Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PANDIWA

Pagbuo at ang Aspekto ng Pandiwa


Ang pandiwa ay salitang nagpapahayag ng:
• Kilos, aksiyon o gawa
Halimbawa: kumain, mag-aral, bigyan, malinis
• Proseso o pangyayaring karaniwang sadya, di sadya,
likas o di likas
Halimbawa: masunog, bumagyo, kumidlat, umulan,
natabunan, naaksidente
• Karanasan o damdamin
Halimbawa: matuwa, sumaya, magmahal, nilamig,
nainitan, yumabang
May dalawang pangkalahatang anyo ang
pandiwa.

A. Maaaring binubuo lamang ito ng


salitang-ugat na karaniwang ginagamit
sa pag-uutos.

B. Maaari din itong binubuo ng salitang-


ugat + panlapi na tinatawag na panlaping
makadiwa.
A. Maaaring binubuo lamang ito ng salitang-
ugat na karaniwang ginagamit sa pag-uutos.

Halimbawa: Alis! Takbo!


Lakad! Upo
Sigaw!
B. Maaari din itong binubuo ng salitang-ugat +
panlapi na tinatawag na panlaping makadiwa.

-um- (lumindol, tumingala) mag- (magsalita, magtatawa)

um- (umiling, umalis) -in (mahalin, sabihin)


-an/-han (pakuan, gandahan) i- (isulat, itagao)
magpaka- (magpakabuti, ma- (malinis, maluto)
magpakasaya)
magsi- (magsiawit, magsitulog) maki- (makipulot, makisama)
ASPEKTO NG
PANDIWA
1. Aspektong Naganap o Perpektibo
- Ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang
kilos.

Halimbawa:
naglaba, nagtrabaho
• Aspektong Katatapos – Nangangahulugan
itong katatapos pa lamang ng kilos o
pandiwa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng panlaping ka at pag-uulit sa
unang pantig ng isang salita.

Halimbawa:
• ( ka + la + laba = kalalaba)
• ( ka + tra+ trabaho= katratrabaho)
2.Aspektong Nagaganap o
Imperpektibo
- Ito ay nmagsasaad na ang inumpisahang
kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa
tapos.

Halimbawa:
naglalaba, nagtratrabaho
2.Aspektong Magaganap o Kontemplatibo
- Ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at
gagawin pa lamang.

Halimbawa:
maglalaba, magtratrabaho

You might also like