ang tunog na nililikha
ng mga hayop gaya ng tahol ng aso,
tilaok ng manok at huni ng ibon.
Ginagaya naman daw ng tao ang
tunog ng kalikasan at paligid gaya ng
pagtunog ng kampana, patak ng ulan at
langitngit ng kawayan.
TEORYANG YOO HE YO
Pwersang pisikal

Nakakalikha ng tunog sa
tuwing nagpapakita ng pwersa
TEORYANG POOH -POOH
Nakalilikha ng tunog sanhi ng
bugso ng damdamin.

Gamit ang bibig, napabubulalas ang


mga tunog ng pagdaing na dala ng
takot, lungkot, galit, saya at paglalaan
ng lakas.
TEORYANG TA -TA
 Salitang Pranses na nangangahulugang
paalam.

 Ginagaya ng dila ang galaw o kumpas


ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa
bawat partikular na okasyon tulad ng
pagkumpas ng kamay ng pababa at pataas
tuwing nagpapaalam.
TEORYANG DING DONG
 May sariling tunog na
kumakatawan sa lahat ng bagay sa
kapaligiran.

 Halimbawa:
tsug- tsug ng tren, tik- tak ng orasan
TEORYANG
TA – RA – RA –BOOM DE -AY
Ang wika ng tao ay nag –ugat sa
mga tunog na kanilang nilikha sa
mga ritwal.
Halimbawa:
pagsayaw, pagsigaw at incantation o
mga bulong na ginagawa tuwing
makikidigma, pagtatanim at iba pa.
MAKABAGONG TEORYA
Teoryang Mama
 Nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling
pantig ng pinakamahahalagang bagay.

 Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi


niya masasabi ang salitang motherngunit dahil ang
unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga
diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang
panumbas sa salitang mother.
Teoryang Sing-song

 Iminungkahi ng linggwistang si
Jesperson na ang wika ay nagmula
sa paglalaro, pagtawa, pagbulong
sa sarili, panliligaw at iba pang mga
bulalas-emosyunal at ang mga
unang salita ay sadyang mahahaba
at musikal
Teoryang Hey you

Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na


bunga ng interpersonal na kontak o pagtawag
ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika.

Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga


tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan
(Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas
din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o
sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang
kontak.
 
Teoryang Coo Coo
Ang wika ay nagmula sa mga tunog na
nalilikha ng mga sanggol.

Ang mga tunog daw na ito ang ginaya


ng mga matatanda bilang pagpapangalan
sa mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa
paniniwala ng marami na ang mga bata ang
nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
Teoryang Yum Yum

 Katulad ng teoryang ta-ta, pinag-uugnay


ng teoryang ito ang tunog at kilos ng
pangangatawan.

 Katulad halos ng teoryang ta-ta ang


paliwanag ng mga proponent ng teoryang
ito sa pinagmulan ng wika.
KAANTASAN NG
WIKA
A. PORMAL
B. IMPORMAL
A. PORMAL
• Ito ang mga salitang
istandard dahil kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng
higit na nakakarami lalo na ng
mga nakapag – aral ng wika.
1. PAMBANSA
• Ang mga salitang karaniwang ginagamit sa
mga aklat pangwika/ pambalarila sa lahat ng
mga paaralan.

• Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng


pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.

• Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan


2. Pampanitikan o Panretorika

• Ito naman ang mga salitang ginagamit


ng mga manunulat sa kanilang mga
akdang pampanitikan.
• Ito ang mga salitang karaniwang
matatayog, malalim, makukulay at
masining.
B. IMPORMAL

• Ito ay antas ng wika na karaniwan,


palasak, pang araw-araw, madalas
gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan
1. Lalawiganin
• Ginagamit ito sa mga partikular na pook o lalawigan
lamang.

• Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono o


ang tintawag ng marami na punto.

• Halimbawa:

Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)


Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
2. Kolokyal
• Ito’y mga pang – araw –araw na salita na
ginagamit sa mga pagkakataong inpormal.

• Maaring may kagaspangan ng kaunti ang salita


ngunit maari rin itong refinado ayon sa kung
sino ang nagsasalita.

• Ang pagpaaikli ng isa, dalawa o higit pang salita


lalo na sa pasalitang komunikasyon ay mauuri
rin sa antas nito.
Halimbawa:
• Nasan,
• pa`no,
• sa’kin,
• Kelan
• Meron ka bang dala?
3. Balbal
• Ito ang tintawag sa Ingles na slang.
• Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang
antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.

Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)

You might also like