PATAKARANG PANG- EKONOMIYA KAUGNAY SA IMPORMAL NA SEKTOR Mga Batas REPUBLIC ACT 8425
Itinatadhana ng batas na ito ang
pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa mga disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala, at maging ekolohikal. Isinulong din ng batas na ito ang tinatawag na Social Reform Agenda (SRA)na naglalayong iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor. Itinatag din ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) bilang ahensiyang tagapag-ugnay at tagapayo tungkol sa mga usaping may kinalaman sa mga bumubuo sa impormal na sektor. REPUBLIC ACT 9710
Kinilala bilang Magna Carta of Women.
Kumikilala ito sa ambag at kakayahan ng kababaihan para itaguyod ang pambansang kaunlaran. Sa ilalim ng batas na ito ay inaalis ang lahat o anumang uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan, kinikilala at pinangangalagaan ang kanilang karapatang sibil, politikal, at pang- ekonomiko gaya na lamang ng karapatan para makapaghanapbuhay at maging bahagi ng lakas-paggawa, katiyakan para sa kasapatan ng pagkain at mga pinagkukunang-yaman, abot-kayang pabahay, pagpapanatili ng kaugalian at pagkakakilanlang kultural (cultural identity) at iba pang panlipunang aspekto. PRESIDENTIAL DECREE 442
Ito ay mas kilala bilang Philippine Labor
Code na naisabatas noong Mayo 1, 1974. Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa. Ito ay naglalaman ng mga probisyon para sa “espesyal na manggagawa”---kabilang ang mga industrial homeworker, kasambahay, batang manggagawa, at kababaihan---na kabilang sa impormal na sektor. Batay sa Book 2, Title II of the Labor Code,ito ay may probisyon tungkol sa pagsasanay na dapat ipagkaloob sa mga manggagawa upang mapaghusay pa ang kanilang mga kasanayan. REPUBLIC ACT 7796
Ito ay ang Technical Education and
Skills Development Act of 1994na nilagdaan bilang batas noong Agosto 25, 1994. Layunin ng batas na ito na hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng industriya, paggawa, lokal na pamahalaan, teknikal, at bokasyonal na mga institusyon upang mapaghusay ang mga kasanayan para sa pagpapataas o pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao ng ating bansa. REPUBLIC ACT 8282
Ito ay tinatawag din bilang Social
Security Act of 1997. Itinatadhana ng batas na ito na tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa. Higit sa lahat kung sila ay dumanas ng pagkakasakit, kapansanan, panganganak, pagsapit sa katandaan (old age), at kamatayan. Ipinatupad ang Social Security System (SSS)bilang ahensiya ng pamahalaan na may tungkulin para itaguyod ang Panseguruhan ng Kapanatagang Panlipunan ng mga Pilipino. REPUBLIC ACT 7875
Ito ay naging batas noong Pebrero 7,
1995 at kinilala bilang National Heath Insurance Act of 1995. Sa pamamagitan nito ay naitatag ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth)na naglalayong mapagkalooban ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at sistematikong kaseguruhang pangkalusugan. Nakapaloob sa programang ito na ang pamahalaan ay magkakaloob ng subsidy sa mga mamamayan na walang sapat na kakayahang pinansiyal. Mga Programa at Proyekto DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)
Ang programang ito ay
ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga pagsasanay ng mga mamamayan partikular na para sa mga self-employed at mga walang sapat na hanapbuhay. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K)
Isa sa mga pangkabuhayang
programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay upang mapaunlad ng mga mahihirap na pamilya ang kanilang mga kasanayan at makapagsimula ng sariling negosyong pangkabuhayan at pagtatayo ng mga samahang panlipunan na maaaring magpautang sa mga kasapi gaya ng Self- Employment Kaunlaran Associations (SKA’s). INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS (ISLA)
Ang proyektong ito ay para sa
mga munisipalidad o bayan na ang pangunahing ikinabubuhay ay pangingisda. Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga pagsasanay upang mas mapaghusay pa nila ang kanilang hanapbuhay. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP)
Ito ay programa ng Department of
Social Welfare and Development (DSWD), na kung saan sa ilalim nito, ang mga biktima ng kalamidad o mga evacuee ay bibigyan ng kabayaran kapalit ng serbisyong kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga nasalantang lugar.