Kasaysayan at Depinisyon NG Wikang Filipino

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kasaysayan at

Depinisyon ng
Wikang Filipino
Kasaysayan at Depinisyon ng Wikang Filipino
• Sabay sa kasaysayan ng ating bansa ang pag-unlad ng wikang pambansa natin. Sa loob
ng mahabang panahon bago dumating ang mga kastila, ang wika ng sinaunang
mamamayan nati’y lagging nakakabit sa kalinangan ng kanilang bayan o pook na
kanilang sinilangan.
• Ang mga Tagalog, Sebuwano, Ilokano, Muslim at iba pang grupo ay may sariling
kultura.
• Bumuo sila ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo.
• Nang dumating ang mga Kastila, naipasok ang wikang Espanyol subalit sa iilang lugar
lamang.
Kasaysayan at Depinisyon ng Wikang Filipino
• Sa mahigit 300 taon, hindi naging malawak ang sakop ng wikang dayuhang ito.
Tanging mga ilustrado at edukadong mamamayan noon ang nabigyan ng
pagkakataong maging matatas sa wikang Espanyol.
• Nang dumating naman ang mga Amerikano, ginamit ang wika bilang
instrumento ng pananakop.
• Isinama ito sa programang “Mapagkandiling Asimilasyon.” Ang pagpapagamit
ng wikang Ingles ay naging malalim na tatak sa kamalayan ng mga Pilipino
dahil sa wika at edukasyon na ipinamana nila.
Kasaysayan at Depinisyon ng Wikang Filipino
• Sa ngayon ay ginagamit pa rin nating mga Pilipino ang wikang Ingles at kabahagi ito sa
Sistema ng edukasyon na naipalaganap sa ating lipunan.
• Dahil sa pagbabagong hatid nito sa ating pagkabansa, minarapat na pagkaisahin ang
mamamayan sa iisang wikang pambansa.
• Nabuo sa Saligang Batas noong 1935 na may probisyon tungkol sa pagkakaroon ng
wikang pambansa.
• Nakapaloob ito sa Seksyon 3, Artikulo XIV na nagsasaad na, “Ang Kongreso ay gagawa
ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Kasaysayan at Depinisyon ng Wikang Filipino
• Dahil sa probisyong ito, itinatag ni Pangulong Quezon ang Suria ng Wikang Pambansa
upang mamuno sa pag-aaral sa pagpili ng wikang pambansa.
• Bunga nito, nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagsasaad sa
opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre 1936.
• Ang tungkulin ng institusyong ito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na
magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas.
• Si Jaime C. de Veyra ang naing tagapangulo ng komite na magsasagawa ng pag-aaral sa
pagpili ng wikang pambansa.
• Napili ng komite ang TAGALOG bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambansa.

You might also like