Professional Documents
Culture Documents
Uri NG Pangungusap Ayon Sa Kayarian
Uri NG Pangungusap Ayon Sa Kayarian
Uri NG Pangungusap Ayon Sa Kayarian
PANGUNGUSAP
AYON SA
KAYARIAN O
PAGKAKABUO
1. Payak - pangungusap na
iisang diwa lang ang
tinataakay. Ito ay maaring
may payak o tambalang
simuno at panaguri.
Halimbawa:
-Si Nelson Mandela ay lumaban
din sa diskriminasyon.
2. Tambalan - pangungusap na nagta-
taglay ng dalawang kaisipan o sugnay
na makapag-iisa o higit pa.
Ginagami-tan ito ng pangatnig na
magkatim-bang gaya ng at, pati, o, ni,
maging, saka, ngunit, habang, subalit
Sugnay- lipon ng mga salita na may
simuno at panguri.
2 uri ng Sugnay
a. Sugnay na makapag-iisa
(Punong Sugnay) –
nauunawaang ganap o buong
kaisipan
b. Sugnay na di-makapag-iisa
(Pantulong na sugnay) – kulang
ang kaisipan.
Halimbawa:
- Tutularan mo ba sina
Nelson at Rosa o magdurusa
ka na lamang habambuhay.
- Ihain na ang pansit saka
dalhin mo na rito ang
halaya.
3. Hugnayan – pangungusap na
binu-buo ng isang sugnay na
makapag-iisa at sugnay na di
makapag-iisa. Pinag-uugnay ito
ng mga pangatnig na kung, nang,
upang, dahil, sapagkat, habang,
bago, kapag ,kasi, kaya, para at
iba pa. Makikita rito ang
ugnayang sanhi at bunga.
Halimbawa:
- Nanalo si Nelson Mandela nang
tumakbo siya sa pagkapangulo.
- Kinuha niya ang mga plato
upang hugasan ang mga ito.
- Habang pinalalamig ang leche
flan, ihanda na ninyo ang
plato.
4. Langkapan – pangungusap na
binu-buo ng dalawang o higit pang
sugnay na makapag-iisa at isa o
higit pang sugnay na di makapag-
iisa.
Halimbawa:
- Si Nelson Mandela ay tumakbo sa
pagkapangulo at nanalo siya nang
suportahan ng kanyang mga kalahi.
- Hugasan mo na ang bigas at
isalang mo na ito, bago ka
manood ng telebisyon.