Mga Sitwasyong Pangwika

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Mga Sitwasyong

Pangwika sa Pilipinas
Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino, sa
mahabang kasaysayan nito ay Nakita natin ang paglago,
pag-unlad at pagbabago ng ating wika. Malaki ang epekto
ng makabagong teknolohiya sa ating wika.
Nasaan na nga ba o ano na nga ba ang kalagayan ng
wikang Filipino sa ika-21 siglo sa iba’t ibang
larangan?
Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
 Ang telebisyon ay itinutturing na
pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan
dahil sa dami ng mamamayan na naabot nito.
 Sa paglaganapan ng cable o satellite connection ay
lalong dumami ang manonood saan mang sulok ng
bansa.
 Malakas ang impluwensiya ng wikang ginagamit sa
telebisyon sa mga iba’t ibang probinsya
Hal:
Paskil/ Babala sa paligid
pagtatanong ng direksyon
Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo
 Filipino rin ang nangungunang wika sa radio, AM
man o FM.
 Mayroong programa sa FM tulad ng Morning Rush,
na gumagamit ng Ingles sa pagbobroadcast ngunit
ang nakararami ay gumagamit ng Filipino.
 Sa diyaryo naman, Ingles ang ginagamit sa
broadsheet at Filipino sa Tabloid.
 Tabloid ang mas binibili ng masa dahil sa mas mura
at nakasulat sa wikang higit na naiintindihan.
 Ang antas ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid
ay hindi ang pormal na wikang karaniwang
ginagamit sa broadsheet.
 Ang mga headlines ng tabloid ay malalaki at
sumisigaw na nakakapang-akit ng mga mambabasa.
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula
 Mas maraming banyagang pelikula ang naipalabas s
ating bansa, ngunit ang local na mga pelikulang
gumagamit ng midyum na Filipino at barayti nito ay
tinangkilik din.
 Sa 20 nangungunang pelikula noong 2014, lima sa
mga ito ang local na tinatampikan din ng local na
mga artista. Iyon nga lang Ingles ang mgapamagat
ng mga pelikulang ito.
 Hindi na matatawarang Filipino ang wika ng
telebisyon, dyiryo at pelikula.
Sitwasyong Pangwika sa
Iba pang anyo ng Kultura
Isa sa katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa
patuloy na paglago ng wika ay umusbong ang iba’t
ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin
ng mga pagbabagong pinalalaganapng media.
FlipTop
 Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap
 “Modern Balagtasan”
 Bersong nira-rap ay magkatugma ngunit walang
malinaw na paksang pagtatalunan.
 Kung ano lang ang paksang sinimulan ng naunang
kalahok ay siyang sasagutin ng katunggali.
 Di gumagamit ng pormal na wika.
 Walang iskrip
 Pang karaniwang gumagamit ng mga salitang
nanlalait para makapuntos sa kalaban.
 Laganap ang Fliptop sa mga kabataan, may Malaki
na silang samahan na nagsasagawa ng mga
kompetisyong tinatawag na “Batlle League”.
 Kinatatampukan ng 2 kalahok, mayroomg 3 rounds
at ang mananalo ay dinedesisyunan ng hurado.
 Mayroong mga Fliptop na isinasagawa sa wikang
Ingles subalit ang karamihan ay sa wikang Filipino.
 Napapalaganap sa pamamagitan ng Youtube.
 Sa ngayon ay marami na ring paaralan ang
nagsasagawa ng Fliptop lalo na sa tuwing
ginugunita ang Buwan ng Wika.
Pick up Lines
 Sinasabing ito ang makabagong bugtong, kung saan
may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas
maiugnay sa pag-ibig at ibang aspekto ng buhay.
 Sinasabing nagmula sa mga boladas ng mga
binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin at
mapa-ibig ang dalagang nililigawan.
 Kung may angkop na salitang angkop na
makapaglalarawan sa pick-up line, masasabing ito’y
nakakatuwa, nakakapagpangiti, nakakakiliti, cute,
cheesy at masasabi ring corny.
 Naririnig sa usapan ng mga kabataan.
 Nakikita rin sa Facebook, Twitter at iba pang social
media sites.
 Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay
karaniwang Filipino at ang mga barayti nito, subalit
nagagamit din ang Ingles at Taglish.
 Kailangan ang mga taong nagbibigay ng pick-up
lines ay mabilis mag-isip at malikhain para sa ilang
sandali ay maiugnay o mai-konekta ang kanyang
taning sa isang napakaikling sagot.
 “BOOM” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag
ang koneksyon.
 Nauso ito dahil sa impluwensiya ni “Boy Pick-up” o
Ogie Alcasid sa programang Bubble Gang sa isang
segment.
 Naging matunog din ito lalo na sa mga talumpati ni
Senadora Miriam Defensor Santiago.
 Tinatawag ding love lines o love quotes.
 Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na
nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy o minsa’y
nakakainis.
 Karaniwang nagmula ito sa linya ng mga tauhan sa
pelikula o telebisyon na nagmarka sa puso’t isipan
ng mga manonood subalit madalas nakakagawa rin
ng sariling hugot lines ang mga tao depende sa
damdamin o karanasang pinagdadaanan nila sa
kasalukuyan.
 Minsan ang mag aito ay nakasulat sa Filipino subalit
madalas, Taglish ang gamit na salitan sa mga ito.

“Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako o kailangan


mo ako kaya mahal mo ako?”

Claudine Baretto
bilang Jenny
Milan (2004)
“She loved me at my worst. You had me at my best,
but binalewala mo lang ang lahat … and you chose to
break my heart”
-John Lloyd Cruz Bilang
Popoy
One More Chance (2007)
Gumawa ng tatlong Hugot Lines na ang tema ay
tungkol sa inyong karanasan sa pag-aaral sa panahon
ngayong may pandemya.

You might also like