Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Mga Pananalig sa Pampanitikan

1
Ang teorya ay salitang nagpapaliwanag o nagbibigay
paliwanag o kuro-kuro. Hindi eksaktong ito ang
tamang nangyari o pinagmulan ng isang bagay kundi
palagay lamang base na rin sa pag-aaral na ginawa.

Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag


aaral ng panitikan at mga paraan sa pag-aaral ng
panitikan.

2
OUTLINE

Klasismo
Romantisismo
Ekpresionismo
Naturalism
Realism
Surrealism
Imahenismo
Simbolismo
Impressionismo Filipino 

3
KLASISMO
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy
ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging
nagtatapos nang may kaayusan.

ROMANTISISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at
mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang
nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o
bayang napupusuan.

4
EKPRESIONISMO
Layunin ng teoryang ito na mas pinapalitaw ang damdamin kaysa sa pisikal na
kaanyuan ng mga karakter. Binibigyang pansin ang mga indibiduwal na karakter
sa positibong paniniwala at makatotohanang paglalahad.

NATURALISMO
May kapaniwalaang ang heredity at kaligiran ng indibidwal ay
nakaiimpluwensiya at nakapagdetermina ng kanyang motibasyon at beheybyor.

REALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-
akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay
ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.

5
SURREALISM
Layunin ng teoryang ito na ipadama sa pamamagitan ng pasalita o
pasulat na may isang adhika na nakapaloob sa isang akda. Ipinapadama
ng teorya na mas mahalaga ang pangarap kaysa sa mga guni guni na
pumupukaw sa isang akda.

MAHINISMO
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na
maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais
na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit
lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang
maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng
pahayag sa loob ng panitikan.

6
SIMBOLISMO
Layunin nitong pukawin ang mga mambabasa sa pamamagitan ng paggamit iba’t
ibang pagpapakahulugan pampanitikan. Ang punto de vista ng teoryang ito ay
mabibigyan ng pagkakataon ang mga mambabasa na iugnay ang sariling
interpretasyon sa tekstong binabasa.

IMPRESSIONISMO
Layunin ng teoryang ito na ikumpara ang opinyon ng may akda sa pamamagitan
ng makabuluhang pagkilala sa mga pangyayaring nagpapakita ng interes sa
mambabasa. Ang mga impormasyon sa kuwento ay naghihikayat sa mga
mambabasa na magkaroon ng obserbasyon batay sa pinaninindigang paniniwala.

7
Tula sa Tradisyong Pabigkas

8
Bago Dumating ang mga kastila:
Ang Pilipinas ay kilala na mayaman sa Panitikan

• Isa sa kayamanang ito ay ang tinatawag ngayon na Tula


• Ang binibigkas ng dila o bibig na tinatawag na pasalindila o
bukambibig
• Sa panahong ito hindi pa sila gumagamit ng papel at panulat
ngunit nagkaroon sila ng mga makata
• Bata pa lamang ang daw ay marunong nang tumula o
bumigkas-bigkas ng tula

9
Ang Tradisyong Pagbigkas
Nahahati sa dalawang katawagan

1. Patugmang-bayan

2. Kantahing-bayan

10
Patugmang-bayan:
• Binubuo ng dalawa o apat na taludtod
• Kung magkaminsan ay may bilang ang pantig na kung
tawagin ay sukat
• Ito din ay lagging may sintunog na kung tawagin naman ay
Tula
• Ang patugmang-bayan tulad ng kasabihan ay tinatawag na
“Mother Goose Rhymes” sa ingles

11
Tugmaang Ganap na Tula

Ang Tanaga (Katagalugan)


• Tulang Tagalog na palasak na sa Pilipinas bago pa dumating
ang Kastila
• Ito’y may mataas na uri at binubuo ng apat na taludturang
may pituhang pantig
• Itinuturing na malayang tula at sagana sa talinghaga (Crisanto
Rivera)

12
Ayon naman kina Juan de Noceda at
Pedro San Luca rang pakahulugan
nila ay:
1. Tulang napakataas na uri ng wikang Tagalog
2. Binubuo ng pitong pantig ang bawat taludtod
3. May apat na taludtod sa bawat saknong
4. Ito’y hitik sa talinghaga

13
Ang Ambahan (Hanunuo Mangyan)
• Isang Tula na inaawit
• Likha ng karunungan ng mga mangyan bunga ng isang
matandang paraan ng pagsusulat na hanggang ngayon ay
nangyayari pa rin
• Nakalulugod basahin dahil bukod sa kapayakan ng
ekspresyon nito, ang talinghaga ay malinaw na
naglalarawan sa mga kalagayan ng buhay ng tao
• Ilan sa mga ambahan ay ukol sa paghingi ng pahintulot
ng isang anak sa mga magulang para makapamasyal o
makapangibang-lugar

14
Ang Haiku (Mga Hapon)
Ayon sa pahayag ni Crisanto C. Rivera
• Ang haiku ay tulang binubuo ng labimpitong pantig na
may taludturan
• Ang unang taludtod ay may limang bilang ng pantig
• Ang ikalawa ay may pitong pantig
• Ang ikatlo naman na taludtod ay may limang pantig

15
Ang Kantahing-Bayan

• Ang oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo


• Inaawit ng pabigkas ng mga katutubo sa isang pook o nayon
• Mas kilala ito ngayon sa tawag na awiting bayan
• Iba’t ibang gawain at mga pagdiriwang

16
Uri ng Kantahing Bayan
1. Oyayi Tagalog o duayya (Ilokano)
• Ito’y inaawit sa pagpapatulog ng sanggol
• Malambing na himig nitong monotono at maulit ang lirik
subalit makahulugan
2. Kundiman Tagalog o Pamulinawen sa Ilokano, Balitaw sa
Bisaya at Uso sa Negrito
• Ito ang mga awit sa pag-ibig
• Karaniwang inaawit ng isang binatang sumisinta o maaari
rin namang ng dalagang umiibig sa binate
• Ito ang tinatawag na harana o panambitan

17
Maraming uri ng pag-ibig ang
maaring paksain ng kundiman
•  Pag-ibig sa Bayan
• Pag-ibig sa mga Magulang
• Pag-ibig sa kapatid
• Pag-ibig sa kaibigan
• Pag-ibig sa kapwa
• Pag-ibig sa maging sa kaaway
• Pag-ibig sa Gawain
• Pag-ibig sa Halaman
• Atbp

18
3. Diona
• Awit-pangkasal
• Inaawit ng mga katutubo noon kapag ang kanilang kanayon o
katribu ay nakikipagtaling-puso sa kanilang iniibig

4. Kumintang o Tikam o Tagumpay


• Isang awit-pandigma
• Awit na nagpapahayagng pagmamahal sa bayan

19
Ayon kay Sauco:
Ang kumintang ay nagtataglay ng malungkot na himig
tungkol sa pag-ibig na inaawit ng mga mandirigma

5. Kalusan
• Ito ang awit sa paggawa
• Maaaring awitin habang nagtatrabaho o kaya ay
pagkatapos ng trabaho
Talindaw o Soliranin
1. Talindaw – awit kapag namamangka
2. Soliranin – awit kapag sumasagwan o gumagaod ang
namamangka

20
6. Dung-aw
• Ito’y awit sa patay
• Iniisa-isa rito ang mga nagawa nitong kabutihan noong
nabubuhay pa
• Karaniwang pagtawag kung ito’y awitin dahil parang buhay
pa itong kinakausap
• Naririnig ito sa mga tribong Igorot at sa Kailokanohan sa
sandali ng kanilang paglalamay o pagbabantay sa isang
yumao
• May layuning ipagunita sa mga nakikiramay ang kadakilaan
ng yumao at bilang pananalangin na rin na sana’y pagpalain
siya sa kabilang buhay

21
7. Dalit o Himno
• Ito ang awit sa pagsamba sa mga anito
• Awit na panrelihiyon

8. Umbay
• Ito ang awit sa pagkaulila
• Ang himig at tema nito ay nagpapaawa sa kawalan ng
nagmamahal o kumukupkop na magulang

22
9. Kutangkutang o Rawirdawit
• Ito ang awit ng mga lasing o awit sa lansangan na
naglalayong magpatawa, magpasaring o manudyo
• Ang tono ay luma pero ang lirik ay pabagu-bago ayon sa
hinihingi ng pagkakataon

10. Ditso
• Ito ang awit sa paglalaro ng mga bata
• Mga kasabihan itong isinasatono ng mga malalarong bata

23
MARAMING SALAMAT PO!!!

24
MAIKLING PAGSUSULIT
1. Isa sa mga kayamanan ng bansa bago dumating ang mga Kastila
2. Saang Tribo nabibilang ang AMBAHAN
3. Ito’y Tulang tagalog na binubuo ng apat na taludtod at may pitong pantig
4. Anung uri ng kantahing-bayan ang awit-pangkasal
5. Ito’y inaawit ng mga magulang sa pagpapatulog ng sanggol
6. Ang harana o panambitan ay tinatawag na
7. Isang awit pandigma
8-9. Ipaliwanag ang pinagkaiba ng TALINDAW at SOLIRANIN
10. Ano ang tawag sa Talindaw at Soliranin

25
11. Ito’y karaniwang inaawit sa patay
12. Awit sa pagsamba sa mga anito
13. Ito ay isang awit sa pagkaulila
14. Karaniwang inaawit ng mga lasing o awit sa lansangan na
naglalayong magpatawa o manudyo
15. Ito ang awit sa paglalaro ng bata

26
Mga sagot: 10. Kalusan
1. Tula 11. Dung-aw
2. Mangyan/Hanunuo 12. Dalit o Himno
3. Tanaga 13. Umbay
4. Diona 14. Kutangkutang o Rawitdawit
5. Oyayi Tagalog o Duayya 15. Ditso
6. Kundiman Tagalog
7. Kumintang o Tikam o
Tagumpay o Kundiman
8. Namamangka
9.Sumasagwan

27

You might also like