Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

PAG-UULAT

SA
ARALING PANLIPUNAN
GRADE 8
PAG-USBONG NG
BOURGEOISIE
BOURGEOISIE
Ang terminong Bourgeoisie ay iniuugnay sa mga
mamamayan ng mga bayan sa Medieval France
na binubuo ng mga artisano at mangangalakal.
Ang mga artisano ay mga manggagawang may
kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang
maaaring may partikular na gamit o
pandekorasyon lamang.
MEDIEVAL FRANCE
Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga
bourgeoisie sa pamumuhay ng aristokrasya, mga
magsasaka, o mga pari. Ang daigdig nila ay hindi manor
o simbahan kundi pamilihan. Hindi nakatali ang mga
kasapi ng uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang
kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa
industriya at kalakalan. Ang mga artisan, halimabawa ay
naninirahan sa nabuong pamayanan. Hindi sila
nakadepende sa sistemang pyudal at binabayaran sila sa
kanilang paggawa.
Sa ika-17 at ika-18 siglo, sinuportahan ng bourgeoisie ang mga
prinsipyo ng konstitusyonalidad at likas na karapatan (natural
right) laban sa banal na karapatan (divine right). Ang likas na
karapatan ay unibersal na karapatan gaya ng karapatang mabuhay
ng may kalayaan. Ang banal na karapatan ay nagtatakda na ang
hari ay hindi napapasailalim sa anumang kapangyarihan dahil ang
kapangyarihan niya ay nanggagaling sa diyos. Samantala, ang
konstitusyonalidad ay isang kondisyon kung saan ang isang tao,
grupo ng tao o bansa ay kumikilos batay sa isinasaad ng
konstitusyon o saligang batas. Ang liberalismo ay paniniwalang
nag-ugat sa Europe na binibigyang-diin ang karapatan ng
indibidwal.
PAG-IRAL NG MERKANTILISMO
Ang Merkatilismo ay isang sistema na ang pangunahing mga layunin ang politikal.
Ang mga layuning ito ay ang magkaroon ng malaking kitang magbibigay-daan upang
ang hari ay makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang kanyang hukbo, at
magkaroon ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig.
Ang doktrina ng bullionism ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng
doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang
metal sa loob ng hangganan nito.
Isang elemento ng merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mga
nation-state ay ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko. Ibig sabihin nito, kayang
tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan. Kaakibat ng merkantilismo
ang konsepto ng paternalismo. Isa itong sistema ng pamamahala kung saan ang
pamahalaan ay namamahala naq parang ama sa kanyang mamamayan.
Malaki ang naitulong sa pagtatatag ng national monarchy o pambansang
monarkiya sa paglakas ng Europe. Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo,
walang sentralisadong pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari. Ang hari ay
itinuturing lamang na pangunahing panginoong maylupa.
Subalit nagbago ang katayuan ng monarkiya sa tulong na mga bourgeoisie. Ang
hari na dating mahina ang kapangyarihan ay unti-unting namayagpag. Bilang resulta,
ang katapatan ng mamamayan ay lumipat mula sa panginoong maylupa tungo sa
pamahalaan na may kakayahang protektahan sila. Handa silang magbayad ng buwis
para sa proteksiyong ito.
Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang mag-bayad ng mga
sundalo. Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinibigay ng
mga knight ng panginoong maylupa.
PAGSUSULIT
TAMA O MALI
Isulat ang tama kung Tama ang pahayag at Mali kung mali ang pahayag.

1.Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan.


2. Naging isang makapangyarihang pwersa bourgeoisie sa Europe.
3.Sa unang bahagi ng ika- 17 na siglo sumikat ang mga bourgeoisie.
4.Sila ay nakadepende sa sistemang pyudal.
5.Ang mga artisan ay mangangalakal.
6.Ang Merkantilismo ay isang Sistema na ang pangunahing layunin ay politikal.
7.Isang element ng Merkantilismo na naka tulong sa pabuo at paghina ng mga nation – state ay
ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko.
8.Malaki ang naitulong sa pagtatag ng National Monarchy o pambansang monarkiya sa paghina
ng Europe.
9.Bilang resulta, ang katapatan ng mamamayan ay lumipat mula sa panginoong maylupa tungo sa
pamahalaan na may kakayahang protektahan sila.
10.Sa tulong ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang mag bayad ng mga sundalo.
PANUTO:
Piliin sa loob ng kahon ang sagot sa mga tanong.
1.Ito ay iniuugnay sa mga mamamayan sa Medieval France.
2.Dito nanggaling ang yaman ng bourgeoisie.
3.Sila ang tinatawag na mga bourgeoisie.
4.Sila ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng kagamitang
pangdekorasyon.
5.Dito ang daigdig ng bourgeoisie.

Bourgeoisie Pamilihan
Artisan Medieval France
industriya

You might also like