Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PAGBUO NG TALUMPATI

Ang pagtatalumpati ay isang sining ng pagpapahatid ng isang


mensahe o kaisipan hinggil sa isang mabisa o napapanahong paksa
sa mga tagapakinig sa pamamagitan ng wasto, mabisa, at
madamdaming pagbigkas
Ang isang talumpati ay may iba't ibang layuning tulad
ng sumusunod:

1. Makapagbigay ng Kabatiran o Kaalaman- Layunin nitong mabigyan ng


mga bagong kaalaman o kabatirang makapagdaragiag sa mga dati nang
kaalaman ng mga tagapakinig.
2. Makapagturo at Makapagpaliwanag- Ang isang tatumpati ay maaaring
makapagturo o makapagpaliwanag ng bagong paraan o paniniwalang kaugnay
ng isang ideya o kaisipan. Makatutulong ito sa mga tagapakinig upang makita
ang paksa sa ibang anggulo at maiangat ang nalalaman ukol sa paksang
tinatalakay.
3. Makapanghikayat- Ang isang mabisang talumpati ay maaaring
makapanghikayat sa mga tagapakinig. Maaari nitong mubago an pananaw ng
isang tagapakinig at maakit itong sumang-ayon o tanggapin ang
pinagtatalunang bagay o kalagayan. Madalas itong nagagamit ng mga politiko
sa pangangampanya.

4. Makapagpaganap o Makapagpatupad-Ang isang tatumpati ay


maaaring makapaglahad ng isang adhikain, proyekto, batas, o ay
ordinansang kailangang mapalaganapo maipatupad sa nakararami. Ito ay
magtutulak sa tagapakin'g upang isagawao isakatuparan ang kaisip.ung
nabanggit sa talumpati.
5. Manlibang-Ang talumpati, upang maging mabisa ay kailangang magkaroon
ng pangakit at makapanlibang sa mga tagapakinig. Ang anupamang layunin ng
talumpati ay magtatagumpay ang kung lubos itong pinakinggan at kinagiliwan
ng mga tagapakinig kaya't nararapat ang talumpati y maging kawili-wili sa mga
tagapakinig.
Naririto naman ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng isang
talumpati:

Bago ang araw ng pagbigkas o pagbása ng isang mananalumpati sa kanyang


piyesa ay nararapat lang na paghandaan niya muna ito. Naririto ang mga
bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng talumpati:

1. Pagtukoy sa uri ng tagapakinig- Mahalagang batid ng mananalumpati


ang uri ng kanyang tagapakinig upang maibagay o maiakma niya para sa mga
ito ang estilo, paksa, at paraan ng pagsasaad ng kanyang talumpati.
2. Pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa paksa-Mahalagang
magkaroon ng malawak na kaalaman sa paksang kanyang ilalahad ang
mananalumpati. Makukumbinsi at matututo lang ang tagapakinig sa paksang
tinatalakay kung ang nagtatalumpati ay may lubos na kaalaman sa kanyang
sinasabi. Makatutulong din upang masagot niya nang walang gatol at
makapagpaliwanag nang mahusay sa mga tanong na ibibigay ng mga
tagapakinig kung malawak ang kabatiran niya ukol sa paksa.
3. Pagbuo ng isang mabisang balangkas-Bago pa maupo at simulan ang
pagsulat ng aktuwal na talumpati ay makatutulong nang malaki ang pagbuo
muna ng balangkas. Narito ang mga hakbang na maaaring sundin sa
pagbabalangkas ng bubuoin mong talumpati:
Pambungad ng Talumpati
a. Panimula-Mahalaga ang panimula sapagkat ito ang magiging basehan ng
tagapakinig kung ibibigay ba niya ang kanyang buong atensiyon sa
nagtatalumpati o hindi. Kailangang makapag-isip ang nagtatalumpati ng
mahusay na panimulang makapupukaw o makatatawag-pansin sa tagapakinig.
Sa bahaging ito naihahayag na ng mananalumpati ang paksang kanyang
tatalakayin.
Katawan ng Talumpati
b. Paglalabad-Dito matatagpuan ang esensiya o ang nilalaman ng talumpati.
Kailangang maging masinop ang mananalumpati sa paglalahad ng mga
puntong kanyang bibigyang-pansin. Makatutulong kung sa balangkas pa lang
ay isa-isang isusulat ng mananalumpati ang mga paksang sunod-sunod
niyang ilalahad upang masuri niya kung naisama ba niyang lahat ang
mahahalagang puntong kailangang mabigyang-din.
Pagwawakas ng Talumpati
C. Impresyon-Kung napaghandaan ng mananalumpati ang isang mabisang
wakas ay kailangan ding paghandaan niya ang isang pagwawakas na hindi
lang lalagom sa kabuoan ng mga paksang kanyang binibigyang-diin kundi
mag-iiwan ng isang malalim na impresyong kikintal sa puso at isipan ng mga
tagapakinig. Maaaring ang pagwawakas ay sa pamamagitan ng isang hámon,
tanong, kuwento,o kasabihang mapag-iisipan ng tagapakinig at maiuugnay
niya sa kabuoan ng pinakinggang talumpati.
4. Pagsulat ng Talumpati-Mula sa nabuong balangkas at mga nasaliksik na
datos ay maaari nang maupo at isulat ng mananalumpati ang kabuoan ng
kanyang talumpati. Makatutulong kung batid niya sa una pa lang kung gaano
kahaba ang laang oras para sa kanya. Makatutulong kung susulat muna ng
borador at sakâ ito rebisahin nang ilang beses pagkatapos. Iwasang maging
maligoy ang talumpati. Maaari itong maging maikli subalit maliwanag,
malamán, at kawili-wili sa mga tagapakinig.

You might also like