Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

BALIK-TANAW

UNANG IKALAWANG
LIBRO LIBRO
TITULO
MAY-AKDA
WIKA
BUOD
•Anong uri ng babasahin ang kadalasang
binabasa ng iyong mga kamag-aral?
•Sa anong wika karaniwang nagbabasa ang
mga nagbabahagi?
• Basahin ang artikulong F. Sionil Jose na “Why
we are shallow? (Philippine Star, Setyembre 21,
2011).
Ano ang reaksyon mo sa pananaw niyang ito?
Para sayo, makatuwiran bang sabihing walang
kultura ng pagbabasa ang mga Pilipino?
KATUTURAN AT
KAHALAGAHAN
NG PAGBASA
ANO ANG PAGBASA?
Ang pagbasa ay pagkilala ng mga simbolo o
sagisag ng nakalimbag at pagpapakahulugan o
interpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gusto
ng manunulat na nailipat sa kaisipan ng
mambabasa. Ito ay nangangailangan ng
kakayahang pangkaisipan dahil alam ang
tunog(ponema) ng naisulat na letra.
Ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng
mga kabatiran ukol sa iba’t ibang larangan ng
pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralan
ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbasa.
(Baltazar 1977)
Ang pagbasa ng anumang uri ng
katha ay nagkakabisa sa ating isip,
damdamin, at kaasal.
(Belvez et al. 2004)
KAHALAGAHAN NG PAGBASA
1. Nadadagdagan ang kaalaman
2. Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan.
3. Nakararating sa mga pook na hindi pa nararating.
4. Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan.
5. Nakakukuha ng mga mahahalagang impormasyon.
6. Nakatutulong sa mabibigat na suliranin atdamdamin.
7. Nagbibigay ng inspirasyon at nakikita nag iba’t ibang antas ng
buhay ata anyo ng daigdig
LAYUNIN NG PAGBASA
1. Magkaroon ng kalinawan ang pag-iisip tungkol sa mga
bagay na di malinaw sa kaalaman.
2. Magkaroon ng kapayapaan sa buhay dahil sa kaalaman
sa iba’t ibang larangan
3. Magkaroon ng pagbabago sa paniniwala o kaugalian
4. Magkaroon ng bukas na isipan
MGA HAKBANG SA
PAGBASA
Si William S. Gray ang tinaguriang ama ng Pagbasa, ay
naglahad ng apat na hakbang sa pagbasa.
• Pagkilala
• Pag-unawa
• Reaksyon
• Assimilasyon at Integrasyon
1.
PAGKILALA
•Tumutukoy sa kakayahan ng
bumabasa na mabigkas ang mga
salitang tinutunguhan at makilala
ang mga sagisag ng isipang
nakalimbag.
2. PAG-UNAWA
•Ang kakayahang bigyang
kahulugan at interpretasyon ang
kaisipang ipinapahayag ng mga
simbolo ng mga salitang
nakalimbag.
3. REAKSYON
• Kakayahan ito ng mambabasa na maghatol o
magsabi kung may kawastuhan at kahusayan
ang pagkasulat ng teksto. Tumutukoy din ito sa
pagpapahalaga at pagdama na iniukol ng
mambabasa sa nilalaman ng kanyang binasang
teksto.
4. ASSIMILASYON AT
INTEGRASYON
•Kakayahan ito ng mambabasa na isabuhay
ang natutuhang kaisipan sa binasa.
Naiiugnay niya ang kasalukuyang karanasan
sa nakaraan na tinalakay sa binasa.
PANGKALAHATANG
URI NG PAGBASA

You might also like