Professional Documents
Culture Documents
Yugto NG Pag Unlad
Yugto NG Pag Unlad
KULTURAL SA ASYA
A. PANAHONG PALEOLITIKO
Tinatawag ding “ Panahon ng Lumang Bato “
( Old Stone Age )
Nagmula ang Paleolitiko sa mga katagang
paleos o matanda at lithos o bato.
Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng
sangkatauhan
Maiuugat sa pagsissimula ng paggamit ng
kasangkapang bato ng mga Hominid
Unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga
sinaunang tao.
LOWER PALEOLITHIC PERIOD
Nagwakas dakong 120000 taon na ang nakararaan
Pinakamaagang pannantili ng tao sa daigdig
Hindi pa lumikha ng mga kasangkapan
Ang Homo Habilis ay nangangahulugang able man o
Handy man dahil sila ang unang species ng hominid
na marunong gumawa ng kagamitang bato
Sinundan ng mga Homo erectus nang higit na may
kakayahan sa paggawa ng kagamitang bato
MIDDLE PALEOLITHIC PERIOD
Paglitaw ng makabagong tao
Umusbong ang pagiging artistiko ng
mga tao sa pagpipinta sa katawan at
pagguhit sa bato
Nabuhay ang taong Nenderthal na
natuklasan sa Germany ang mga
labi.
UPPER PALEOLITHIC PERIOD
Nagkaroon na ng mga unang pamayanan
sa anyong mga campsite na kadalasang
matatagpuan sa mga lambak
Ang mga yaong Neanderthal ay nawala
sa panahong ito at napalitan ng Taong
Cro-Magnon
Lumitaw ang mga komplikadong
pagpapangkat sa lipunan.
PANAHONG NEOLITIKO
Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay
tinatawag na Panahong Neolitiko o Panahon
ng Bagong Bato
Hango sa salitang Greek na neos bago at
lithos o bato
Ang terminong neolitiko ay ginagamit sa
arkeolohiya at antropolohiya upang italaga
ang isang antas ng ebolusyong
pangkalinangan o pagbabago sa pamumuhay
at teknolohiya
Kilala ang panahong ito sa paggamit ng
makikinis na kasangkapang
bato,permanenteng paninirahan sa
pamayanan,pagtatanim paggawa ng palayok
at paghahabi.
Naganap sa panahong ito ang Rebolusyong
Neolitiko o sistematikong pagtatanim.
Isa itong rebolusyong agrikultural sapagkat
natustusan na ang pangangailangan sa
pagkain
Ito rin ang nagbigay-daan sa permanenteng
paninirahan sa isang lugar upang alagaan ang
mga pananim.
Catal Hayuk – isang pamayanang Neolitikong
matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng
Gitanang Anatolia ( Turkey ngayon )
Isang pamayanang sakahan
May populasyong mula 3000-6000 katao
Magkakadikit ang mga dingding ng kabahayan
at ang tabing pasukan ng isang bahay ay
mula sa bubungan pababa sa hagdan.
Inililibing ang mga yumao sa loob ng kanilang
bahay
May paghahabi,paggawa ng alahas,salamin at
kutsilyo.
PANAHONG METAL
Panahon ng Tanso
Naging mabilis ang pag –unlad ng tao dahil sa
tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa
kagamitang yari sa bato
Nagsimula gamitin ang tanso noong 4000 BC sa
ilang lugar sa Asya at 2000 BCE sa Europe at
1500 BCE naman sa Egypt
Nalinang na mabuti ang paggawa at
pagpapanday ng mga kagamitang yari sa bato.
PANAHON NG BRONSE
Naging malawakan na noon ang paggamit ng bronse
nang matuklasan ang panibagong paraan ng
pagpapatigas dito.
Pinaghalo ang tanso at lata ( tin ) upang makagawa
ng hihit na matigas na bagay.
Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa mula
sa tanso tulad ng
espada,palakol,kutsilyo,punyal,martilyo,pana at
sibat
Sa panahong iyo natutong makipagkalakalan ang
mga tao sa mga karatig- pook.
PANAHON NG BAKAL
Natukalsan ang bakal ng mga Hittite,isang
pangkat ng Indo Europeo na naninirahan sa
Kanlurang Asya dakong 1500 BCE
Natutuhan nilang magtunaw at magpanday
ng bakal
Matagal nilang pinanatiling lihim ang
pagtutunaw at pagpapanday ng bakal.
Nang lumaon ,lumaganap ang paggamit ng
bakal sa isa pang kaharian.