Mga Implikasyon NG Unemployment

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Mga Implikasyon

ng Unemployment
Aralin 2
Mga Epekto sa Indibiduwal
• Ang ganitong sitwasyon ay nagdudulot ng lubusang paghihirap at
mas mababang antas ng pamumuhay dahil kailangang umangkop
ng indibiduwal sa lifestyle o uri ng pamumuhay na kaniya lamang
makakayanan.
• Napipilitan ang ibang indibiduwal na pumasok sa trabaho na may
mas mababang kwalipikasyon kaysa sa kanilang kakayahan
• Ang kawalan ng trabaho ay nagdudulot din ng mga suliraning
sikolohikal tulad ng anxiety, stress, at depresyon na siya namang
nagiging risk factors sa iba’t ibang sakit tulad ng malnutrisyon
• Nagdudulot din ang unemployment ng mga negatibong pananaw
sa sarili o kakayahan
Mga Epekto sa
Industriya at Negosyo
• Ang kawalan ng trabaho ay nagbibigay ng oportunidad para sa mga
negosyante na kontrolin ang labor market sa pamamagitan ng
pagtatakda ng pasahod, kontrata, uri ng trabaho, at anupamang
kasunduan sa pamamagitan ng negosyo at manggagawa
• Nakapamimili rin ang mga negosyante ng iba’t ibang produkto o hilaw na
materyales na makapagpapalawak ng kaniyang tubo
• Kung ang negosyo ay may kakayahang mag-invest sa makinarya,
maaaring piliin nito na bumili na lamang ng mga makabagong kagamitan
na makapagpapabilis ng produksyon kumpara sa pagkuha ng mga
empleyado na gagamit ng manual labor o trabaho na walang tulong mula
sa anumang makinarya.
Mga Epekto sa Pamahalaan at
Estado

• Mas kaunting pondong makokolekta ng pamahalaan, na sa bandang huli


ay makaaapekto naman sa pagpapatupad ng mga panlipunang tungkulin
ng pambansang pamahalaan.
• Sa panahon na ang pamahalaan ay nawawalan ng kakayahang magbigay
ng karampatang serbisyo, mas bumababa pa ang kalidad ng pamumuhay
ng mga mamamayan.
• Kung mabagal na paglago ng ekonomiya dahil sa kawalan ng trabaho,
ang mga ugnayan o plano na ibinabalangkas ng estado sa iba pang bansa
ay maaaring hindi matuloy.
Sagutin ang sumusunod na tanong:

1.Ano ang kinalaman ng unemployment sa


pangangailangan at kagustuhan ng mga
indibiduwal?
2.Sa anong paraan nakatutulong para sa mga
kumpanya at industriya ang pagtaas ng bilang ng
mga walang trabaho?
3.Saan napupunta ang buwis na regular na
ibinabayad ng mga manggagawa sa pamahalaan?
Sa iyong palagay, kaya ba ng isang
estado na tuluyang lutasin ang
suliranin ng unemployment?

You might also like