Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Iba’t Ibang Paraan ng Pagtataya

1. Pagtatayang Pormal
Tanong: Ano na ang alam mo?

Mga Pormat

a) Tama-mali
b) Multiple Choice Question/maraming pagpipiliang tanong
c) Pagtatapat-tapat
d) Paglalahad
e) Standardized
f) Norm-referenced
g) Criterion-referenced
Mga Layunin

Karaniwang lapis at papel na pagsusulit, tinutulungan ang mga


guro sa:

a) Sumusukat sa natatamong kaalaman ng mga mag-aaral at


inihahambing ang natamong ito sa kapwa mag-aaral at sa iba
pang mag-aaral sa district, division,rehiyon o bansa.
b) Ulat sa natamo ng mga mag-aaral para sa mga magulang at
administrador.
c) Ang resulta ng pagsusulit ay ginagamit para sa pagbuo ng mga
polisi at paggawa ng mga desisyon sa pagtuturo at pagkatuto.
2. Alternatibong Pagtataya

Tanong: Ano ang magagawa mo?


Mga Layunin

Ang mga gawain ay halos malapit sa aktwal na mga sitwason ng


buhay; nakatutulong sa mga guro upang:

a) Makabuo ng isang komprehensibong paglalarawan ng bawat


mag-aaral bilang problem solver, critical thinker at acquirer of
knowledge.
b) Mataya ang pagsulong at pag-unlad ng isang mag-aaral sa loob
ng isang panahong itinakda (isang araw o lingo o di kaya nama’y
ilang buwan).
Mga Gawain

a) Awtentiko (Tuwirang pagtataya sa mga gawaing mag-aaral


na malapit sa mga tunay na karanasan)
 
b) Ang pagtatayang Product o performance

• Inaasahan na makabubuo/makapaglahad ang mga mag-aaral


ng isang totoo o tunay na produkto o di kaya ay pagsasagawa o
pagganap na magpakita ng kanilang pagka-unawa sa mga
kasanayan o konseptong nilinang.
• Nakapokus sa natapos na produkto sa halip na sa mga proseso,
gawi o istratehiya na ginamit sa pagbuo nito.
• Ang pagtataya ay nakabatay sa paghuhusga at obserbasyon
gamit ang ilang pamantayan o krayterya.
Mga Uri ng Evaluation Criteria na
Ginagamit sa Alternatibong Pagtataya

• Rubric
• Iskala
• Tseklist
• Peer at self-evaluation
Mga halimbawa ng Product at Performance na
maipagawa sa klase
Children’s book • Scripts, dialogues
• Audiotapes, videotapes
• Exhibits • Charts, maps, graphs
• Research papers • Games, puzzles
• Book or movie reviews • Puppet shows
• Plays, skits, talent shows
• Questionnaires; surveys • Interviews, debates
• Print or TV ads • Role playing
• Dances
• Poems, riddles, jokes, songs • Mock trials
• Murals, collages • Cooking or sports-demonstrations
• Scale, model, dioramas • Recipes, menus
• Slide shows
• Terrarum
• Scrapbook
• Speech
Pagtiyak Upang Mapagtagumpayan ang Gawain

• Maglaan ng tala ng mga opsyunal na mga product at performance


• Turuan ang mga mag-aaral na gumawa ng proposal para maging
pokus ang gawain.
• Paghandain ang mga mag-aaral ng action plans at task sheets.
• Hayaang pumili ang mga mag-aaral ng kanilang sistema ng
paggawa.
 
Pagtataya ng Pag-unlad ng mga Gawain

• Hingan ang mga estudyante ng progress report


• Bumuo ng pamantayan/krayterya sa pagtataya gaya ng rubric.
• Isama ang peer review bilang bahagi ng proseso sa pagtataya.
• Pagawain din sila ng self-assessment sa bawat yugto ng proseso
ng pagtataya.
C) Proseso/Process Assessment: Pagmamasid Habang Isinasagawa ang Pagkatuto

• Pagmamasid habang ginagawa ang pagkatuto


• Pagmamasid kung paano ginagawa ang pag-iisip
• Pagmamasid habang gumagawa ng task o gawain
• Inaasahan na magpapakita o ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga
kilos, gawi, istratehiya, mapanuring pag-iisip habang inuunawa ang nalilinang
na mga kasanayan at konsepto.
• Nakapokus ang atensyon ng guro sa proseso, kilos,o gawi, at mga istratehiya
sa halip na bunga ng pagkatuto.
• Batay sa paghuhusga at pagmamasid sa tulong ng mga pamantayan at
krayterya

Mga Uri ng Evaluation Criteria na Maaring Gamitin


• Rubrics
• Pormal na mga iskala at tseklist
• Mga talang anecdotal
• Pagmamasid
• Pagtatayang pansarili
• Pagtataya ng kaklase

Mga Halimbawa ng mga Proseso

Inilalahad sa ibaba ang ilang proseso na maaring bigyang-pansin ng


guro habang nagmamasid sa kakanyahan ng mga mag-aaral na
mailapat ang HOTS:

• Mga istratehiya sa pagbasa na gamit nga mag-aaral sa pagpapakahulugan ng


teksto
• Kilos o gawi kung may peer review
• Mga patunay ng mga inilaan na oras sa gawain
• Kakayahan sa pakikilahok sa mga pangkatang gawain
• Mga draft habang gumagawa ng sulatin/komposisyon
• Pakikilahok sa mga talakayang pangklase
• Pagsangguni upang mapabuti ang gawain
• Bumuo ng personal na krayterya o pamantayan
 
d) Pagtatayang Portfolio

• Isang may layuning kalipunan/koleksiyon ng mga gawa ng isang


mag-aaral at nagpapakita ng kanyang panlahat na sigasig, pag-
unlad, at mga natutuhan sa loob ng isang panahon.
• Isang magandang paglalarawan ng pag-iisip ng pagtuturo at
pagtataya. Makikita sa koleksiyong ito ang paano at ano ang
pagkatuto ng isang mag-aaral.
• Ito’y masusing pinili at hindi lahatan o catch all ng mga gawa ng
mag-aaral.
• Ito’y kombinasyon ng process at product assessment na may
ibayong diin sa ebalwasyong pansarili at ebalwasyon ng kapwa
mag-aaral.
Mga Uri ng Evaluation Criteria Gamit sa Pagtatayang Portfolio

• Imbentaryo
• Tala ng mga komperensya
• Rubrics
• Iskala at Tseklist
• Talang anecdotal
• Obserbasyon
• Peer evaluation

 
Mga Maaring Nilalaman ng Isang Portfolio

• Photographs
• Dyornal
• Suring basa
• Sketch/drawings
• Ulat
• Mga sulatin/komposisyon
Mga Uri ng Portfolio

1. Ang Working Portfolio


Layunin: Naipapakita ang tala/koleksiyon ng mga
ginawa ng mag-aaral sa isang particular na klase.
 
Ang working portfolio ay naglalaman ng
koleksiyon ng mga produkto, performance at resulta
ng mga pagsusulit sa loob ng isang takdang
panahon. Kadalasan, ang working portfolio ay
hanguan para sa isang showcase portfolio.
2. Ang Showcase Portfolio o Best Work

Layunin: Naipapakita ang pinakatampok ng mga


gawa ng mag-aaral.
 
Ang showcase portfolio ay kalipunan ng
pinakamagagaling na gawa ng mag-aaral, kasama
na ang mga produkto at performance na maaring
labas na sa pagsusumikap sa mga pagsusulit na
lapis at papel. Kadalasan na ang nakapaloob dito
ay tumutugon sa mga inilatag na ng mga layunin sa
pagkatuto at mga kraytirya.
3. Ang Process Portfolio
 
Layunin:Naipapakita ang gawa/produkto ng mag-aaral sa
iba’t ibang yugto ng pagbuo nito.
 
Sa isang process portfolio ay ang koleksiyon ng lahat ng
impormasyon tungkol sa isang patuloy isinasagawang
proyekto, maaring kasama sa koleksiyon ang mga
dokumento sa pagpaplano, mga draf, resulta ng mga
konsultasyon, mga repleksiyon sa mga yugto ng pagbuo
ng gawain at ang pinal na produkto o performance.
 
4. Ang Cummulative Portfolio o Archival
 
Layunin: Naipapakita ang pinakatampok na mga
gawa ng mag-aaral sa loob ng mahabang panahon.
 
Ang cumulative portfolio o archival ay pagpapakita
ng pagsulong at pag-unlad ng isang mag-aaral sa
loob ng isang mahabang panahon. Karaniwang
nakapaloob ditto ang mga halimbawang hinugot
mula sa isang showcase portfolio. Kailangan din sa
ganitong portfolio ang pana-panahong pagtanaw sa
mga koleksiyon upang hindi ito sumabog
MARAMING SALAMAT
PO SA PAKIKINIG!

You might also like