dahilan sa pag ibig pangiti ri’t walang hapis na sa sinta ay nag sulit. Saknong 1,238 Sa pampang ay sumapit ding kahariay nahihimbing naka uwi’t nakagising nang di sila nanga pansin. Saknong 1,239 Panibagong pagtataka ang sa hari ay bumakla ang nawawalang singsing niya’y bumulaga na sa kanya. Saknong 1,240
Nagulo na ang isipan ng haring
di mapalagay na kung bakit di mapatay ang prinsipeng manliligaw. Saknong 1,241 Muli siyang susubukin kung ditto pa’y liligtas din, bahala ko nang isipin ang paraang dapat gawin. Saknong 1,242
Noon din ay inutusan ang
kawani niyang mahal tawagin mo si don jua’t kami ay mayroong panayam . Saknong 1,243
Malugod din at masiglang ang
prinsipe’y humarap na mag utos ng makakaya minamahal kong monarka Saknong 1244
Narito at nakahanda ang aking
ipapagawa ikaw ang siyang bahalang buong kayang mangasiwa. Saknong 1,245 Buong kaya ang sabi ko sa dahilang ang totoo awa’t lupit ang sa iyo’y sandatang gagamitin mo. Saknong 1246
Ako’y may isang alagang
kabayong hari ng sama mailap at naninipa mahal sa aking lubha. Saknong 1247
Ang ibig ko ay paamuin
at bumait na magaling kabayo’y ko gamitin . Saknong 1248
Kunin mo sa kanyang bahay
pati mga kagamitang mahalaga sa pagsakay siya’t pamigil na busal . Saknong 1249 Ngayon ay mamahinga na’t nang buka’y ay may lakas ka, pagpapaamo ay iba hirap, pagod, magkasama . Saknong 1250
Paanong matatahimik ang
isang may iniisip .si don jua’y naiinip sa paghihintay sa ibig. Saknong 1251 Lampas na sa takip silim nang ang sinta ay dumating ang inip na humilahil noon lamang nagingf lambing. Saknong 1252
Sabihin mo na, don juan ang utos ng
haring mahal sa panahoy manghihinayang baka tayo at maiwan. Saknong 1253 Ang alaga ng ama mo na mailap na kabayo bukas daw ay sanayin ko’t nang umamo daw ang d’yablo. Saknong 1254 Pakli naman ng prinsesa ang kabayo dili iba kundi ang akin ding ama.sa pag sakay mag ingat ka. Saknong 1255
Yaong katad na pamigil na may
gintong nagniningning at ang syang parang garing ay mga kapatid ko rin. Saknong 1256
Nasa bibig namang busal bakal na
nakasiyang ako yao’t pag tinantang ang kabayoy masasakyan. Saknong 1257 Ang kabayo nga’y mailap mabagsik at walang habag, kaya magpapakaingap nang hindi ka mapahamak. Saknong 1258 Paglapit mo sa talian mata’y mag babagang tunay mag sisipat aatungal, kasindaksindak pag masdan. Saknong 1259 Kapag ayaw mag pasiya maninipa at daramba, palo’t dagok gawin mo na hanggang mahirapan sya. Saknong 1260
Galingan mo ang pag ilag sa
damba at mga sikad mga kuko’y matatalas katawan mo’y mawawalat. Saknong 1261
Madali mong mahalatang ang
kabayo ay mahina daloy sa mata ng luha bulwak ng bukad na sira. SAKNONG 1262 Subuan mo na ng busal ang siya’y madali ng ilagay lagay ng renda’y tibayan tiyakin ang katatagan. Buod Sa pag lalakad nang hari patungong kastilyo ay nahulog ang kanyang singsing.Pinatawag nang hari si don juan upang ipahanap nito ang nawawalang singsing at dapat pagkagising niya ay matatagpuan niya ito sa ilalim nang kanyang unan.Nag kita sina don juan at maria blanca sa banyong paliguan ng prinsesa sa oras na ikasiyam nang gabi. Sinabi ni don juan ang iniutos nang hari sa kanya. Kumuha si maria blanca ng batya, itak, sangkalan at hapagat sila ay pumunta na sa dagat.sila ay sumakay sa batya.Inutusan ni maria blanca si don juan na tatadtarin siya ng pinong pinoat ilagay sa tubig. Ipinag bilin rin ni maria blanca si don juan na huwag niyang hahayaang may matapon ni kapirasong laman at hindi dapat matulog si don juan. Lilitaw ang ang kamay ni maria blanca na may dalang singsing at kailangan iyong kuni ni don juan.Ginawa lahat ni don juan ang ipinagbilin ni maria blanca.Naging isda ang prinsesa at sumisid sa ilalim ng karagatan naghintay ang prinsipesa ikalawang pag kakataon na pagtadtad ni don juan kay maria blanca ay tumalsik ang isang daliri ng prinsesa. Lumitaw ang kamay sa batya na may hawak na diyamanteng singsing subalit walang hintuturo ang prinsesa.Ibinilin ni Mria maria blanca kay don juan na gawing pagkakakilanlan sa kanya ang kamay na kulang ng isang daliri.Naibalik kay haring salermo ang nawawalang nitong singsing. Maraming Salamat po