Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

PARU-PARONG

BUKID
PAGSUSURI NG AWITING BAYAN

IPINASA NI: IVORY MAE D. MONTECILLO


IPINASA KAY: Gng. JANE MENDOZA
Ang paru- paro ay isang uri ng
insketong lumilipad kung saan
madalas na makikitang nakadapo sa
mga bulaklak.

Ang paru-paro ay sumisimbolo sa


mga Pilipinong kababaihan na may
yumi at ganda kapara nito ang pak-
pak na may-iba’t ibang magagarang
disenyo.

Na lilipad-lipad ibig sabihin ay


palakad-lakad.
Sa lirikong ito ipinapabatid ang
pagmamalaki ng ng ganda ng isang
Pilipina na ginamit ang salitang
papaga-pagaspas. Sa gitna ng daan
kung saan maraming matang
makakakita.

Dito masasalamin na hindi


ikinahihiya ng mga Pilipina kung
ano ang kanilang itsura, na kayang
ipagmalaki dahil ito ay biyaya ng
Poong Maykapal.
Kung mapapansin sa liriko ginamit
ang salitang bara katulad ng
paggamit sa bara ng ginto. Ang bara
ay nangangahulugan na makapal na
tela ang ginamit sa tapis.

Hindi basta-bastang tapis lamang


ang ginamit kundi isang magandang
klase. Dahil maraming tao ang
makakakita.
Isang dangkal ang manggas ay
nangangahulugan na halos kalahati
ng braso ang natatkpan.

Ang binibini ay naglalayong


maging konserbatibo, di katulad sa
panahon ngayon madalas ang
pagsusuot ng mga sando ng
kababaihan kung saan ang damit ay
walang manggas.
Ito ay isang sayang may kulay kung saan ang haba ay sayad hangang lupa. Mababatid na kultura
na ng mga Pilipina ang pagsu-suot ng mga mahahabang damit bagama’t tropikal ang klima ng
ating bansa.

Dahil isa sa kataangian ng isang Pilipina ang pagiging konserbatiba sa katawan, kung kaya’t ang
pagpapakita ng masyadong balat ay itinuturing na malaswa.

Kung kaya’t sa panahon ngayon maraming ang tutol sa pagsusuot ng maiikli ng kababaihan
sapagkat nakagisnan na ang pagsusuot ng mahahabang damit na nagpapakita ng koserbasyon sa
katawan.
Ang payneta ay isang palamuti na ginagamit ng mga kababaihan sa
buhok na ipinupusod paitaas. Ang payneta ay pinamamalamutian ng
ibat-ibang bato tulad ng ginto, diyamante at iba pa. Sumasagisag din ito
ng antas ng pamumuhay noon. Ngunit hindi nangangahulugang mga
mayayaman lang ang nakakapagsuot nito, lahat ng kababihan ay
nagsusuot ng payneta at suklay gamit sa pag-aayos ng sarili dahil
sumasagisag ito ng pagmamahal sa Diyos. Hindi nagsisimba ang mga
kababaihan ng hindi naka-ayos ito ay bilang respeto sa Maykapal.
Dito masasalamin na noon pa lamang ay pinaghahandaan na ang
araw ng pagsisimba, kung magsisimba hangang ngayon ay dala-
dala ang kulturang ito, kaya mapapansin na kapag nagsisimba ang
pamilya palaging nakaayos at hindi lamang basta-basta ang suot.
Naguas de ojetes ay isang uri ng burdadong
matigas na saya na may may kalahating punit
na kung mapapansin sa larawan ang nakapatong
sa saya ay ang naguas de ojetes, kung saan
makikita ang kagandahan nito na ipinakikita sa
madla.

Ang dalagang Pilipina, bagama't maiitim ang


balat dahil sa pagkabilad sa araw, ay tunay na
lumalabas ang kinang kapag naayusan
Katulad din ng paruparong bukid na kapag
natatamaan ng sinag ng araw ay naipakikita ang
kagandahan ng disenyo ng kanilang pakpak.
Bawat tahanan ay mayroong altar noong unang panahon, ipinakikita dito na ang mga kababaihan ay madasalin
at ma takot sa Diyos. Bago man manalamin ay haharap sa altar at nanalangin. Ito ay upang masiguradong
maayos ang sarili bago lumabas ng bahay. Noon ay lalabas lamang ang mga kababaihan kapag pupunta sa
simbahan hindi upang mang-akit.

Mapapansin natin sa panahon ngayon ay ugali parin ng bawat Pilipino ang pagtinigin sa salamin bago lumabas
ng kani-kanilang tahanan upang masiguradong maayos ang sarili at disenteng tignan bago makisalamuha sa
ibang tao.
Ngunit ang altar ay hindi na makikita sa bawat tahanan ngayon dahil umusbong na ang iba’t ibang relihiyon,
hindi lamang Romano Katoliko. Ang bawat relihiyon ay may kaniya-kaniyang paniniwala. Datapwa’t may iba-
ibang relihiyon pinapatunayan lamang na ang mga Pilipino ay relihiyoso at may takot sa Diyos.
Natapos na ang gawain sa bukid, maayos na ang mga pangangailangan ng mga
mahal sa buhay, malinis na ang tahanan, maayos na ang sarili, handa nang humarap
sa Diyos, ano pang kailangan, wala na nga di ba? Simple lang ang pangarap na
buhay, kaya nga kampante nang makapaglalakad ng painda-indayog ito ay dahil sa
katiwasayan ng isip at pag-asang may Diyos na magpapala sa araw-araw na
paglipad.
At saka lalakad ng pakendeng-kendeng dahil masayang pupunta sa simbahan
upang purihin ang Panginoon. Nagagalak katulad ng mga paru-paro ay
makakapagaspas sa daan upang ipakita sa nakararami ang pagiging mayumi at
marikit lalo na kapag naayusan.
Samakatuwid, ang pinaka naging inspirasyon ng kantang ito ay ang mga
dalagang Pilipina na naninirahan sa mga bulubundukin ng Pilipinas.

Mababatid din na ito ay nagsimula noong panahon ng Español dahil sa ibang


mga liriko na ginamit at ang mismong pananamit ng kababaihan na saya,
payneta, naguas de ohetes ay makikita sa mga baro ng mga Pilipina noong
panahon ng Español.

Mababatid sa awitin na ito ang pagiging mayumi, ika-nga di makabasag


pinggan na mga kababaihan noong unang panahon at ipinakikita ang pagiging
relihiyoso ng Pilipino bilang impluwensiya ng pananakop ng Espanyol.

You might also like