Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

“ IBONG MANDARAGIT”

NI AMADO V. HERNANDEZ
A. Pamagat
Ibong Mandaragit
Ni: Amado V. Hernandez
B. Mga Tauhan
Mando Plaridel-gerilyong sumisid sa kabangkal ng mga kayamanan ni Simon;
isang lider sosyalista.

Andoy-bago naging Mando Plaridel.


Dolly Montero- anak na dalaga ng mayamang Familia Montero.
Puri-anak ng magsasaka, pinakamarilag na binibini sa mga baryong
saklaw ng Hacienda Montero sa gitnang Luzon; pinsan at kasintahan ni
Mando.
Don Segundo Montero- asendero at puno ng sindikato ng mga
kontradista.
Tata Matyas-matandang rebolusyonaryo na nakatira sa isang kubo sa
Sierra Madre, nagging ama-amahan ni Mando.
Dr. Sabio-syentipiko’t intelektwal na pangulo ng Freedom University.
Magat-matapang na lider ng mga disiplinado sa Timog Luzon;kaibigan ni
Mando Plaridel.
“Ang Presidente”(Iba sa sinumang naninirahan sa Malakanyang.)
Senador Botin-mambabatas na makalayon.
Capitan Pugot-dating kolaborator ng Hapon na ngayo’y engkargado ng
Hacienda Montero.
General Bayoneta-Militar na banay salakay; manugang ni Son Tua.
Gobernador Doblado-isang baluktot na punong lalawigan.
Pastor-lider magsasaka at ama ni Puri.
Mang Tumas-matandang lider ng mga Kasama sa Hacienda Montero.
Danoy-binatang lider ng mga magbubukid.
Andres-lider ng “Makapili” sa panahon ng Hapon na naging katulong
nina Mando at Magat pagkatapos ng digmaan.
Rubio-lider ng mga obrero industriyal.
Coronel Moto-punong Hapones sa Maynila sa panahon ng pagsakop,
nagging nobyo ni Dolly Montero.
Son Tua-milyonaryong Intsik na nagkasalapi sa mga kontrabando.
Pong-Tua-Son-anak na binate ni Son Tua, isang arkitekto.
Lieutenant Whitey-abyador Amerikano na naging “boyfriend” ni Dolly.
Captain Green-isa pang abyador na Amerikano.
Lilibeth-isang mestisang kaibigan ni Dolly.
Martin-gerilyerong naging kasamahan ni Mando.
Karyo-gerilyerong naging kasamahan ni Mando.
Iman-reporter ng Kampilan.
Donya Ninay-asawa ni Gobernador Doblado.
Tindeng-kulasisi ni Gobernador Doblado.
Helen-ahente ng mga alahas sa Paris.
Mike-ahenteng Amerikano ni Mando.
Coronel Mosia-diplomatong Latino-Amerikano.
C. Tagpuan
- Sa Hacienda Montero
- Sa Sierra Madre
- Sa bahay ni Tata Matyas
- Sa bahay ni Gobernador Doblado
- Sa himpilan ng pahayagang Kampilan
D. Suliranin
1. Paano mababago ang Pamamalakad ni Don Segundo Montero sa
kanyang mga tauhan.
2. Paano matatamo ng mga magsasaka ang kanilang karapatan at
kalayaan.

E. Tema/ Paksa
Ang pagmamalabis ng mga asendero, mayayaman at may
katungkulan sa mga paghihirap.
F. Mga Simbolo
1. ibong mandaragit
2. Mga kabangyaman ni Simoun o mga alahas
3. Phayagan o peryodiko
4. Pangalang “Dolly” at “Puri”
G. Mga Pahiwatig
1. Ang paniniwala ni Mando na dapat silang magtayo ng isang
pahayagan.
2. Ang katahimikang bumabalot sa Hacienda Montero.
3. Ang paglilihim ni Mando ng kanyang tunay na pagkatao kina Tata
Matyas at Puri.
4. Ang palihim na pagsasagawa ng hakbang ng mga magsasaka laban
sa pamamahala ni Don Segundo.
5. Ang pag-uwi ni Dona Julia sa Pilipinas na hindi kasama si Dolly.
H. Mga Magagandang Pahayag
1. “Di lahat ng sugat ay palatandaan ng masamang pangyayari”.
2. “Ang gusto naming ay hindi lamang lupa kundi hustisya.
Danga’t sa buhay ng isang magsasaka, ang lupa’y sagisag ng
hustisya.”
3. “Inuulit ko na ang unang grabeng sakit ng ating baya’y
kamangmangan.”
4. “Naniniwala ang bayan na ang mga putting umaho’y kanyang
tagapagligtas gayong siya’y dinambong at dinarambong.”
5. “Babali k bilang katuparan ng pag-asa ng nasirang Rizal sa ‘ting
kabataan. Di ka mapapatulad sa makatang Isagani na nagkakasiya sa
pangangarap ni kahabag-habag na Basiliong walang sinikhay kundi
maging ang mga manggagamot at guminhawa at tikis na magpatay-
patayan sa kasamaang nakapaligid, hindi ka babalik na alangan sa lupa’t
langit.”
6. “Huwag daanin sa patayo ang nakukuha ng paupo.”
7. “Malusaw at mawawala sa kamay na parang isang tipak ng yelo ang
gaano mang kayamanan, kung ang may hawak ay hindi nag-aangkin ng
talino sa paggamit.”
8. “Sa isang eleksyon, ang naghahalal ay ang nakararami. At sa
nakararami ay kakaunti ang may talinong panuto, karamiha’y
inuudyukan ng kapakanang pansarili, ng simbuyo ng kalooban, o kaya’y
ng maruming pag-iimbot.”
9. “Ang talagang hustisya’y di-magbabago ng kolor ng salamin.”
10. “Walang karapatan ang sino man na mabuhay sa pawis ng iba.”
“ANAK NG LUPA”
NI DOMINGO LANDICHO

Tauhan:
Toryo - anak ni Ka Tales; matalino
- kasintahan ni Bining
- inaasahang mag-aahon sa nayon ng Makulong at gaganda
ang buhay
Oyo- - kababata ni Toryo at may lihim na pagtingin kay Bining.
- nag-iisang anak nina Ka Garse at Ka Antang
- pinagpipitagan sa pagsasaka
Bining - anak nina Ka Anane at Ka Sepa
- naging kabiyak ni Oyo
Ligaya - anak ni Ka Bisyong at kapatid ni Oden
- hinalay ni Marco
Oden - matalinong anak ni Ka Bisyong
-nagnanais na maging pulis
Ka Tulume- albularyo ng nayon
Senyor Martin- ama ni Karen at halos buong Makulong ay pag-aari niya.
Karen - nag-iisang anak ni Senyor Martin na may pagtingin kay Torio
Kabesang Ote- nagmamay-ari ng patahian sa Makulong
- ama ni Marco
Nyora Tinay- asawa ni Kabesang Ote
Kapitan Berong- punong barangay ng nayon
Emong- anak nina Ka Sabel at nag-iisang anak
Elay - kababata nina Bining at asawa ni Emong
Tagpuan:
Ang lahat ay nangyari sa isang nayon ng Makulong. Ang naghahari ay ang mga
panginoong maylupa at napasasailalim ang mga kasama.
Ang mga taga-nayon ay biglang nabago nang magkaroon ng mga pagbabago sa nayon.
Nagsimula ang lahat bago magpasukan.

Suliranin:
Ang mga magulang sa nayon ay naghahangad na mapabuti ang kanilang mga anak.
Ang paghahangad na mabago ang kapalaran ang hiling ng mga magulang. Samantalang
ang iba’y tumututol sa pagbabago at nagsasabing magdudulot din ito ang kamatayan.
Ang lahat ay nagimbal sa mga pagbabagong naganap na naging sanhi ng mga
pagkakaroon ng trahedya sa nayon ng Makulong.
REAKSYON
Ang nobelang “Anak ng Lupa” ni Domingo Landicho ay naglalarawan ng pagbibihis ng nayon mula sa
isang makalumang kultura patungo sa nababanghay na ideyolohiya ng lunsod. Pinapakita nito ang
pagkakaiba ng nayon at lunsod sa iba’t ibang aspeto. Gayundin ay ang pakikitungo ng Panginoong
Maylupa sa mga kasama. Ang mga pangarap ng mga munting anak ng lupa na mabago at mapaganda ang
takbo ng kani-kanilang buhay. Ito ay makikita sa pakikipaglaban ng mga pangunahing tauhan. Sina Toryo,
Oden, Oyo, Bining at Ligaya ay mga kabataang puno ng pag-asa na mababago at maisasaayos ang kanilang
kalagayan sa buhay. Si Toryo at Oden na may angking talino ay nagnanais na makatapos sa pag-aaral
upang maiahon sa hirap ang kanilang buhay. Si Oyo na lakas ng pangangatawan ang puhunan upang
mabuhay ang pamilya at sina Bining at Ligaya na larawan ng mapagmahal na mga babae at handing
tumulong sa kanilang pamilya. Ang pakikihamok ng mga tuhan ay kinakitaan ng katatagan, pagtutulugan
at pakikiramay, gayundin ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa anak lupa.
Ang pamagat mismo ng nobela ang maaaring makapagsabi ng kwentong tinatalakay. Isa itong realidad
sa ating lipunan. Mga katotohanang kayhirap baguhin at mga pangyayaring mahirap tanggapin.
REKOMENDASYON
Ang nobela ay isang magandang babasahin at pag-aralan dahil sa mga
ipinakita nitong sitwasyon ng lipunan. Naangkop itong basahin ng mga
mag-aaral sa mataas na paaralan at kolehiyo upang maging bukas ang
kanilang isipan at gayundin ay makatulong na malutas ang mga suliraning
makikita sa nobela.
Ang isang kontemporaryong nobela tulad nito ay marapat lamang na
pagtuunan ng pansin at sana ay mabigyan din ng kaukulang aksyon sa mga
hinaing na inihahatid nito. Bawat isa sa atin ay may karapatan na sana’y
magbigay daan sa atin na maging mapanuri at ipaglaban ang mga bagay na
nararapat nating paningan.
URI NG DULA
May dalawang pangunahing uri ng dula:

KOMEDYA- Kapag masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob


at ang bida ay laging nagtatagumpay.

TRAHEDYA- Kapag malungkot at kung minsan pa’y nauuwi sa isang


matinding pagkabigo at pagkamatay ng bida.
IBA PANG URI NG DULA
Komedya ng Kaugalian- “Comedy of Manners: ang dula na tumatakay
sa umiiral na panlipunang kaugalian. “fashions”, mga pani-
niwala, gawi at kalakaran ng isang particular na panahon
at lugar.
Sentimental na Komedya- isang dulang karaniwang nakikita sa mga
panradyo at pantelebisyon. Karaniwang paksa ang mga
romansa ng kabataan, pagkawala ng isang myembro ng
pamilya, pagkamakabayan, pagpapakaakit, at nawalang
pag-ibig.
Dulang Panlipunan- “Social Drama”- isang dulaang nauukol sa lipunan
at ang suliranin nito.
Sainete- isang maikling dulang masaya na ang karaniwang paksa’y ang
karaniwang ugali ng tao.
Parodia- isang dula na kung saan ang mga tauhan ay nanggagaya ng
tahasan sa pangungusap at kilos ng isang tao sa tunay na
buhay sa lipunan
Parsa- isang dulang labis ang pagpapatawa at may layuning magbigay
aliw.
Burlesque- isang dulang katatawanan at punung-puno ng biruan na ang
ang wakas ay hindi inaasahan ng manonood.
Sketch- isang dulang pambodabil, may payasong nagpapatawa at may
palasak na awitin at tugtugin.
Romantika- isang dulang may pagka-seryoso. Nagtataglay ng matulaing
wika.
Pantasya- isang romansang dula. Hindi makatotohanan ang tagpuan at
ang mga tauhan ay bunga ng guniguni.
Melodrama- ay isang dulang isinulat upang makaantig ng kagyat
matinding damdamin sa pamamagitan ng labis na pagbibigay-
diin sa takbo ng pangyayari kaysa sa mga magusot na pagsasatao
at mga pangyayari.
ANG DULANG BUHAY PINOY

Ang Dulang “Ang Buhay Pinoy”- ay nagtatanghal ng dalawang


mukha ng pag-uugaling Pilipino. Ang una ang
larawang nakalilimot at pangalawa ang larawang
nakikibaka.
I. Pagsusuring Pangnilalaman
Banghay- pasalaysay na sunud-sunod ng mga pangyayari sa dula.
Paglalahad- paunang sitwasyon. Ito ay gawa na nangunguna sa unang
tagpo na magpapaliwanag sa banghay ng dula.
Pangunahing Insidente- ang siyang nagbubukas sa banghay. Ito’y daan
sa paglalahad ng buong pangyayari sa banghay.
Pataas sa Kiloa “Rising Action”- nauukil sa mga sunud-sunod na mga
pangyayari tungo sa makapigil hiningang kasukdulan sa dula.
Tauhan- nagbibigay buhay sa dula. May dalawang pangunahing tauhan,
sa isang dula ang antagonista at protagonist. Protagonista ang
bayani sa dula.
Tagpuan- ito ang lugar kung saan ginaganap ang dula.
Yugto- pinakakabanatang paghahati sa dula.
Eksena- bumubuo ng isang yugto.
Tagpo- bumubuo sa eksena, ito ang paglabas at pagpasok ng kung
sinong tauhang gumanap o gaganap sa eksena.
II. A BOARDING HOUSE
A.1 Tauhan
Andres- ang utusan sa boarding house at siyang tagapakilala sa ibang
tauhan at tagasalaysay sa dula.
Marco Hinares o Mike- Ang pangunahing tauhan sa dula. Siya ay
mabait sa kanyang boarder at medaling kausapin. Isa siyang
manunulat sa isang pahayagan at landlord ng isang boarding
house.
Jason- kaibigan at kaklase ni Mike noong nag-aaral pa sila sa kolehiyo.
Isa siyang rebelde na nagbabalak sumuko sa pamahalaan dahil sa tag-
lay niyang sakit sa utak.
Paul- boarder ni Mike at nagtatrabaho sa isang bar upang maipadala sa probinsya para sa
gamot ng kanyang kapatid na may sakit.
Don- boardr ni Mike at nag-aaral ngunit may problema sa pamilya kaya
siya ay pinatigil. At nagtrabaho na rin sa bar upang kumita ng pera.
Perly- kasamang manunulat ni Mike sa pahayagan at girlfriend ni Paul.

Ang tauhan sa dula ay nararapat maging kapani-paniwala. Sila ay dapat


maging mukha ng isang buhay ng tao, sa katauhan, salita at galaw.
At nararapat maging buhay sa mga manonood.

Sa dulang ito hindi masyadong naging kapani-paniwala sa mga nanonood ang


ang mga artistang gumanap sa mga tauhan. Nagampanan ng mga
mandudula ang kani-kanilang bahagi ngunit marami silang nagging mali.
Gayunpaman, nababagay ang mga mandudula sa katauhang kanilang ginagampanan.
A.2 Tagpuan
Ang tagpuan sa dula ay sa loob ng isang boarding house. Ako ay
nakaramdam ng pagkabagot sa tagpuan dahil ito ay iisa lamang at
walang pagbabago.
A.3 Suliranin
Ang suliranin ditto ay umiikot sa kanya-kanyang buhay ng bawat
tauhan. Silang lahat ay may problemang kinakaharap at naghahanap ng
lunas.
A.4 Banghay
Nagsimula ang tagpo sa pagpapakilala ni Andres sa pangunahing tauhan na
si Mike at ang pagsabing may kakaibang katangian ang boarding house kung
saan siya naninilbihan. Dito nakukuha ng pahiwatig sa mga mangyayari ang mga
nanonood. Ang pagdating ni Jason ang pangunahing insedente. Sinundan ng
pagdating ni Paul na may problema. Paglalahad ni Don kay Mike tungkol sa
kanyang problema sa pera. Pag-alis ni Jason ng walang paalam. Pagpapatigil ng
pag-aaral kay Don ng kanyang mga magulang. Paghingi ng tulong ni Don kay
Paul. Pagkatuklas ni Mike sa lihim ni Jason. Ang pagkatao ni Jason at Mike.
Pagkamatay ni Jason. Pag-uwi ni Paul sa probinsiya. Pagtatrabaho ni Don sa bar.
Pagpaplano ni Mike na iwan ang pagsusulat at pamumuhay ng simple sa
probinsiya.
Ang dula ay kailangang maglarawan ng sunud-sunod na pangyayari,
pataas ng pataas ang tunggalian tungo sa kasukdulan at ng kagyat na
pagwawakas kapag nakalas na ang mga buhol o sagabal at
nagtagumpay ng sa tauhang magkatunggali.
Maayos na nailahad sa dula ang pagkasunud-sunod ng mga
pangyayari. Ang kasukdulan ay ang pagtatalo ni Jason at ni Mike. Pataas
ng pataas ang tunggalian hanggang umabot sa sukdulan at bumaba ang
tunggalian hanggang wakas.
A.5 USAPAN, GALAW AT PANGYAYARI
Ang tagumpay ng isang dula ay nakasalalay sa kahusayan sa paggamit ng
usapan, kilos o paglalahad ng mga pangyayari sapagkat dito nakasalalay
ang magiging maayos na paglalarawan ng tauhan, paglalahad ng paksa at
banghay. Ang mga tauhan sa dula ay kailangang maging makatotohanan,
yaong mga tunay na tauhang gumaganap at nagsasalita sa tunay na buhay
at kumakatawan sa mga uri ng kababaihan at kalalakihan sa isang tiyak na
pook o bayan. Hangga’t maaari kailangang maipadama ng mandudula sa
manonood na ang nagsasalitan tauhan ay isa sa kanila.
Ang galaw ay siyang buhay ng dula. Kailangang palaging may mangyari
upang manatili ang interes ng manood. Kailangang mailarawan ito sa mga
tauhan sa tanghalan sa pamamaraan ng kanilang galaw at usapan.
A.6 ESTILO
Nauukol sa paraan ng pagkakasulat at pagkakatanghal ng dula,
karaniwang angkop sa pyesa, tema ng dula at ang uri ng reaksiyon na
inaasahan ng mga manonood.
Ang dula ay may estilong realismo sapagkat ito ay naglalarawan ng
isang makatotohanang pangyayari sa buhay sa tanghalan.

A.7 URI NG DULA


Ito ay dulang trahedya sapagkat ang tauhan ay nakaranas ng
pagpapakasakit at nakaramdam ng pagkabigo at kalungkutan.

You might also like