Sinaunang Kalakalan Sa Mga Kalapit Na Bayan Sa Edited

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

SINAUNANG KALAKALAN

SA MGA KALAPIT NA
BAYAN SA ASYA
• Ano ang sistema ng pakikipagkalan ng mga
sinaunang Pilipino?
• Sa ano-anong mga bansa nakipagkalakalan ang mga
sinaunang Pilipino?
• Ano ang mga impluwensiya o natutuhan natin sa
karatig bansa sa pakikipagkalakalan?
• Ano ang kaibahan sa pakikipagkalakalan noon at sa
ngayon?
2 DALAWANG SISTEMA NG KALAKALAN

1. Barter - pagpapalitan ng kani-kanilang


produkto

2. Salapi - Piloncitos ang tawag sa inukitang


gintong barya na ginagamit ng
mga sinaunang Pilipino sa
pakikipagkalakalan.
Mga Dapat Malaman:
• Dahil sa pangangalakal, umusbong ang maunlad na pamayanang
malapit sa dagat, na naging sentro na rin ng mga kalakalan sa
ating kapuluan.
• Ang mga pamayanang nasa baybayin kung saan umusbong ang
kalakalan ay ang Maynila, Pampanga, Ilocos, Mindoro, Palawan,
Cebu, Butuan, Irong-irong (Iloilo), Sulu, Maguindanao at iba pa.
• Nakikipagkalakalan ang mga pamayanang nabanggit
malalayong kaharian tulad ng Borneo, Ternate (Moluccas), Tsina
at Cham (Vietnam).
A. INDONESIA
• Tinatayang ang kalakalang India-Indonesia at Pilipinas ay naganap
noong 400 CE
• Dahil sa pakikipag-ugnayan sa mga mangangalakal na Indian,
nakapasok sa kultura ng Pilipino ang ilang elemento ng Hinduism,
ang pangunahing relihiyon ng mga Indian.

• Pinaniniwalaang maraming salitang Sanskrit ang naging bahagi ng


ating wika. Ilan sa mga ito ang mga salitang Bathala (mula sa
Sanskrit na bhattara), rajah, sampalataya, champaka, malunggay,
bansa, wika, hari, asawa, mahal, karma, diwata, salita, likha, laksa
at iba pa.
• Noong 1917, natagpuan ng isang Manobo sa Agusan del Sur ang
isang artifact na ginto na isa itong imahe ng isang diyosa sa
Hinduism, si Tara. Pinangalanganan itong Golden Tara ng mga
archaeologist.

• May natagpuan naman sa Palawan na gintong Garuda na


tinatayang nilikha noong ika-14 na dantaon. Ang Garuda ay ang
paniniwalang sagradong agila na sinasakyan ng isa sa mga
pangunahing Diyos ng mga Hindu, si Vishnu.
• Naimpluwensiya rin tayo sa tradisyon ng mga Hindu gaya ng (pamahiin,
kasal, dowry, cremation, pag-aalay upang mabuntis at iba pa)
• Literatura gaya ng Darangen, Indarapatra at Sulayman, Lam-Ang, Ibalon,
Hudhud at Alim.
• Pananamit ( sarong, putong)
• May natatagpuan din sa Surigao na naging koleksyon ng Ayala Museum. Ito
ay mga palamuti, pigurin maskara at kasuotang yari sa ginto. Tinatayang
may edad na ika-10 hanggang ika-14 na dantaon ang karamihan sa mga ito,
kabilang na ang isang mahabang gintong sinturon (upavita) na isinusuot ng
mga Maharlika noon.
B. TSINA
• Ayon sa mga salaysay ni Chao Ju Kua, isang bantog na
mananalaysay mula sa Tsina, masigasig na amg kalakalan sa pagitan
ng ating mga kapuluan at mga Tsino noon pa mang ika-10 daantaon.
Sa kanyang salaysay noong 977 CE, ginamit niya ang mga
katawagang Ma-i (Mindoro), Pa-lao-yu ( Palawan), Pai-pu-yen
(Babuyan Islands) at iba pang lugar na nakipagkalakalan sa mga
Tsino.
• Ilan lang sa mga kalakal natin ang pagkit na dilaw
( yellow wax o beeswax), bulak, kapok, pulot, bahay-pagong,
sandalwood, bunga (betel nut) at mga telang may burda.
• Kinukuha naman natin mula sa mga Tsino ang mga tansong
kaldero, porselanang puti at bughaw, pulang seda, tela, bakal,
ginto, tingga (lead), karayom at pilak.
• Naimpluwensiya tayo sa laro na galing sa Tsino gaya ng larong
(trumpo, sungka, saranggola) tsinelas, payong, bakya, kasuotan,
pagkain mga salita (ate, susi, gunting at iba pa.)
C. ARABE
• Nakarating ang relihiyong Muslim sa ating bansa dahil sa
pagpangangalakal sa mga Arabe noong 1280.
• Naimpluwensya din tayo sa ilang pananamit, pampalasa (spices),
pagsulat (Arabic script), batas (shariah), sining at arkitektura
( paggawa ng bahay, sarimanok, mosque) at mga salita (salamat,
sultan, dayang, arak, pilat at iba pa).
D. HAPON

• Natutuhan naman natin mula sa mga Hapones ang pag-


aalaga ng mga pato, pagpaparami ng mga
isda(breeding), bonsai, sandata at ilang kagamitan sa
pagsasaka.
• Naibenta din natin sa mga Hapones ang ating mga
bulak, ginto at indigo.
• Bukod sa mga Indian, Tsino, Arabe at Hapon
nakikipagkalakalan din sa sinaunang Pilipino ang taga-Champa,
Borneo, Malacca, Moluccas, Siam at Sumatra.
• Nanggagaling naman sa mga kaharian sa Timog-Silangang Asya
ang ilang metal ( bakal, tanso, pilak ) camphor, patis, pulang tela,
pabango, palamuti, batik at alahas. Kapalit naman nito ang
perlas, pagkit (wax), ambergis, cinnamon, dyewood, sandalwood,
sigay (cowrey shells), abaka, tela at bulak.
• Malaki ang epekto ng lokasyon at heograpiya ng Pilipinas sa
pag-unlad ng mga pamayanan ng mga sinaunang Pilipino.
• Kapansin-pansing naging mahaba ang kasaysayan ng
pakikipagkalakalan ng mga Filipino sa mga dayuhang
mangangalakal. Nangangahulugan lang na ang magandang
ugnayan ito ay dahil sa mga taglay na katangian ng mga Filipino
gaya ng pagiging tapat at mapagkakatiwalaan.
SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD:

• Ano ang kahalagahan ng kalakalan?


• Paano ito nakatutulong sa pag-unlad ng ating
pamayanan noon at ngayon?
• Magbigay ng ilang halimbawa ng impluwensya sa ating
kultura ng pakikipagkalakalan ng sinaunang Pilipino.

You might also like