Professional Documents
Culture Documents
Panunuri Sa Nobela
Panunuri Sa Nobela
Bayan
• Ang Nobela sa Supot ng Tinapay
• Kritisismo Bilang Mistisismo
• "Pambalot ng Tinapa“
• Nasaan ang Mambabasáng Pinoy?
Dela Cruz, Geraldine L. (BSED FILIPINO 3-A)
Si Liwayway Arceo Bílang Kuwentista ng Bayan
THIRD YEAR HIGH school ako nang una kong makita si
Liwayway Arceo. Lumiligaw noon (o kasintahan na yata niya)
ang manunulat na si Hilario Coronel sa titser kong si Miss
Leticia Maniquiz at inanyayahan ang klase naming bumisita sa
opisina at imprenta ng Liwayway Publishing sa Maynila. Noon
ko nakita, mula sa malayo si Aling Lily na nakatayo at kausap
ang isang manunulat. Hindi siya ang larawan ko ng isang
manunulat Para akong namalikmata. Hindi ko akalain na may
tulad niyang maganda at katakam-takam na manunulat.
Siyempre, tangang tanga pa ako noon at hindi pa nakikita sina
Carmen Guerrero Nakpil, Gilda Cordero- Fernando, Estrella
Alfon, at iba pang katakam-takam na manunulat ng Filipinas.
Ibig kong idiin ang ginamit kong pang-uri.
Katakam-takam. Hindi ko ibig sabihing maganda
lámang, at higit din sa halinang pisikal ang ibig
kong ilarawan. May palagay ako na katakam-
takam ang isang birtud ng panitikang popular.
Upang bumighani ng mambabasá, lalo na't
ordinaryo't maramihang mambabasa, kailangan ng
panitikang popular na maging katakam-takam. At
hindi maitatatwa na sumikat at nagluningning ang
panulat ni Aling Lily sa loob ng pangunahing kuta
ng panitikang popular-ang magasing Liwayway.
Totoo, isinilang ang karera ni Aling Lily bilang manunulat sa
pamamagitan ng kaniyang kuwentong "Uhaw ang Tigang na
Lupa' na isinulat niya noong tinedyer lamang siya.
Labimpitong taon siya noon, kung tama ang aritmetika ko.
Ngunit dahil sa digma, lumabas ito pagkaraan ng dalawang
taon at sa mga pahina ng Liwayway Pagkaraan ng digma, sa
Liwayway siya matagal na nagtatrabaho at dito lumabas ang
karamihan sa mga isinulat niyang kwento hanggang
sa panahon ng kaniyang pagreretiro. Sa loob ng mahigit 50
taon niyang búhay bílang manunulat, nakakatha siya ng
mahigit 50 nobela, umaabot sa sanlibong maikling kuwento,
daan-daang dramang panradyo, at mahirap nang bilang ng
mga sanaysay, Hinubog si Aling Lily ng adhikang sumulat
para sa madla.
Ito ang pinagsanayan niya at ikinabubuhay bilang bahagi ng
patnugutan ng Liwayway Dito niya tinupad ang natutuhang mga
simulain sa pagsulat ng isang maikling kuwento, at sa sariling salita
na rin niya'y binubuo ng sumusunod "(1) ito'y may mga tauhan na
ang isa ay pangunahing tauhan at sa paningin nitó magaganap ang
kuwento; (2) ito'y nag-iwan ng tisang diwa o impresyon sa
damdamin ng bumabása; (3) ito'y naglalarawan sa isang
pangyayari." Parang halaw sa mga simulain ng kaisahan ni Aristotle.
Ngunit sa praktika sa totoong pagsusulat sa Liwayway,
nangangahulugan ito ng matipid ngunit sapat at may kulay na wika.
Mainipin ang mambabasa ayaw ng maligoy. Sa kabila ng gayong
pagkaunawa sa mambabasa ng magasing popular, kailangan pa
ring tumupad ang wika sa pagbuo ng tauhan, sa pagpapagalaw ng
kuwento, at sa pag-antig ng damdamin Matagal ding naging editor si
Aling Lily ng seksiyong pambabae ng Liwayway. May regular siyang
kolum dito para sa pagluluto.
Ito rin ang sinasabi kong katangian ng "katakam-
takam" Na muli, para sa kaniya, ay "paglikha ng
impresyon o kakintalan na "aantig sa damdamin."
Hindi ko na dapat talakayin kung paano tinupad ni
Aling Lily ang Kaniyang panukatan bilang
mangangatha. Saksi ang maraming taon niyang
pananatili sa Liwayway. Saksi ang maraming
mambabarang tumangkilik sa kaniyang magasin sa
panahon niya, kaya hindi ito naibuwal ng malakas na
kompetisyong idinulot ng ibang magasing popular.
Bukod sa saksi rin ang tinamong papuri ng mga katha
ni Aling Lily mula sa akademya at mga kritikong may
iba't ibang oryentasyong pampanitikan.
Marami lámang manunulat sa magasing popular-
at hindi ito maliwasan-na hindi nakatutupad sa
mga pamantayang sinundan ni Aling Lily Hinihingi
rin ng mabilisang paglalathala ang mabilisang
pagsulat kaya't mahirap garantiyahan ang
palagiang "pag-antig ng damdamin ng
mambabasa. Kahit henyo ay mahihirapang
sumulat ng 50 dakilang nobela at sanlibong
dakilang maikling kuwento.
Isa halimbawang fokus ng panulat ni Aling Lily ang sitwasyong
domestiko. Nakilála siyá sa gawaing ito dahil sa kaniyang
seryeng Mag- anak na Cruz at dahil na rin sa pangyayaring
tunay na marami siyang kathang umiinog sa suliraning
pantahanan at ugnayan ng mga anak at mga magulang at
mga mag-asawa. Hindi bago ang paksang ito. Ngunit higit na
naging sining at malimit na "umaantig sa damdamin" sa
pamamagitan ng dalubhasang pagkatha ni Aling Lily.
Mananamnam pa ang katakam-takam na bisa ng panulat ni
Aling Lily kapag binása ang isinulat na nobelang Maling Pook,
Maling Panahon. .. Dito Ngayon at ang bagong kalipunan ng
kaniyang mga kathang may bidang babae, ang Ina,
Maybahay, Anak, at iba pa.
Pinatutunayan dito ni Aling Lily na hindi nabubúhay
ang panitikan sa mabibigat na paksa lámang.
Pinatutunayan din niya, bagama't matagal na
niyang pinatunayan, na may makabuluhang sining
sa likod ng tungkuling umaliw at maging katakam-
takam sa panlasa ng mambabasa Para kay Aling
Lily, isang mundong kuwento ang ating mundo May
karapatang maikuwento ang anumang bagay o
anumang paksa. Ang trabaho ng manunulat ay
mag kwento. Na pagkukuwento ang sining ng
kuwentista, para sa Collegian Folio man o sa
Liwayway ang isinusulat.
Ang ibig ko pang sabihin, hindi lamang
binabása upang maaliw ang mga kuwento sa
Liwayway. Sinusubaybayan din ang Liwayway
ng mahilig sumulat, lalo na ng mga kabataang
walang pagkakataóng sarap ng pagsulat at
makadalo ng writers workshop. Kung walang
tulad ni Aling Lily, magagaya lámang nilă ang
mga kuwentistang maligoy at mabulaklak
gumamit ng wika at mahilig lámang kumahig ng
di-kapani paniniwala.
Ang Nobela sa Supot ng Tinapay
BILANG PANGWAKAS, NAIS kong balikan ang pamumuno sa
Pamagat Sikat ni Lope K. Santos at nalathalang "Lope K. Santos
Nobelista sa librong Mula sa Parolang Ginto (1969), koleksiyon ng
mga panunuring pampanitikan ni Clodualdo del Mundo. Dinakila ni C
del Mundo ang nobela ni LK. Santos, gaya ng diumano'y pagsaludo
dito ng mga unang kritiko mula kina Juan Cabreros Laya at Teodora
A. Agoncillo "Naniniwala kaming ang Banaag at Sikat," wika pa ni C
del Mundo, ay isang nobelang gintong lantay, kung papaanong ang
Noli me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal ay mga
nobelang namumukod ng isang nobelistang Pilipino, at kung
papaanong ang Florante at Laura ni Francisco Baltazar, ay
nagtataglay ng kasaysayang mala-nobela bagama't patula ang
pagkakasalaysay."
Hindi ako interesadong sinsayin ang papuri C del Mundo hinggil
sa pagiging "nobelang gintong lantay ng Banaag at Sikat. Higit
akong interesadong basahin mabuti ang kaniyang suhay hinggil
sa pagiging "nobelang gintong lantay ng katha ni LK. Santos.
Halimbawa, kaugnay ng paghahambing niya sa nobela ni LK.
Santos sa mga nobela ni Rizal at awit ni Balagtas ay naidugtong
nya: "Ang tatlong kathang iyan ay may nagkakaisang katangian
ang matapat na pagkakalarawan sa isang kapanahunan ng
ating bayan, ang pagkakalikha ng mga tauhang namumukod sa
pagkakaroon ng matitibay na kapaniwalaang kanilang
paninindigan, at pamamandila ng mga simulaing kasinlantay ng
katotohanang hindi mapapawi sa alinmang panahon at sa alin
mang bayan Wow, ang bigat! Subalit dahil hindi ko maintindihan
ang ibig sabihin ni C del Mundo.
Kritisismo Bilang Mistisismo