matinding pagsisiyasat. Kailangan pumili ng batis ng impormasyon, pangangalap at pagbabasa ng impormasyon, pag-uugnay ugnay at pagbubuod ng nakalap na impormasyon at magbuo ng sariling pahayag ng kaalaman” Pero kung bubuksan pa natin ang ating isipan sa mas malawak na pagtanaw sa buhay, madaling yakapin ang kultura ng pananaliksik sa kadahilanan na: 1. Usapin ng kaugalian - mahirap gawin ang pananaliksik dahil hindi natin nakagawian. - kung nakasanayan natin magsaliksik ng maayos kahit simpleng usapin, ito ay magiging karaniwan na sa atin. 2. Usapin ng responsableng pakikipagkapwa - sa lipunang Pilipino, ang pakikipagkapwa ay taal at mahalagang salik ng ating gawaing pangkominikasyon. 3. Usapin at kaayusan ng lipunan - nagsasaliksik tayo para sa pagbabago sa kapwa-tao at kanyang daigdig. • Samakatuwid, para maging kawiliwili ang pananaliksik, umigpaw tayo sa mga kalakarang humahadlang sa ating pagyakap dito 1. Iugnay ang paksang sinusuri sa ating karanasan, kapaligiran at lipunan para ang pahayag natin ay maging makabuluhan sa atin at sa ating bayan. 2. Gamitin ang bernakular at pambansang wika upang mabasa, mapakinggan at mapakinabangan ng mga kapwa Pilipino. 3. Ibahagi ang nabuong kaalaman lalo na sa midya.