• Ito ay nakatuon sa layuning manghikayat sa pamamagitan ng
pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika. • Maaari itong tungkol sa pagtatanggol ng manunulat sa kaniyang paksa laban sa nauna, gamit ang mga ebidensiya mula sa kaniyang sariling karanasan, nabasa mula sa ibang teksto o akda, mga halimbawa buhat sa kasaysayan at pananaliksik na susuporta sa kaniyang mga argumento. Mga Uri ng Tekstong Argumentatibo 1. Pangangatwirang Pabuo – ito ay nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o paglalahat ng pangangatwirang pabuod. Nahahati ang pangangatwirang ito sa tatlong bahagi. A. Pangangatwirang gumagamit ng pagkakatulad – inilalahad dito ang magkatulad na katangian, sinusuri ang katangian, at pinalulutang ang katotohanan. B. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi – nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya ngaganap ang isang pangyayari. Mga Uri ng Tekstong Argumentatibo C. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay – napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensiyang higit na magpapatunay o magpapatotoo sa tinutukoy na paksa o kalagayan. 2. Pangangatwirang Pasaklaw – humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng isang simulang panlahat ang pangangatwirang pasaklaw. Ang silohismo na siyang tawag sa ganitong pangangatwiran ay bumubuo ng isang pangungunang batayan, isang pangalawang batayan at isang konklusyon. Elemento ng Isang Tekstong Argumentatibo Tekstong Nanghihikayat Tekstong Argumentatibo Nakabatay sa opinyon nakabatay sa totoong ebidensiya
walang pagsasaalang-alang sa may pagsasaalang-alang sa
kasalungat na pananaw kasalungat na pananaw
nanghihikayat sa pamamagitan ng ang panghihikayat ay nakabatay sa
apela sa emosyon at nakabatay ang katwiran at mga patunay na kredibilidad sa karakter ng inilatag nagsasalita, at hindi sa merito ng ebidensiya at katwiran
nakabatay sa emosyon nakabatay sa lohika
Elemento ng Isang Tekstong Argumentatibo • Isa sa mga katangiang dapat taglayin ng mabisang tekstong argumentatibo ay pagkakaroon ng pokus sa pamamagitan ng maayos na pagpapahayag ng tesis nito. • Pinakamahalagang elemento ang malinaw na pagpapahayag ng tesis nito. • Tumitibay ang argumento sa pamamagitan ng mga suportang pahayag na naglalaman ng mga ebidensiya o patunay ng argumento. Elemento ng Isang Tekstong Argumentatibo • Isa pang elemento ay ang kakayahang matukoy ang pagkakaiba ng opinyon at katotohanan at masuri kung balido o hindi ang ideya o pananaw. • Isa pang mahalagang kakayahan ay ang pagtukoy ng lihis na pangangatwiran. Uri ng Lihis na Pangangatwiran 1. Argumentum ad Hominem (Argumento laban sa karakter) – ang lihis na pangangatwiran sa pag- atake sa karakter o kalagayan ng isang indibidwal na sumusulong sa isang pahayag o argumento sa halip na pagnilayan ang katotohanan ng pahayag o ang katatagan ng argumento. Uri ng Lihis na Pangangatwiran 2. Argumentum ad Baculum (Paggamit ng puwersa o pananakot) – ay isang lihis ng pangangatwiran kung saan gumagamit ng puwersa o ang banta ng puwersa upang matanggap ang isang konklusyon. Uri ng Lihis na Pangangatwiran 3. Argumentum ad Misericirdiam (Paghingi ng awa o simpatya) – ay isang lihis sa pangangatwiran kung saan sinubukan ng isang tao na manalo ng suporta para sa isang argumento o ideya sa pamamagitan ng paggamit ng damdamin ng kanyang kalaban ng awa o pagkakasala. Uri ng Lihis na Pangangatwiran 4. Argumentum ad Numeram (Batay sa dami ng naniniwala sa argumento) – ang paninindigan sa katotohanan ng isang argumento ay batay sa dami ng naniniwala rito. Uri ng Lihis na Pangangatwiran 5. Argumentum ad Igonarantiam (batay sa kawalan ng sapat na ebidensiya) – Ito ay nagpapahiwatig na ang panukala ay totoo dahil hindi pa ito napatunayan na mali o ang panukala ay hindi totoo dahil hindi pa ito napatunayan na totoo. Uri ng Lihis na Pangangatwiran 6. Cum Hoc ergo propter Hoc (batay sa paguugnay ng dalawang pangyayari) – ang pangangatwiran ay batay sa sabay na pangyayari; ang isa ay dapat dahilan ng isa o may ugnayang sanhi at bunga agad ang dalawang pangyayaring ito. Uri ng Lihis na Pangangatwiran 7. Post Hoc ergo propter Hoc (batay sa pagkakasunod ng mga pangyayari) – ay isang lohikal na lihis na pangangatwiran na nagsasaad na "Dahil ang kaganapan Y ay sumunod sa kaganapan X, ang pangyayari Y ay dapat na sanhi ng kaganapan X." Uri ng Lihis na Pangangatwiran 8. Non Sequitur (Walang Kaugnayan) – ay isang konklusyon o tugon na hindi sumusunod sa lohika mula sa nakaraang pahayag. 9. Paikot-ikot na pangangatwiran (Circular Reasoning) – ay isang lihis na pangangatwiran kung saan ang dahilan ay nagsisimula sa kung ano ang sinusubukan nilang tapusin. Uri ng Lihis na Pangangatwiran 10. Padalos-dalos na Paglalahat (Hasty Generalization) – ay isang lihis na pangangatwiran kung saan ang isang konklusyon ay hindi makatwiran sa pamamagitan ng sapat o walang patas na katibayan. Gabay sa Pagbabasa ng Tekstong Argumentatibo • Paghahayag ng tesis at balangkas ng teksto – Paano sinimulan ang teksto? – Angkop ba sa paksa at tono ng isinulat? – Nakakukuha ba ng interes ng mambabasa ang panimulang bahagi ng teksto? – Ano-anong impormasyon ang ibinigay na nakatulong para lalong maunawaan ang argumento ng may-akda? – Ano ang ipinahahayag ng tesis? – Ano ang ipinahahayag na panig at mga inilahad na ebidensiyang susuporta rito? – Nakaayos ba ang katawan ng teksto at natatalakay ang bawat ebidensiyang binanggit? Gabay sa Pagbabasa ng Tekstong Argumentatibo • Tibay ng Argumento – Ano-ano ang suportang detalye at karagdagang impormasyong ginagamit upang talakayin ang bawat ebidensiyang binanggit? – Ano-anong impormasyong batay sa estatika, pananaliksik, at karanasan ang ibinigay ng teksto bilang karagdagang detalye sa pagtalakay ng mga ebidensiya? – Sa ano-anong uri ng sanggunian nagmula ang mga batayang ito? – Nakatulong ba ang mga detalyeng ito na pagtibayin ang talakay sa ebidensiya? – Mayroon bang ipinahayag na lihis na pangangatwiran ang teksto? Gabay sa Pagbabasa ng Tekstong Argumentatibo • Bisa ng panghihikayat ng teksto – Matapos ilahad ang mga ebidensiya, muli ba itong nalagom sa bandang wakas ng tekstong? – Anong reaksiyon o aksiyon ang nilalayong makuha mula sa mambabasa? – Tagumpay ba ang paggamit ng mga elemento ng panghihikayat upang makumbinsi ang mga mambabasa? – Nahikayat ka ba o ang target na mambabasa at nahimok na kumilos o napaniwala ng teksto? Paano? Mga Paalala sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo • Suriin nang mabuti ang iba-ibang panig tungkol sa isang usapin. • Mahalaga na sa introduksiyon pa lang ay makuha na ang atensiyon at interes ng mambabasa tungkol sa paksa. • Bahagi ng introduksiyon pagkatapos ng panghikayat ay ang pagbibigay ng pang-unang impormasyon tungkol sa paksa. • Sa introduksiyon din maaaring ang “pinanggagalingan” ng may-akda. Mga Paalala sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo • Pinakamahalagang unang mabuo ang pahayag ng tesis ng teksto. • Ang katawan ng teksto ay kung saan tatalakayin ang bawat ebidensiyang sumusuporta sa argumento. • Panghuli ay ang kongklusyon ng teksto upang lagumin ang mga pangunahing punto upang muling ipaalala sa mga mambabasa. Pagsusulit 1. Ang layunin ng tekstong argumentatibo ay manghikayat sa pamamagitan ng ano? 2. Magbigay ng dalawang pagkakaiba ng tekstong argumentatibo at tekstong nanghihikayat. 3-5. Magbigay ng tatlong lihis ng pangangatwiran at ipaliwanag ang mga ito.