Esp3 Melc1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

ESP 3

QUARTER 1 WEEK 1
MOST ESSENTIAL LEARNING
COMPETENCIES
Natutukoy ang natatanging kakayahan.
Hal. Talentong ibinigay ng Diyos.
Ikaw ba ay isang batang may
natatanging kakayahan?

Ipapakilala ko sa inyo ang mga


batang may natatanging
kakayahan.
Siya si Arah.
Mahusay siyang kumanta.
Siya naman si Brando.
Mahusay siyang magpinta o gumuhit.
Siya si Lito.
Mahusay siyang tumula. Mahilig din siyang
sumali sa paligsahan sa pagtula.
Siya si Mario.
Mahusay siyang sumayaw.
Ikaw, ano ang iyong
natatanging kakayahan?
Lahat ng tao ay may kani- kaniyang
kakayahan. Ilan sa mga ito ay ang kahusayan
sa pag-awit, pag- arte, pagsasayaw, pagtula,
pagsulat, pagguhit, isport at iba pa.
Ang kakayahan ng bawat tao ay isang
biyaya mula sa Diyos. Ito ay dapat nating
gamitin at linangin, sapagkat
nakapagbibigay ito sa atin ng sariling
pagkakakilanlan.
Maraming sikat na tao ang
nakilala dahil sa kanilang
kakayahan.
Kilala niyo ba kung sino siya?
Tama! Siya si Manny Pacquiao.
Isang sikat na boksingero at tinaguriang
Pambansang Kamao ng Pilipinas.
Isang sikat na mang- aawit dito sa
Pilipinas.
Tama! Siya si Sarah Geronimo.
Hindi lang siya magaling kumanta,
mahusay din siyang sumayaw.
Siya naman si Angel Locsin. Isang
sikat na artista.
Nakilala siya dahil sa galing nitong
pag- arte.
Mahalagang malaman mo ang iyong
mga kakayahan bilang isang bata. Ang
mga ito ay dapat na nililinang o
pinauunlad para higit na magkaroon ng
tiwala sa sarili.
May kakayahan ka ba na
katulad sa kanila?

Ilista sa papel
ang iyong mga
kakayahan.
Piliin sa larawan sa ibaba kung anong
mga kakayahang ibinigay sa iyo ng
Diyos. Bilugan ito.
Palagi mong tandaan na ang
anumang kakayahan na meron ka ay
dapat ipinapakita upang ito ay higit
na malinang.
Huwag kang matakot o mahiya na
ipakita ito. Dahil biyaya ito ng Diyos
na dapat linangin.

You might also like