Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Mga katangian ng

mabuting talata
1. Kaisahan
• Ang isang talata ay tumatalakay ng iisang
kaisipan o bahagi ng kaisipan. Dahil dito, hindi
ito dapat malahukan o mabahiran ng mga
kaisipang hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng
isang paksa.
• Maging ang mga pag-uugnay na parirala o
pangungusap ay dapat na piling-pili nang sa
ganoon ay hindi makasagabal o makagugulo
sa ibang sangkap na mahalaga sa ikalilinaw
ng paksa.
2. Pagkakaugnay-ugnay ng mga Pangungusap
(Coherence)

• Ang isang mabuting talata ay kakikitaan ng maayos


na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangungusap na binubuo nito. Dapat na maging
malinaw ang kaugnayan ng bawat pangungusap.
May mga pagkakataong ang isang talata ay nagtataglay
ng kaisahan sa kaisipan, subalit maaaring ang mga
pangungusap naman ay hindi magkaugnay dahil hindi
magaling at maayos ang pagkabalangkas. Tandaan na
ang bawat pangungusap ay dapat na maiugnay sa iba
pang pangungusap.
Ayon kina Edilberto K. Tiempo at Edith L.
Tiempo, may apat na paraan upang makamtan
ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap
sa loob ng isang talata:
a. Sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga
detalye sa lohikal na pamaraan.
b. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pang-ugnay
na pararila at pangungusap upang maging malinaw
ang relasyon ng isang pangungusap sa
sinusundang pangungusap.
c. Sa pamamagitan ng pag-uulit ng ilang
makabuluhang kataga o salitang nagamit sa
mga sinundang pangungusap.
c. Sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga
pangungusap sa kalagyang magkatulad upang
maging malinaw ang kanilang kaugnayan.
4. Pagbibigay-diin sa Punong Kaisipan
(Emphasis)
Bukod sa mga katangiang kaisahan at maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan, ang isang mabuting
talata ay nagbibigay- diin sa punong kaisipan. Ang punong
kaisipan ay dapat na mangibabaw sa mga ideyang pansuporta
lamang. Ito ay matatamo sa pamamagitan ng apat na paraan:
a. Paglalagay ng punong kaisipan sa unahan
ng talata, sa hulihan o dili kaya’y sa unahan
at hulihan.
b. Pagbibigay sa malaking bahagi ng mga
higit na makabuluhang detalye.
c. Pag-uulit ng punong kaisipan sa
naiibang mga salita o paraan.
d. Pagkakaroon ng pataas na pataas na damdamin
patungo sa kasukdulan; pag-aayos ng mga
detalye mula sa di-gaanong mahalaga patungo sa
higit na mahalaga.

You might also like