Bukod sa pag-aaral ng wika sa mga sosyal na relasyon,
pinag-aralan din ang mga straktyur ng wika sa konteksto ng kultura ng komunidad para malaman ang mga pananaw sa mundo at mga konseptong kultural tulad ng seks, kapangyarihan, paniniwala, sakit, at iba pa. Pinag- aralan ang mga linggwistiks-straktyur na ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang bagay tulad ng pagtatanim, panggagamot, pagnenegosyo, pagdadasal sa tinatanaw na may kapangyarihan sa buhay at iba pang aspekto ng kultura. Halimbawa: • Pag-aaral na ginawa tungkol sa mga kategori ng kulay ng mga Hanuno sa Mindoro ni H. Colin • Pagsusuri ng sakit ng mga subanun ni C. Frake (1961) • Librong Fisher of the Visayas (Ushijima at Zayas 1994) na may etnolinggwistikong pag-aaral tulad ng kay C. Zayas na “Pangayaw sa Tumandok” in the Maritime World of the Visayan Nagamit din ang wika sa pagkalap ng impormasyon tungkol sa kasaysyan at itsura ng kapaligiran ng mga lugar. Halimbawa: • Bitukang manok – pangalan ng zigzag sa Quezon • Bundok-Buntis – bundok sa Margondon (Cavite) • Dila – sa Calaca(Batangas) Madalas pinapangalan ang lugar sunod sa puno, halaman o hayop na nagbibigay ng aydentiti sa lugar. SAYKOLINGGWISTIK S Ang mga pag-aaral na ito ay may kinalaman sa aspeto ng wika kaugnay ng mga proseso o mekanismo sa komprehensyon, prodaksyon, at akwisisyon (Tanenhaus 1988). Napakadali ang pag-akwayr natin ng unang wika mula pagkabata at napakadali rin natin itong nagagamit sa komunikasyon. Pero ang mga proseso nito sa isipan natin ay hindi madaling ideskrayb o ipaliwanag dahil hindi direktang naoobserbahan. Pinag-aralan ng mga saykolinggwist ang komprehensyon sa wika kung papano naintindihan ng tao hindi lamang ang wikang sinasalita kundi maging ang wikang nakasulat. Bawat isa sa atin ay may kakayahang magprodyus at umintindi ng kahit anong sinasabi sa ating wika. Mabilis natin itong nagagawa pero hindi tayo konsyus sa kompleksiti ng mga prosesong nasa ilalim ng kakayahang ito. Si V. Fromklin ay isa sa mga nangunang gumamit ng mga yugto sa prodaksyon ng sinasalitang wika. Ibig sabihin, mula pagiging mga konsepto pa lang sa isipan ng spiker hanggang sa aktwal na pagsasabi nito. Dalawang klase ng pagkakamali • Slips of the tongue Sa mga mali ng slip of the tongue may mga yunit o element na nagpalit ng posisyon kapag binigkas ng spiker sa halip noonh gusto talagang masabi. Halimbawa: a. You have bissed all my mystery lectures (aktwal na sinabi) b. You have missed all my history lectures (balak sabihin) “Namis mo ang lahat ng mga lektyur ko sa histori” a. Noble tons of soil (aktwal na sinabi) b. Noble sons of toil (balak sabihin) “Mga magiting na anak ng hirap” Inaatribut ang mga halimbawang kbabanggit kay Rev. W.A. Sponsor at dahil nakilala siya sa mga ganitong mali, tinwag na spoonerism ang mga slip of the tongue. Dalawang klase ng pagkakamali • Filler words Sa disfluwensi ay may pag-aatubili ang spiker dahil hindi kaagad masabi ang gusto niyang ipahayag kaya pwedeng magkaroon ng saglit na paghinto sa pagsasalita, maling pagsisimula, pag-uulit na sinabi, o paggamit ng mga pampunong salita (filler words) sa mga puwang tulad ng um…, wel.., you know…, sa Ingles. (Formkin at Ratner 1998) at aaa…ano…,kwan… sa Tagalog Ekeperimental-teknik at kaayusan ng mental-diksyunari
• Ang mga mali habang nagsasalita ay natural na mga pangyayari at walang
control ditto ang mga saykolinggwist kaya fild-tiknik ang gamit.