Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Mga Tulang Lumaganap

Noong Panahon ng mga


Espanyol
• Sinasabing nang dumating ang mga Espanyol sa ating kapuluan ay
marunong nang bumasa at sumulat ang ating mga ninuno.
• Subalit nang ilunsad ng mga Espanyol ang kanilang abecedario, halos
biglang naging mangmang ang mga katutubong Pilipino.
Korido
• Ito ay mga tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa
taludtud at nagtataglay ng mga paksang kababalaghan at malaalamat
na karamiha’y hiram hiram at halaw sa paksang Europeo na dala rito
ng mga Espanyol.
• Hindi lubos na nakilala ang mga sumulat ng korido maliban kina Jose
dela Cruz at Ananias Zorilla.
• Ang pinakatanyag na halimbawa nito ay ang Ibong Adarna
halimbawa:

O, Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit
liwanagan yaring isip
nang sa layo’y di malihis
Awit
• Ito ay isang tulang romansa (metrical romance) na may sukat na
labindalawang pantig bawat taludtud na kalimitang ang pangunahing
paksa ay tungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay.
• Ang Florante at Laura ni Francisco Baltazar ang isa sa pinakatanyag
na awit na lumaganap sa bansa.
halimbawa:
Kung pagsaulan kong basahin sa isip
Ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
May mahahagilap kayang natititik
Liban na kay Selyang namugad sa dibdib
Tulang Patnigan (Justice Poetry)
• Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng magkakatunggaling makata
ngunit hindi sa paraang padula.
• Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at tulain.
• Ang tulang ito ay may iba’t ibang uri: Duplo at Karagatan
Duplo
• Ito ay pagtatalo rin na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas.
• Ang mga katwirang ginagamit dito ay karaniwang hango sa mga
salawikain, kawikaan, at kasabihan.
• Pinasisimulan ang paligsahang ito sa pamamagitan ng pag-usal na
isang “Ama Namin,” isang “Aba Ginoong Maria,” at isang
Rekyemeternum para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan.
Karagatan
• Isang paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa mga luksang
lamayan o pagtitipong parangal sa isang yumao na bago pa man
dumating ang mga Espanyol ay ginagawa na ng ating mga ninuno.
• Ang paksa nito ay pumapatungkol sa isang alamat na nauukol sa
singsing ng isang dalagang diumano’y nahulog sa gitna ng karagatan.
• Ito ay binubuo ng mga saknong na apatang taludtod at labindalawang
pantig.
Tulang Pauroy (Farce in Poetry)
• Ito ay isa pa ring anyo ng tulang dula na ang itinatanghal ay mga
pangyayaring lubhang katuwa-tuwa.
• Ang balangkas nito ay higit na katawa-tawa kaysa makatwiran.
• Magandang halimbawa nito ang “La India Elegante y El Negrito
Amante” ni Francisco Balagtas na isang saynete o iisahing yugtong
parsa.
Mga Tulang
Lumaganap
Noong Panahon ng
mga Hapones
• Sa aklat ng kasaysayan ay makikitang nasakop ng mga Hapones ang
Pilipinas noong taong 1941 hanggang 1945.
• Tinawag ang panahong ito sa kasaysayan na “Panahon ng Kadiliman”
sapagkat sa yugtong ito ng kasaysayan labis na nakaranas ng
matinding hirap, paniniil, kalupitan, at karahasan ang ating mga
ninuno sa kamay ng mga Hapones.
• Gayundin sa panahing ito nabalam ang pag-unlad ng panitikang
Pilipino sapagkat ipinatigil ng mga Hapones ang paglathala ng mga
pahayag at magasin maliban sa Tribune at Philippine Review.
• Ang wikang Niponggo, kulturang Hapones, at wikang Pilipino ang
ipinaturo lamang sa mga paaralan.
Dalawang natatanging tula sa panahon ng
Hapones
Haiku
• Ito ay isang uri ng tulang binubuo ng labinpitong pantig na nahahati sa
tatlong taludtud.
• Ang unang taludtud ay binubuo ng limang pantig; ang ikalawang
taludtod ay may pitong pantig, at ikatlo ay may lima ring pantig tulad
na unang taludtod.
Halimbawa ng Haiku na isinulat ni Gonzalo K. Flores sa
magasing Liwayway noong 1943

Tutubi Anyaya

Hila mo’t tabak… Ulilang damo


Ang bulaklak nanginig Sa tahimik na ilog
Sa paglapit mo. Halika, sinta.
Tanaga
• Ang uri ng tulang ito ay pinasikat ni Ildefonso Santos noong panahon
ng Hapones.
• Ang tanaga ay kaiba sa Haiku sapagkat ito ay may sukat at tugma.
• Ayon kay Juan de Noceda at Pedro Sanlucar sa Vocabulario de la
Lengua Tagala, ang tanaga ay isang uri ng tulang napakataas sa
wikang Tagalog na binubuo ng pitong pantig ang bawat taludtud.
• May apat na taludtod sa bawat saknong at ito ay hitik na hitik sa
talinghaga.
Narito ang dalawang halimbawa na isinulat ni Dr. Manuel na naitala sa
Ang Tanaga sa Panulaang Tagalog at Pilipino

“Alipusta kayuro; “Lunsad na sa bakood;


kung sino ang kasuno yayamang pa sa bundok.
ng aso’y di kasundo; Bakit mararagosgos?
Ako’y iyong ituro.” walang kukong ikamot.”

You might also like