Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ang

batang si
Lino
Si Lino ay 10-taong gulang na batang
lalaki. Siya ay nasa ikalimang baitang
na sa Mababang Paaralan sa kanilang
bayan.
Hindi mahilig lumabas ng bahay si Lino. Palagi
lamang siya sa bahay . Madalas ay nanunuod
lamang sya ng tv at naglalaro sa kanyang Ipad.
Mas gusto niya pa maglaro ng game sa computer
kaysa makipaglaro sa kapwa niya bata.
Kaya naman hindi sanay si Lino sa mga
mabibigat at mahahabang gawain, mabilis
siyang mapagod. Palagi rin matamalay ang
pangangatawan ni Lino.
Isang araw inutusan siya ng kanyang nanay.
“Lino maaari ka bang bumili sa tindahan?”
sabi ni Nanay.
“Opo nay!” sagot ni Lino. At lumabas si
Lino upang bumili sa tindahan.
Pagbalik ni Lino mula sa tindahan ay tila
pagod na pagod siya.
“Nay ito na po ang pinabili niyo., Hah!
hah!hah!” hinihingal na sagot ni Lino.
“Bakit tila pagod na pagod ka?
Napakalapit lang nman ng tindahan.”
Tugon ng kanyang nanay.
“ Ewan ko po ba Nay, agad po ako
napagod nung lumakad po ako.” sagot
ni Lino
“ Hay , Naku! Wala ka kasing ginawa
kundi mag Ipad , magcomputer at
manuod ng tv. “ ang sabi ng Nanay ni
Lino.
“Ah, Nanay, ano po ang kinalaman ng mga
ginagawa ko sa mabilis ko pong
pagkapagod?” tanong ni Lino.
“ Anak hindi mo ba alam na dahil hindi mo
ginagalaw ang iyong katawan ay hindi
nasasanay o napapaunlad ang iyong
cardiovascular endurance?” sagot ni Nanay.
“Car-Cardiovascular endurance? Ano po iyon
Nay?” tanong ni Lino na tila naguguluhan.
“Ang cardiovascular endurance ay  isang
abilidad na kung saan ang isang tao ay may
kakayahang gumalaw at mag ehersisyo nang
hindi gaano napapagod ng husto. Ito ay sa
kadahilanang ang kanyang pangangatawan ay
malusog o healthy.” ang sagot ng nanay.
“Ibigpo bang sabihin nun Nay ay mahina po ang
katawan
“ ko?” Natatakot na tanong ni Lino.
“ Hindi sa ganun anak.. Kailangan mo lamang gawin
ang mga bagay na makakapagpaunlad ng iyong
cardiovascular endurance.” sagot ni Nanay.
“ Ah inay… Ano po ang dapat ko gawin?” ang nag-iisip
na tanong ni Lino.
“ Kailangan mo bawasan ang masyadong
paglalaro ng Ipad at computer at gawin ang mga
gawain na nangangailangan ng mga pisikal na
paggalaw.” tugon ni nanay.

“ Dapat kang lumabas sa


ating bakuran at tumakbo,
maglaro at sumayaw
upang lumakas at tumatag
ang iyong puso at
kalamnan.” dagdag pa
niya.
At lumabas nga si Lino sa kanilang bakuran.
Sinubukan niyang maglaro , mag-ehersisyo,
sumayaw at tumakbo sa kanilang bakuran.
Nagpaturo rin siya magbisikleta sa kanyang tatay.
Simula noon ay mas naging malakas na si Lino. Hindi na siya
mabilis mapagod. Kaya niya na rin makipaglaro sa ibang bata at
hindi agad hinihingal.
“ Nay, salamat po sa inyo at natutunan kong mahalaga ang mga
pisikal na gawain upang mas mapaunlad ko ang aking
cardiovascular endurance.” sabi ni Lino at yumakap sa ina.

“ Wala iyon anak. Tandaan mo na


mahalagang maging aktibo upang mas
tumatag ang iyong puso at kalamnan
para mas marami kapa magawa. Okay
na manuod at maglaro sa computer pero
dapat ay may limitasyon.” tugon ni
nanay.
“Opo Nay!’ masiglang sagot ni Lino
Kaya lagi ninyong tandaan na ang cardiovascular
endurance ay mahalagang paunlarin at linangin upang mas
maging malakas ang ating pangangatawan. Bawasan ang
masyadong paggamit ng mga gadgets at subuking igalaw
ang ating mga katawan, Panatilihin natin ang pagiging
malusog sa panahon ng pandemic.
Magandang araw sa lahat!!!!!

You might also like