Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 84

SINTAKSIS

(PALAUGNAYAN)
Sintaksis / Sintaks /
Palaugnayan
-pagsasama- sama o pag-uugnay ng mga salita upang
bumuo ng pangungusap.
-pag-aaral ng palatanungan, palabuuan at talasalitaan;
-mga pagsasanay tungkol sa pagpili ng maayos na
pangungusap, na may isa lamang maliwanag na
kahulugan
Pangungusap Ayon sa Tungkulin
• 1.Paturol o Pasalaysay / Declarative
• 2. Patanong/ Interrogative
• 3. Pautos / Imperative
• 4. Padamdam / Exclamatory
1.Paturol o Pasalaysay /
Declarative
- pangungusap na nagsasabi o nagpapahayag ng
isang bagay na paturol o pasalaysay. Ito ay maaaring
nasa karaniwang ayos na gaya ng mga pangungusap na
sumusunod. Ang bantas na ginagamit sa pangungusap
na pasalaysay ay tuldok
Paturol o Pasalaysay /
Declarative
Hal:
a. Siya ay tanghaling dumating.
b. Maraming magagandang pook sa Pilipinas.
2. Patanong/ Interrogative
– pangungusap na nagtatanong ng isang bagay o
mga bagay. Gumagamit ng tandang pananong (?).
Hal:
Kailan ang kaarawan mo?
Saan nagtungo si Kaye?
Dadalaw ka ba sa ospital?
3. Pautos / Imperative
- pangungusap na nag-uutos upang gawin ang isang
bagay. Ito ay may dalawang uri.
Hal:
Pedro, tawagin mo si Nene.
Samahan mo si Lea, Pat.
• Ang ikalawang uri ng pangungusap na pautos ay
yaong nakikiusap na gawin ang isang bagay. Ang uri ng
pauos na ito’y karaniwang gumagamit ng panlaping
ipaki at ng salitang maaari.
Hal:
Pakibigay mo nga ang litratong ito kay Kathy.
Maaari bang buksan mo ang pinto, Nelia
4. Padamdam / Exclamatory
-pangungusap na nagpapahayag ng dikaraniwang
damdamin. Ang pangungusap na ito ay maaaring
magpahayag ng malaking galak , takot , galit, o kaakit-
akit . Ginagamitan ng tandang padamdam (!).
Hal:
Mayaman na ako ngayon!
Nakamit ko na ang tagumpay!
Mga Pangungusap
na
Walang Paksa
1.Pangungusap na
Eksistensyal

- nagpapahayag ng pagkakaroon ng isa o


higit pang tao, bagay, at iba pa.
Pinangungunahan ito ng may o mayroon .

Hal: May mga turista ngayon sa Baguio.


2. Pangungusap na Pahanga

-nagpapahayag ng damdamin ng paghanga.


Hal:
Kay gara ng bago mong damit.
Ang bait mo pala.
3. Mga Maikling Sambitla
- tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig
na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Hal:
Aray!
sunog!
Ay!
4. Mga Pangungusap na
Pamanahon
- nagsasaad ng oras o uri ng panahon.
Hal:
alas-tres
malamig ngayon
umaaraw
tanghali na  
5. Formulasyong Panlipunan
-mga pagbati, pagbibigay-galang, at iba pa na
nakagawian na sa lipunang Pilipino.
Hal:
Magandang gabi po.
Tao po.
Mano po.
Makikiraan po.
GRAMATIKA
Gramatika
- ay pinangangalagaan ang kawastuhan para maging
malinaw ang pagpapahayag.
- ang gramatika ay may kaugnay sa pag aaral at uri ng
mga salita, tamang gamit ng mga salita at tamang
pagkakaugnay – ugnay ng mga salita sa pahayag upang
makabuo ng malinaw nakaisipang pang - gramatika
MARAMING SALAMAT!
TALASALITAAN
Talasalitaan
- ang talasalitaan ay tinatawag ding vokabolaryo ay
ang pangkat ng mga salita na nasa loob ng isang wika
na pamilyar sa isang tao. Ang talasalitaan ay
karaniwang umuunlad na kaalinsabay ng edad, at
nagsisilbing gamitin at pundamental na kasangkapan
para sa komunikasyon at pagkakamit ng kaalaman.
- pagkatuto ng isang pangalawang wika.
Halimbawa:
1. Ang maliit na aso ay pumuslit mula sa loob ng
bahay at kumaripas patungo sa halamanan.
Tumahol
tumakas
pumasok
naglakad
2. Nayamot ang lalaki dahil sa dami ng mga langaw
kaya sinubukan niya itong bugawin.

Patayin
kainin
paalisin
hulihin
3. Maraming bagay na inatupag si Michelle para sa
sorpresang piging kung saan paparangalan ang kanyang
nanay.

regalo
biyahe
panauhin
salu-salo
4. Dahil sa haka-haka na darating si Kris Aquino,
dumagsa sa plaza ang mga tagahanga niya.

prueba
pala-palagay
balita sa radyo
payo
5. Ang kuwintas ni Maria na likha sa mga sigay ng
aming dalampasigan ay napakaganda.

bato
tansan
bola
kabibe

You might also like